ANG SWERTE SWERTE KO SAYO

42 1 0
                                        

It was first day of school.
4rth year high school student nako. Ang hilig ko lang ay puro libro magbasa ng magbasa ng hindi nakakasawang kwento. Wala akong pakiilam sa paligid ko kahit kaibigan wala ako basta ang tanging gusto ko lamang ay yung magbasa lang.

Nag bell na at nagsimula ng magsipasukan ang mga istudyante. Wala ni-isa sa kanila ang tumabi sakin kasi alam nila na selfish ako. Oo, selfish ako ayoko kasi ng may ka-share gusto ko pag akin akin lang. Tumingin ako sa harap kung nandyan naba ang prop. Namin wala padin naman, kaya pala ang iingay ng mga kaklase ko hindi tuloy ako makapagbasa ng maayos. Then one time, Finally may kumausap sakin. CLASSMATE MAY NAKA UPO BA DITO? umiling nalang ako pero nagsalita parin sya PWEDENG MAKI-SHARE? Sabi nya SIGE UMUPO KANALANG SA HARAPAN KO ang sabi ko naman. Hindi ko tiningnan miski isang sulyap.

Binigyan kami ng free time ng prop. Namin kaya nagbasa nalang ulit ako.

Maya maya ay nagbell na. Sinarado ko yung libro ko at ipinasok ko ito sa bag ko. Muling sinulyapan ko sya. Nasa tabi ko pala nakaupo hindi ko napansin yun. Hindi naman sya sobrang gwapo pero ang linis nyang tingnan matangkad, maputi at oo, malakas ang appeal nya.

AT AYUN ANG FIRST TIME NA NAKITA KO SYA.

Nung tumagal tagal. Palagi akong tumatambay sa library. Lagi nya akong tinatabihan sa canteen library pati narin sa classroom. Aaminin ko na araw-araw kong hinhiling na sana makishare ulit sya sakin ng table. And now nandito ako ngayon sa library as usual nag babasa ng libro. Mamaya lamang ay aalis nako dahil may group meeting pako. PWEDENG MAKISHARE lumingon ako kung sino yun. Sa hindi ko inaasahan sya nga. Tumango nalang ako at ngumiti sakanya. Saktong pag upo nya umalis niligpit kona yung bag ko at akmanh aalis nako pero pinigilan nya ako. SANDALI INIIWASAN MO BA AKO? Umiling at ngumiti nalang ako sakanya MAY GROUP MEETING KAMI KAILANGAN KONANG UMALIS. Umalis nako at pagdating ko sa hagdanan lumingon ako sakanya at nakatingin parin sya sa gawi ko. Napansin ko din na andaming bakanteng upuan sa library pero nakishare parin sya sakin.

Kinabukasan sa palaging gawi ko dun parin ako tumatambay sa paborito kong lugar LIBRARY. Diko inaasahan na tatabi ulit sya sakin pero aalis naman na ako. Nasa bandang hagdan na talaga ako nun ng bigla nya akong hawakan sa wrist ko. SANDALI ANONG PANGALAN MO? ngumiti lang ako PANGALAN LANG EH DAMOT!. Sumimangot pa sya nun. Ako naman tong binigay ang pangalan (tago na natin sa pangalang NICKA). Ang huli kong narinig nung bumaba nako ng hagdanan ANG GANDA MO!. Kaya napahinto at napangiti nya ako.

Araw-araw na kaming nag-uusap oo close na kami. Mag kaiba man ang tugma namin sa library parehas naman kami ng uwian. Saktong uwian may tumawag sakin. Oo, sya nga SAMAHAN MO NAMAN AKO KAHIT 5 MINUTES LANG OH sinamahan ko naman Habang naglalakad kami an tahimik as in. Mag sasalita na sana ako ng bigla syang nagsalita NICKA GUSTO KITA!... Nagulat din naman ako sa pangyayare nayon SA AYAW AT SA GUSTO MI LILIGAWAN KITA sabi nya. Wala akong nagawa pumayag ako sa gusto nya. Diko alam na nangyayare pala to akala ko sa libro lang to nagkakatotoo.

Second,Minutes,Hours,Days and Months na ang nakakalipas. Sweet sya sakin, gusto ko din naman yun ihh hahahaha handa kong ibigay yung sagot ko kaya mamaya ko nalang sa classroom sasabihin.

Nasa Room na kami diko parin sinasabi kinakabahan kasi ako first boyfriend ko kasi sya pag sinagot ko, well yes katabi ko sya. Uwian na diko parin nasasabi kaya naglipit muna ako ng gamit ko. Sinadya kong hintayin na mawalan ng studyante dito sa classroom namin. PAOLO? Tumingin sya sakin SINASAGOT NA KITA! Napangiti lang sya at niyakap nya ako THANK YOU AND I LOVE YOU BABY niyakap ko sya pabalik at sinabi I LOVE YOU TOO BABY

Matagal na kaming nagsasama ni Paolo since nung sinagot ko sya. Ang SWERTE SWERTE KONGA SAKANYA EH araw-araw nya akong hinahatid sa bahay, tinetext, tinatawagan, niyayakap. Sa tuwing nagyayakapan kami may favorite words akong sinasabi at naririnig galing sakanya. Sasabihin ko ANG SWERTE SWERTE KO SAYO tas sasabihin nyang MAS SWERTE AKO SAYO. Di nya ako matiis pag namimiss nya ako kaya pinupuntahan nya ako sa bahay. Lahat ginagawa nya makita nya lang ako. He really loves me so much and i love him too. Hayysss....... Sarap ng may love life.

One day nag date kami ansaya saya namin. Hinatid nya ako pauwi at niyakap. ANG SWERTE SWERTE KO TALAGA SAYO sabi ko at niyakap ko sya ng mahigpit ANG SWERTE SWERTE KO SAYO sabi nya at hinalikan nya ako sa noo.

But...... that was the words i ever heard from my love. Simula nun dina kami nagkita i really really miss him so much. Its been a week di parin kami nag kikita. Ako na ngayon ang laging tawag ng tawag sakanya. Pero sinasagot nya naman saglit nga lang. One time sa huling tawag ko nag i love you ako pero pinatay nya agad. Nakaramdam nako eh alam kona agad pero dati hindi naman sya ganon sya panga yung tumatawag sakin eh. Hindi kona alam anong gagawin ko. Hindi kona maramdaman yung pagmamahal nya sakin noon.

Mag m-monthsarry na kami. 1year and 1 month na kami. Ansaya saya kona kasi may lakad kami ngayon ng boyfriend ko. Sinundo nya pa nga ako sa bahay namin. I think that was the right time na babawi sya sakin. Pero akala ko lang pala yun. Tinanong nya ako kung san ba gusto kong pumunta sabi ko sa cine nalang. Tinanggihan nya yun pampatagal oras pa daw yun. Pero this time napilit ko. Nanood kami ng cine pero di sya mapakali. Tingin sa relo nya tingin sa screen tingin sakin. Diko alam kung baket? Pag katapos ng cine nag dinner kami. C.R MUNA AKO AHH sabi nya di nya alam naiwan nya yung cellphone nya. Biglang nagring yung phone nya pero biglang namatay. Bumukas ulit yung cp nya at sa diko inaasahan nakita ko ang mukha ng isang babae ang sabi ANO NA PAOLO? BREAK NABA KAYO NI..... diko na tinuloy basahin. Ex nya yun diba? Baket pa sya tinetext? Tutulo na yung luha ko pero pinigilan koyun. Alam kona ang sagot sa aking mga tanong. Diko na to palalampasin pa kaya pala hindi sya mapakali. Bumalik na sya sa table namin at ako naman ang nag excuse EXCUSE LANG C.R LANG AKO diretso ako sa Cubicle at dun ko nilabas ang lahat. Umiyak ako ng mga ilang minuto lang baka kasi mahalata ako. Naghilamos ako ng mata para hindi halata. Bumalik nakong nakangiti sakanya pero umiwas sya ng tingin.

Tapos na kaming magdinner actually pa pauwi na kami. Naglalakd na nga kami papunta samin eh. Kanina nga ambastos ng kanta sa jeep eh.

Kahit dimo sabihin
Aking napapansin
Di na kita pipilitin
Dahil dimo naman aaminin

Malapit na kami sa bahay ko.
Hinawakan nya yung kamay ko niyakap ko sya at niyakap ko rin sya ANG SWERTE SWERTE KO SAYO sabi ko pero wala akong narinig na sagot. Mga ilang minuto akmang tatanggalin nya na yung yakap pero niyakap ko sya ng mahigpit. Umiyak na ako sakanya KAHIT DIMO NAMAN SABIHIN AKING NAPAPANSIN, DI NA KITA PIPILITIN PA DAHIL DIMO NAMAN AAMININ sinabi ko sakanya yung tugtog sa jeep kanina. OO ALAM KONA KAYA IBIBIGAY NA KITA SAKANYA ANG SWERTE SWERTE NYA KASI INIWAN MOKO PARA SAKANYA WAG KANG MAG ALALA PINAPALAYA NA KITA LAGI MONG TATANDAAN NA MAHAL NA MAHAL KITA. that was the last thing i've said to him.
Umuwi nako nun.

Actually iyak ako ng iyak nun mga ilang months din. Sa libro nga lang talaga nagkakaroon ng forever.

**********

At dyan nagtatapos ang kwento

Abangan nyo po yung mga susunod na secret files na isusulat ko

Paalala lang po ang mga pangalan na ibinigay ko ay katangisip lamang po yun lang po maraming maraming salamat po sana po nag enjoy kayo god bless you po don't forget to vote and comment😊😊💞💕👌





SECRET FILES!Where stories live. Discover now