CHAPTER #2

0 0 0
                                    

Janice's POV

Pumasok na'ko sa kwarto ko atsaka humiga.
"Hayy! Ano kaya ginagawa nang mga yun!" Kinuha ko naman ang phone ko atsa ko tinawagan si Jorby.

(Oh?)sabi niya sa kabilang linya. Langhiya to ahh di man lang nag hello.
"Anong ganap mo?"tanong ko sa kanya.
(Nasa bahay na ako. Bakit?)sagot naman niya sa'kin.
" Kita ta'yo."Sabi ko sa kanya atsaka ko binaba yung tawag.

Nagbihis na'ko. Nag-jeans lang ako tsaka plane na gray t-shirt. Mga ilang minuto lang din ay nakarating na'ko sa tambayan.

"Jace?" Sambit ko sa pangalan niya. Pero wala namang sumagot kaya siguro wala pa siya. Dun muna ako sa Terrace sa taas. Naalala ko yung nangyari kanina. Nakita ko nanaman siya. Bakit ko pa kasi nakita eh.
"Jei!" May tumawag sa'kin sa baba kaya bumaba na ako, dun ko nakita si Jorby naka-higa siya sa Sofa.
   Siya si Jorby Arnoza pero kapag andito kami tawag namin sa kanya Jace. Pareho lang kami ng edad , pero nga lang hindi kami nagkaklase ngayon kasi ibang strand yung kinuha niya.
"Oh!anong problema mo?" Tanong niya sa'kin habang siya naman busy sa pag-lalaro sa phone niya.
"Wala naman. Bawal ba kitang makita ngayon?" Sabi ko tsaka umupo sa may ulohan niya.
"Nakita ko siya kanina." Sabi niya sabay ng pag-patay niya sa phone niya at tumayo.
"Nakita ko siya kanina." Sabi ko sa kanya.  Mabilis pa kay flash nang makarating siya sa tabi ko.
"Talaga?!tapos ?! Anong nangyari?" Sunod na sunod na tanong niya sa'kin. Alam kong di siya maniniwala sa sasabihin ko.
"Ayun nagbati-an lang kami." Sabi ko tsaka kumuha ng maiinom.
"Wow. Buti pa kayo nag bati-an eh kami nga na magkaklase kami di kami nag-uusap eh."sabi naman niya sa'kin tapos humiga ulit. Teka lang, anong sabi niya? Magkaklase sila ni Nina?
" Magkaklase kayo?"Tanong ko sa kanya. Nag-nod lang siya sa'kin tapos nakatunganga nanaman sa cellphone niya.
"Pa'no nangyari yun?!" Tanong ko ulit sa kanya. Eh kung ayaw niyo mag world war 3 wag niyong pinaglalapit ng landas ang dalawang yan.
"Eh pa'no na yan? Okay lang sa'yo?" Tanong ko sa kanya sabay nang pag-tingin niya nang nakakaluko sa'kin.
"Sa tingin mo 'Oo'?" Sabi niya sa'ka siya nag-smirk at pinagpatuloy yung ginagawa niya.
"Jorby Arnoza , pwede bang wag mo kung ngitian nang ganyan." Sabi ko sa kanya. Eh tinawanan lang ako ng luka niyong lola.
"Wag kang mag-alala Unnie akong bahala dun." Sabi niya tsaka niya ko tiningnan. Naka-kunot lang noo ko sa babaeng to. Ano nanaman bang gagawin niya?! Ayaw ko talagang hindi ko nalalaman bawat galaw ng babaeng to.
"Anong hindi nag-alala , ehh ayan kananaman sa mga ganyan mo ehh."  Sabi ko sa kanya tsaka ko siya tinaasan ng kilay.
"Pag ikaw napahamak diyan sa pinang-gagawa mo. Malalagot ka talaga sa akin." Sabi ko sa kanya tska ko siya binatukan.

Naalala ko lang yung nangyari sa aming mag-babarkada noon eh. Sana naman di na yun mangyari pa.

~~~~~~THROWBACK~~~~~~
/a.n. : this throwback is based on true story./

3rd year High School na kami ng nagkita kami ulit. Si Loraine, na kaibigan ko simula Grade 5 pa ako. Si Joy, na nagging kaklase ko noong Grade 2. Si Nina, na Bestfriend ko simula 1st year High School palang kami. At syempre si Jorby na bago kong kakilala.

Naging okay naman ang pag-kakaibigan namin. Rampa dito, rampa doon. Kain dito, kain doon. Punta sa bahay niya at punta nanaman sa bahay niya. Cutting classes ngayon at cutting classes bukas.

Hindi kami mapag-hihiwalay'ng lima. Pati nga Teacher namin inakala na magkakapatid kami, pa'no ba naman ehh sa halos araw-araw na nga naming pagkikita sa school eh pati weekends di namin pinalampas. Kung meron mang malayo sa amin ng upu-an ay agad naman naming kakausapin Teacher  namin para magkatabi-tabi ng upu-an.

Ang saya na sa'na namjn hanggang sa malaman namin na matagal na palang gusto ni Nina si Matthew, siya naman ang Pinsan ni Jorby. Syempre bilang kaibigan niya edi sinuportahan namin siya sa lahat ng mga desisyon niya.

Pero sa isang pitik lang ng balita ehh nagbago na ang lahat.

2nd Periodical Test namin.

"Janice kumain ka muna." Sigaw sa'kin ni Mama. Naghahanda na ako sa dadalhin ko ngayon.
"Ma wag na. Dun nalang po ako kakain. Sabi ko naman atsaka ko kinuha bag ko.
" Maaga pa naman ah. Pano ka makakapag-concentrate sa Exam niyo kung walang laman yang Tiyan mo?" Ayan nanaman po siya nagrar-rap nanaman eh. Umagang-umaga ang sakit sa tinga.
"Ma, may pera pa po ako atsaka dapat po maaga kami ngayon." Sabi ko naman sa kanya, lalo na ako na isa sa mga Officer sa room namin.
"Basta kumain ka dun ng kanin at hindi Junkfood's. Okay?!" Sabi niya sa ajin atsaka binuksan na ang pintu-an.
"Opo." Huling sabi ko atsaka pumunta na akong school. Naabutan ko naman sina Jorby na nagbabasa ng notes nila.
"Good morning" bati namin sa isa't-isa.

Ilang minuto lang din ay nagsimula na kami sa Test namin. Wahhh!! Felling ko dumudugo na Utak ko nito.

"Class after you finished your current test sheet, pwede na kayong mag snack." Sabi ng teacher namin. Nakahinga naman ako sa sinabi niya.

Pagkatapos na pagkatapos ko sa Test Paper ko ay agad ko naman silang Liningon. Nasa likod ko kasi sila. Tapos na nanaman sila sa Test nila eh.

"So ano bili muna tayong snack?" Sabi ni Loraine, atsaka naman kami tumayo para pumunta'ng Canteen. Pagminamalas ka nga naman nasa 1st floor canteen namin. Pano ba naman eh nasa 3rd floor kami.
"Tapos na kung bumili." Sabi ko sa kanila.
"Tapos na rin ako"Sabi naman ni Joy na dala-dala ang isang biscuit at flavored water niya.
" Tara?!" Tanong naman ni Jorby sa amin atsaka kami nag-nod lahat. Nang makarating kami sa room , hinarap na namin mga upu-an namin sa isa't-isa.

"Ah, oo nga pala guys may sasabihin ako sa inyo." Paguumpisa ni Jorby sa usapan namin. Tango lang kami ng tango sa kanya.
"Alam kong medyo weird to pero kasi ano..." Pagsasalita niya, pero alam ko na hindi siya comportle sa dapat niyang sabihin.
"Ano ba yun?!" Tanong naman ni Lory na parang di rin mapakali. Tumitingin lang kami kay Jorby na ngayon ay nakatingin kay Nina.
"Ang totoo kasi niyan. Si a-no, si m-mat kasi" nauutal niyang sabi sa amin tsaka naman siya tumingin sa akin na nagging dahilan ng pagkunot ng noo ko.
"Bakit?! A-nong meron kay Mat?"Sabi ko namn sa kanya na may halong pagtataka.
" Eh kasi may gusto siya sa'yo"Dire-diretso niyang sabi sa'min.
   
    Natahimik naman kami sa loob ng ilang minuto bago basagin ni Nina ang katahimikan.
"Ah, hahaha akala ko naman kung ano na.Hihihi" Sabi niya atsaka ako napatingin sa kanya. seryoso ba siya na okay lang sa kanya?Pero syempre hindi diba! Sino ba naman ang masasaya kung ang taong gusto mo ay may gustong iba, lalo na sa bestfriend mo.
"Ah, hahahahah. Mukhang may dapat tayong pag-usapan ngayon ah."Sabi ko sabay Ngiti ng hilaw  sa kanila.
" Huh? Para saan naman?"Sabay tanong ni Nina sa akin at ang pag-ngiti niya sa akin. Alam kung nasaktam siya sa balit na'to , at alam kung may mali talaga.
Tiningnan ko naman si Jorby at nagkibit-balikat lang din.
"Hayy, hayaan niyo nga muna yan. Bahala siya sa buhay niya. Basta tayo magkakaibigan parin tayo."Sabi ni Lory sa amin atsaka siya ngumiti.

After what happened in that day wala na, iniwan na nila ako. As in di na ako pinapansin ni Nina tapos kapag pumapansin naman siya sa akin ay alam ko naman na pilit lang yun. Until 10th grade come at nagkabati lang din kami nina Jorby, Joy at Lory pero si Nina ayaw parin akong kausapin.Wala nanaman akong magawa dun kung ayaw niya talaga.

Pero may balita na mas ikinagalit ko. Yung felling na nag-away na kayo tapos lahat pero Yung LAHAT ng nangyari ay PRANK lang ba talaga. Prank na ginawa nina Jorby at Matthew. Naintindihan ko naman yung dahilan ni Jorby kasi daw ayaw niya kay Nina , pero ito namang si Nina ako na nga tong lumalapit sa kanya pero ito naman siya kung ano-anong pinagkakalat na balita.

Hayyy buhay. Ganun ba talaga kapag nainlababo ka? Ayaw ko na. Pati mga kaibigan tinatalikuran.

~~~~~END of FLASHBACK~~~~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You and MeWhere stories live. Discover now