Sandra?

Printe itong nakaupo sa hapagkainan habang kumakain at nakapangbahay na kasuotan

Bakit siya nandito?

"Oh...Goodmorning Maid" nakangiti ito sakin kaya napatingen naman ako kay master na humihigop ng kape. Gusto kong magtanong kong anong nangyayari, bakit nandito si spasol?

"Hon! shopping tayo mamaya" hindi ko alam pero biglang nang pantig iyong mga tenga ko at gusto kong mangalmot ng mukha ng isang spasol At ito pa ang hindi kapani-paniwala tumango si master at ngumiti

Umiwas ka nalang ng tingen bebang, baka hindi ka makapag pigil sa selos...

umalis nalang ako sa hapagkainan at pumunta sa kusina

PLAG..

Ouch! Lintekkkkk

Marahan ko kasing tinadyakan iyong stool na hindi ko akalaing babalik sakin yong sakit "Grabe talagang babaeng iyon panay utos" narinig kong reklamo ni Tess kaya umayos ako ng tayo.

"Oy bebang! goodmorning hehe" ngumiti ako at nag goodmorning rin sa kaniya.

"Ahm Tess...Alam moba kong bakit nandito iyang si spasol?" Kunot noong lumingon ako sa hapagkainan habang tanaw iyong dalawa na nag-uusap, si master at sandra.

"sinong spasol? you mean. yong hito na kumakain sa lamesa na akala mo'y señorita dito?" Napalingon ako sa kaniya at sabay kaming natawa.

May sariling tawag rin pala siya kay spasol

"Hay nako... pasadong alas tres ng umaga dumating si Sir. kasama iyong hitong spasol na iiyak iyak pa, rinig ko may issue yong family nila at lumayas ang gaga" napangiwi ako sa sinabi ni Tess, parang detelyado talaga ang sinabe niya at nakuha ko agad ang ibig-niyang sabihin.

Lakas makarinig ah

"CHARARAT TAWAG KA NI SEÑORITA" sigaw na naman ng Mayor doma kaya.

Eh? Sino daw? Ako ata tinatawag nito..

"huh? sinong señorita?" Takang tanong ko sa minion ng mansion.

"SINO PABA? EDI IYONG GIRLPREND NI YOUNG MASTER CHE" masungit na sabi nito at tinarayan pa talaga ako ah.

Bakit kaya laging nasigaw itong si minion

Hindi na ako umangal at pumunta nalang sa hapagkainan. "oh...there you are, mag shoping kami mamaya ni hon and i decided na isama ka! para may taga bit-bit ng pinamili ko" biglang nag ngit-ngitan iyong ilalim ng mata ko at ngipin.

Ginagawa mo ba akong utosan mo?

Tinignan ko si master na napapakibit balikat lang kaya napairap nalang ako tsaka tumango kay spasol na mukhang masayang masaya sa ginagawa.

»»»»»»

Nasa SM mall kami sobrang luwag at laki nitong mall na pwedi ka mawala kong hindi mo kabisado katulad ko panay lang sunod sa dalawa dahil baka malingat ako at mawala dito

"Bagay ba sakin hon?" Ani nitong si spasol habang hawak hawak iyong pulang dress na may kumikintab kintab pa na desinyo

Maganda iyong damit pero papangit kong siya mag-susuot

Ilang oras na kaming palibot libot dito sa SM-mall tapos madami nadin akong bitbit na paper bag na puro damit ang laman.

Tsk magastos na babae

Napagpasiyahan ni master na lumabas na ng mall nayon at ilagay muna ang mga pinamili sa loob ng kotse. "Hon. I want to eat master siomai oh" natutuwang turo ni sandra habang nakatingen sa kabilang kalsada na maraming taong nakapila, Sinunod naman siya ni master ng walang imik habang ako ay nakakaramdam narin ng gutom

Hindi panga ako nag umagahan bago umalis

napapakagat labi nalang ako sa tuwing makakita ng mga taong kumakain habang dumadaan sa harapan ko. Natuwa ako nong makitang may cart na nagtitinda ng fishball, kikiam na tusok tusok medyo malayo pero keri namang lakadin

"Master hintayin mo ako ah? May bibilhin lang ako" taka itong tumingen sakin ng bumulong ako ngunit agad rin namang tumango.

"Dalawang hotdog, limang fishball tsaka limang kikiam" sabi ko kay manong nang makalapit. takam na takam ako habang nilalagyan ng sauce iyong binili ko at nagbayad ng bente kay manong may keep the change pa akong nalalamn

Hehe miss kona 'to eh.

Bumalik ako sa pwesto nila master at nakitang naiinip na naghihintay sakin si spasol napairap pa ito ng matanaw ako "Nakabili na kayo?" Tanong ko habang kumakain ng kikiam

"Naubusan! Hmpk walang kwentang Nagtitinda--iww!...what is that?" Turo niya pa sa kinakain ko habang si master ay nakatingen lang sakin.

"Gusto mo? Kikiam, fishball, tsaka hotdog marami padon bibili ka?" Tanong ko kay spasol at inalok pa siya, halata naman na diring diri ito sa kinakain ko. "Iwww gross! Pano mo nasisikmurang kumain ng ganiyan-no wonder nga pala maid kalang, galing sa poor na pamilya" tinignan kolang siya tsaka tumango na parang sinasang-ayonan ko nalang ng matahimik na siya.

Walang silbi yang sasabihin mo kapag gustong-gustk ko'yong kinakain ko.

THANK YOU FOR READING PLEASE DO LEAVE A VOTE AND COMMENT

LOVELUTS-NOONA❣

MAID BECOME MY BABE [COMPLETED]Where stories live. Discover now