Park 3

112 2 3
                                    


WARNING: This story contains extreme language, violence and scenes that some viewers might find upsetting.

Naramdamanan ko na lang tila may matigas na bagay ang pumalo sa aking ulo na nanggagaling sa likod ko at at may tila umaagos na likido sa mukha ko. Pagkapa ko sa aking mukha ay may sariwang dugo ang nasalat ko at may isang palo ulit. Hanggang sa nawalan ako ng malay.

Sa aking pagmulat, nakadapa ako na hindi ako makagalaw at makahinga ng maayos dahil sa mga nakatali sa akin. Nanghihina ako na tila parang hindi nakakain ng mga ilang araw at wala akong makita kundi ang isang maiitim na tela kung saan nakatalukbong sakin. May naririnig akong ibang diyakleto na tila nagtatawanan na parang pamilyar sa akin ang mga boses na umaalangawngaw sa buong silid. Hanggang may kumatok at sabay sabing ' Simulan na natin sabi ng Pinuno'

Nagpapanggap parin akong walang malay habang bitbit ako ng dalawang lalaki. Paglabas pa lang ng kwarto ay maririnig mo agad ang mga parang nagbubulungan na hindi mo mawari dahil sa palo na inabot ko. Hanggang maya maya lang ay nakalanghap ako ng parang preskong hangin na tila para kang nasa kagubatan at maya maya lang ay nawala din.Naririnig ko na lang na kumakatok yung isa sa mga lalaking may hawak sa balikat ko.Pagkabukas pa lang ng pinto ay dali dali nilang tinanggal yung mga tali sa buo kong katawan at sinunod yung itim na tela sa ulo ko sabay isang malakas na tulak sa kwarto.

Medyo madilim ang paligid pero may sinag ng ilaw na nanggagaling sa labas.Sobrang tahimik ang paligid animo'y naririnig mo ang iyong paghinga. Habang sinusuyod ko ang apat na sulok ng kwarto na yun ay bigla na lang ako natigilan ng may nasipat akong isang bagay na hindi mawari. Ngunit laking gulat ko na lang na may kumakalabit saakin at sumigaw ako at agad naman niyang tinakpan ang bibig ako at sabi niya ay '

""Tumigil ka, hindi ako kalaban, tulad mo lang din ako na ALAY""

""T*NG *N*, akala ko multo na naman! Teka lang. Anong alay ang pinagsasabi mo""?

""Alay tayong lahat para sa isang ritwal na kanilang gagawin na mailigtas sila sa papalapit na paghuhukom"".

""Wait lang ? Sinong lahat ?""

Sumipol ang isang lalaki at lumaki ang mga mata ko ng isa-isa na sila nagsilabasan sa kani-kaniyang pwesto. May tatlong lalaki kasama yung kausap ko,may mga batang babae at kung hindi ako nagkakamali ay may tatlo na buntis.Tayo ay mga alay para sa magaganap ng seremonya mamayang hatinggabi.Tinanong ko kung nasan kami,hindi niya daw malaan kung nasan kani dahil sobrng liblib ng lugar na para kaming malayo sa siyudad.Maya maya lang ay narinig ang mga kalinsing ng mga susi na nangagaling sa pinto. Pagkabukas ng pinto ay bumungad sa amin ang nakakasilaw na flashlight na nakakatutok sa mga mata ko at bigla na lang tinali patalikod ang mga kamay ng bawat isa.

Habang naglalakad kami palabas ay maririnig mo ang mga ingay ng mga tao na nagmumula sa labas at naghihiyawan pa ang iba na tila nagkakasiyahan na parang may piyesta.Pagkalabas ko ay nagulat ako sa aming dinatnan. Sobrang daming tao na nahahati sa tatlong kulay ang kanilang mga kasuotan.Nahahati sila sa tatlong grupo. Merong puti,itim at pula ang kulay ng kanilang mga damit na may hood. Makikita mo ang mga ibat ibang kulay na mga kandila. At merong tatlo na malalaking baliktad na kruz sa bawat kanto.Habang naglalakd kami papalapit sa gitna ay lalong lumakas ang hiyawan na parang laban ni Muhammad Ali!

Pagdating namin sa gitna ay may isang malaking libro na may baliktad na krus na nakalagay dun sa cover ng libro. At may mga baso na parang hawig siya nung mga ginagamit ng mga pari sa simbahan na nakalagay dun sa mesa na katabi nung libro.At may dalawang malaking kahon at my dalawang maliit na kahon ang nakasampa sa isang napakahabang mesa na kahoy.At sa may kaliwa ko mga bagay na matatalas ang mga ito. Para kang nasa Slaughter House.
Hanggang sa binihisan na kaming lahat na yung damit ay parang pang sakristan. Pulang kulay ang napunta sakin.Nilagyan din ako ng abo sa aking noo na hindi ko malaman kung ano nakalagay.May pinanguya sa akin na hindi ko alam kung ano. Naramdam ko na lang na nanghihina lalo ako. Nanginig ang buo kong katawan hindi dahil sa takot kundi dahil sa gutom.Maririnig mo ang malakas na iyak ng mga kasama ko na pati lalaki din na nakausap ay yakap yakap niya ang isang buntis na siguro ay asawa niya. At taimtim na nadadasal ang mga matanda na kasama ko habang yakap yakap niya ang mga bata. Palakas na palakas ang hagulgol nila na akala mo ay katapusan na nila sa mundo.Pero ako ay hindi nawawalan na pagasa para makatakas kaming lahat.Hanggang nag umpisa na pinakahihintay nilang mga sandali.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KULTOWhere stories live. Discover now