"Oh? Bakit ganyan kayo makatingin?" Masunget kong tanong sa kanila.



"Nothing.. Si Diana kasi yung tumawag kay Ate Pons" Pag-iinform ni Kyle.




"Nakita ko Kyle.. Eh ano naman?" Mataray na sagot ko.



Kainis lahat nalang konektado dapat sa akin. At ang gagaling talaga nilang lagyan ng koneksyon.



"Pabebe ka talaga dyan.. Malamang baka hinahanap ka" Sagot nito.



"Lah? Mga utak niyo nga.. Baka may itatanong lang kay Ate Pons ehh. Grabe masyado kayong na obsess na kay Diana" Naiinis na sagot ko saka sila dinagukan ng sabay.



"Aray naman! Malay mo ikaw talaga ang pakay. At saka siguro nga obsess kami kay Diana, obsess na maging kayo" Pilit parin nito, sasagot pa sana ako ng biglang pumasok ulit si Ate Pons.




"Ahh.. Celine halika muna dito gusto kang makausap ni Ms. Carlos" Saad nito.




"See.. Ahahaha. Tama nga kami" Kyle mouthed baka kasi marinig ito sa kabilang linya.




"Hay.. Ewan ko sa inyo, mag-ayos na kayo dyan para makauwi na tayo" Yun nalang nasabi ko bago kinuha ang cellphone kay Ate Pons at lumabas.




"Hello Ms. Carlos?" Bungad ko naman.



"Ahmm.. Hi Teacher Celine, Sorry for calling you late.. How are you?" Bati din nito. Ilang segundo rin akong na stun sa boses nito.



Lord why naman ganun, pati boses ang lakas ng dating.



"Okay lang naman.. Kayo ba ni Ysabelle, Kamusta?" Tugon ko naman.



"We're good.. Ahmm. Ma'am I know you are a super busy person but pwede ba akong makahingi ng favor sayo"
Nag-aalangang saad nito.



"Ahh yes sure.. what is it Ms. Carlos?" Tanong ko naman, even tho may naiisip na ako kung saan papunta ito.



"Diana nalang.. I think hindi naman nalalayo ang edad natin so mas okay ng Diana masyadong formal ang Ms. Carlos" Saad nito.



"Okay Diana.. What can I do for you?" Pag-uulit ko.



"So ano kasi.. Nahihiya ako talaga ako for asking you this kasi syempre hindi niyo na ito sakop but I'm asking you this for my daughter.. Pwede ka ba naming yayain ni Ysabelle ng early dinner? She wants to know you well pa kasi" Medyo mahabang kwento nito.



"Oww.. Okay, ngayon na ba?" Tanong ko naman.



"Sana.. If free ka lang naman" Tugon nito.



"Hmm.. Pwede bang bukas nalang? May mga papers pa akong need ng graduhan ehh"



Bukod sa mga paper works ko gusto ko rin talaga sana magpahinga muna. Nakakapagod naman kasi talaga maging isang guro pero passion ko kasi talaga ang pagtuturo kaya pahinga lang sandali bago lalaban ulit. Good thing maganda ang pasahod sa amin ni Ate Pons dito unlike sa sahod ng mga teachers sa Pilipinas. Hayy.



"Yeah.. sure no problem.. Kakausapin ko nalang si Ysabelle" Sagot niya.



"Can I? Baka magtatrums yan kung sayo pa manggagaling" Pakiusap ko naman.
Marami na akong batang na encounter at ramdam ko na maggulo ito pag hindi nasunod ang gusto kaya baka maggulo si Ysabelle pag ang Mama nito ang mismong nagsabi.



I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now