Naaalala ko pa noon kung paano tayo nagkakilala. Nakakatawa nga eh. Nagkita tayo nun sa Mall. Bibili kasi ako nun para sa project namin. Nanggaling ako nun sa national bookstore.Bumili ng mga materials na aming gagamitin.
Pagkatapos kung bumili. Dadaan ako sa may Ice cream parlor. I want to eat ice cream because it's my favorite. And everytime I go to mall, I always buy myself ice cream. Papunta na ako dun ng bigla kitang nabangga. Pareho kasi tayong di tumitingin sa dinadaanan natin eh haha.
Natumba tayo pareho. Alam mo bang ang sakit sakit ng puwet ko nun?tsk. Tumayo ka at inoffer mo sakin ang kamay mo upang tulungan akong tumayo. At dahil sa mabait ako inabot ko na lang, baka mapahiya ka pa. Pag katayo mo sakin, luminga linga ako sa paligid. At doon ko napagtantong ang dami na palang nakatingin saatin.
At dahil sa sobrang kahihiyan eh hinatak kita sa kung saan. Napadpad tayo sa Jollibee. Ewan ko bakit dito kita dinala. Siguro kasi sa sobrang kahihiyan di na nagfunction ng maayos utak ko. Haha. Hingal na hingal ako nun habang ikaw with poise pa rin.
Walang umiimik saatin. Akward. Di ko alam sasabihin ko sayo. O may dapat ba akong sabihin?. Ewan. Nung magsasalita na ako nakisabay ka.
'Sorry... '
Sorry yun lang ang nabanggit ko. Sorry na sabay nating binigkas. Sorry na nauwi sa tawanan. Bigla ka na lang kasing natawa, kaya naman natawa na rin ako. Nakakahawa tawa mo eh. Hagalpak kung hagalpak haha. So, yun nga nagaya kang kumain. At dahil nasa tapat tayo ng jollibee don na tayo kumain. Nung una naghesitate pa akong sumama sayo kasi di naman kita kilala. At nagpakilala ka nga.
'Hi.. I'm Jake. Uhmm I know that I just met you today. But seriously I'm harmless. I won't do anything bad to you. Mukha ba akong masamang tao? Haha. So?'
You smiled at me. I smiled back. Ewan ko pero ang gaan ng pakiramdam ko sayo. At naniniwala akong wala kang gagawing masama sakin.
'Uhmm.. I'm Cheska. Don't worry I believe you although yeah we've just met today. Alam ko naman harmless ka haha. So, let's go? '
I smiled. Tumango ka at sabay tayong pumasok sa jollibee. Sabi mo saakin maghanap na ako ng upuan at ikaw na lang ang oorder. May nahanap naman ako sakto pangdalawahan sa may bintana.
Kumain tayo ng sabay. Marami tayong napagkwentuhan. Na para bang matagal na tayong magkakilala. Ewan ko pero ang gaan talaga ng loob ko sayo. At akalain mo nga naman pareho pa la tayo ng school. Nagtataka ako kung bakit di tayo nagkikita. Napaisip ako at ikaw rin. Grade 11 ka na pala grade 10 pa lang ako eh.
At oo nga naman maraming estudyante. Tsaka sa kabilang building kayo eh. And that's explain everything.
Kinuha mo number ko. At simula nung nagkita tayo mas naging close tayo. Nagkikita rin tayo sa school. Madalang nga lang. Busy eh. Pero lagi ka namang nagtetext. Sa mga dumaan na ilang buwan mas nagiging close nga tayo.
Nung isang araw na bumisita ka sa room namin. Nagsigawan mga classmates kong babae. Di ko alam na heartthrob ka pala. Haha. Sabagay gwapo ka naman.
