Prologue

18 0 0
                                        


Sanin's POV. 

"Aling Trinidad magkano po ang sa isang piraso nitong atis?" tanong ko kay aling Trinidad suki na ko dito sa prutasan niya sa may bayan kase lagi akong inuutusan ng ina na bumili ng prutas kase magaling ako pumili ng masasarap na pang putaheng pang meriyenda. 

 "Cinco centimo ang isa binibini." Sabi ni aling Trinidad nanakangiti. "Aling Trinidad hindi ba ho ang sabi ko sainyo Sanin na lang ho ang itawag ninyo sa akin napaka pormal ho ng binibini."

"hahahah o sige iha "

" Aling Trinidad, Nga pala limang pirasong atis ho at isang pirasong mangga at tyaka may ubas po ba kayo" 

"Nako iha hindi ba bawal ka sa ubas at magkakakati ka at magkakasakit" Oo nga pala bawala ako sa ubas pero paborito iyon ng kapatid ko.

 "Ayos lang po iyon para naman po sa kapatid ko eh." 

"O sige. Oh ito na iha oh" pagkaabot ko na supot at bayad. May biglang tumawag sakin. 

"SANIN!!!!" jusko akala mo nahuhulog na sa bangin yung sumisigaw. Sino kaya yun? Lumingon ako at na kita ko si Natalia palabas sa kanyang kalesa. Pagkalabas nya tumakbo siya papalapit sakin.  Naku sayang hindi na dapa.

"Uyy di mo manlang sinabi sakin na hindi na pala kayo ni Ginoong Simon!" Binatukan ko nga. 

 "A-anong hindi na kami?! Kami pa noh! "ano bang pinagsasabi niya kami pa kay- 

 "Aray! Masakit! Eh Nakita ko si Ginoong Simon na may kalandiaang higad na sobrang pula ng labi sa may sosyal na kainan dyan sa labas ng bayan!! Nung papunta ako di-" di ko na sya pinatapos at hinila ko na sya papunta sa kalesa niya at sinabi ko nalang kay Carmina na mauna na siya kasama ang mga pinamili ko. 

 "Pumunta tayo sa kanila"sabi ko kay Natalia at sinabi niya yung lokasyon sa nangangabayo ng kalesa niya at aba sosyal nga 'Sr.Ramon' pa talaga ah Pagkarating naming dun sa kainan na yun Nakita ko nga siya at aba napaka tamis nga naman talaga ng mga higad, kala mo pati asin lalanggamin palibhasa ang aalat nila! Hmm.. alam ko na. kailangan ko ng lalake.

 "Hoy tulungan mo ko humanap ng gwapong lalake na mas gwapo pa sa malanding yun ahh.." sabi ko sa kanya habang naghahanap rin ng lalake na dumadaan. Hmm humanda kayong mga higad na ugh sarap tirisin..HUMANDA ka!!!!!!!. 

 Natalia's POV 

 Hmm.. Gwapo ba kamo?! Numero uno ata ako dyan! Lalake..lalake..lalakwe~ Hala ang papanget ng dumadaan nakuu tutuu ba itu. Ang dami ngang dumadaan ang papangit naman. Tas yung iba akala mo may putok sa kili-kili nakuu koya di pa bagong taon!! Yung iba naman kala ke-gwapo-gwapo lakas makahangin ehh sarap sabihing 'hoy koya para sa iyong kaalaman para kang maitim na kuyukot!' 

"Whahhahaha!" bigla akong natawa sa naisip ko. Tas biglang tumingin si Sanin. "Para kang ewan. Maghanap ka na nga lang."Psh.. sungit neto. Bahala ka dyan di kita tulungan e-.

 "Ayun! Ang gwapooo!!!!" sabi ko kay Sanin. 

"Asaan?! Saan?!!!" di naman ata sya atat nohh..Ituro ko na nga mamaya mautot pa tong babaeng toh sa kalesa ko mahirap na pasabog pa naman ang utot nito.

 "Sandaleh i-kalma mo yang pwet mo baka may lumabas! May nakaharang ehh. Ayun ohh yung nakasalamin na pogi. Uy mukha sya matalino!!" Mukha syang matalino pero di mo ito masyado mapapansin kase sa salamin niya pero pasensya na sadyang magaling lang ako makakita ng gwapo. At aba itong si Sanin talaga di makapagintay biruin mo lumabas agad. Tsk tsk halatang ayaw niya noh. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Sinaunang  LALAKERO?!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon