Mas maganda siguro kung simulan ko ang kwentng ito sa pamamagitan ng pag-papakilala sa aking kapatid. Mas matanda ako ng dalawang taon sa kanya, ngunit mas napapansin nila ang aking pag-dadalaga. Siguro dala na rin marahil ng mga pangalan namin kaya't nagkaroon din ng epekto sa pag-lago ng aming mga katawan. Kaso hindi din, dahil napagkakamalang talagang tibo si Jacinta Quiboloy, o JaQi for short. Mas feminine naman ang pangalan kong Ira Kazumi. Huwag nang umangal, sapagkat sa wika ng mga Griego, ang salitang nagtatapos sa letrang 'a' ay may kasariang babae. At opo, may lahi Hapon ang tatay ko kaya ganyan ang apelyido ko.
Mag-kaiba ang apelyido namin pagka't half-sister ko lang sya. Ang siste, mag-betplen daw ang mga ama namin, kaya nung nabiyuda si inay, aun, sila naman ni papa ang naglagay sa magulo, este sa tahimik. (di naman kasi talaga tahimik un, eh)
Nagyari ito nung ilang araw bago mag-pasukan. Nagka-yayaan ang barkada namin na lumangoy sa isang artipisyal na katawang-tubig (swimming pool in short). Ito'y raw eh para i-celebrate ang aming pag-sabak muli sa mundo ng pagalingan sumipsip sa mga guro at pulitika ng mga bilang at numero. Nagkataong na-shift si JaQi (oo, hindi ate ang tawag ko sakanya, at her own insistence) ng kurso kaya parehas kame ng 'block section' napailalim, at syempre iisang barkada lang kame. (di naman kami talaga close, promise)
Napag-kasunduan na alas-nuebe magkikita-kita kaming pito, kasama kaming mag-kapatid sa bilang. Usapan ay sa tapat ng tindahan ang meeting place. Ngunit, datapuwa't, subalit sa kasamaang palad ay isang 10-wheeler truck ang sumalpok sa suki naming sari-sari store. Dali-dali akong nag-text sa kanila na dun na lang sa tulay sa ilalim ng balite ang tagpuan.
Saktong nasa ilalim kami ng puno nang nakita naming papalapit si Edwin, isa sa mga kasama sa swimming. Habang nag-aabang kaming tatlo, nag-kamustahan muna kami na para bang isang libong taong di kami nagkita.
"Ba't dito mo pa naisipang mag-abang? Kung san pa nakakatakot, dun ka pa sumiksik", reklamo ng lalaki.
"Eh problema mo ba? gusto mo dun ka sa gitna ng kalsada sumalampak. ang init-init kaya, wala kang ma-pwestohan", pangontra naman ni JaQi.
"Tatakot ka sa puno eh mas madami ngang mukhang engkanto sa 3-A!" iritable ko namang banat.
Ung tinutukoy ko eh ung mga super-special treatment, prima-donna naming 1st section. Maka-pantasya sila sa mga artista, lakas maka-kilig. Kaso mga itsura nila ang sarap ikaskas sa semento. Mga ugaling maldita pa.
"Eh hindi lang naman itong punung kaka-kilabot" depensa nung mokong. "Tignan mo kaya ung tulay, ganyan ba dapat yan? diretso sa pader? walang patutunguhan?"
"Eh baka binarahan lang nila ung daanan nila dati dito kasi wala nang gumagamit, or ayaw nang pagamit," sabi ko naman.
"Hindi kaya. Sabi ng tindera sa karinderia natin, panahon pa daw ng Hapon ganito na raw ito. Saka tignan mo, puno sa isang dulo tapos pader sa kabila. Eh pagkaka-alam ko sabi ng tatay ung mga Adobeng pader eh panahon padaw ng kastila, eh," pangungulit nya.
"Tama na nga yan! Napaka-wirdo mo talaga! Eh araw kaya ngayon! Saka ano naman mangyayari satin, hahabulin tayo ng mamang puro kutsilyo ang daliri? Lalaki paa ko para may pang-hambalos ako sayo? Dadami ako para kulitin ka tayms tu tayms tu tayms tu?" sa namang papikon na sagot ni JaQi.
Di na ako kumibo. Nag-hintay na lang ako. Nang nag-hintay. Nang nag-hintay.
At inabot kami ng 40 minutes sa ilalim ng puno. Kaya nag-pasya na lang kameng umuwi, habang tinatadtad ng text ung apat na umindian samin.
Di ko inasahan ang mga maririnig ko nang sumunod na buwan.
Ikatlong araw ng pasok namin nun nung naalala kong sitahin ung apat kung bakit hindi sila sumipot saamin. Una kong kinompronta si Khier.
"Ba't pala inindian mo kame nung magsi-swimming dapat tayo?" tanong ko.
"Anong inindian?" balik naman nyang tanong sakin.
"Last month, di ba mag-swimming tayo sa BerdengBarrio, sabi ko 9:00 tayo, di kayo lumitaw."
"Eh? Di ba may-sakit ka nun kaya di ka naka-sama? 10:00 na ako naka-rating kasi nahirapan akong mag-paalam kay ate. Si Macoy nasermunan ng nanay nya kaya natagalan. Si Jet nag-libing pa ng pusa. Si Verna naman daw nawala ung pera nya kaya hinanap pa nya. Eh di ba may sakit ka daw kaya si JaQi lang kaya ung nandun." depensa nyang muli.
Sisigawan ko sana sya nang bigla akong hilahin ni Verna palabas ng kwarto, papunta sa hallway malapit sa hagdanan.
"Alam mo ba ung ginawa ng kapatid mo nung swimming?!" tanong nya.
"Anong ginawa?" mangha kong tanong.
"Sinagot nya ng sabay-sabay tatlong itlog!" tili nito.
"HAAA?!?!?!? Paano nang-yari ung, di ang tagal namin kayo hinintya, di naman kayo sumipot kaya umuwi na lang kami ni JaQi saka Edwin!" sabi ko.
Medyo nag-papanic na ako. Hindi ko na alam ang nang-yayari.
Maya-maya nama'y dumaan si JaQi kasama si Macoy. HHWW. Halos malaglay panga ko, kaso ang dami nilang kasabay kaya di ko sya nahila.
Habang naka-tulala pa ako at abala naman sa pag-sagot sa na-recieve na tex si Verna, dumaan naman pababa din si Jet at saka si JaQi.
Mas lalo akong natulala.
Nang naka-daan na sila, saka naman bumbaba sila Khier at JaQi.
Tatlo. Tatlong beses dumaan sakin si JaQi na may kasama. Tatlong beses nya ako dinaanan.
Tatlong JaQi ang nakita ko.
Sinubukan ko silang sundan. at saktong pag-labas ko ng building, isang kakaibang tanawin ang aking natunghayan.
Ang tatlong lalaki, si Jet, Si Macoy at si Khier. Nakatingin kay Edwin na inaalalayan ang walang malay na si JaQi. Habang ang bawat isa sa tatlong mga lalaki ay may kahawak kamay. Si JaQi.
~~~~~~~~
Medyo nangilabot ako sa kinukuwento sa akin ng kaharap kong pasyente. Marami sana akong itatanong, mga gustong ma-clarify. Kaso tinawag na ako ng Head nurse.
"Ingat-ingat ka sa pakikipag-kuwentuhan sa ga pasyente."
"Oho," sagot ko naman.
Nang dumaan sa hallway ang isang stretcher na may dalang katawang natatakpan ng puting kumot.
"Ma'am, sino po iyon?"
"Hindi ko alam," tugon ng Head Nurse. "Sino yan?" tanong nya sa nag-tutulak ng stretcher.
"Ahm, ma'am, Ira Kazumi daw po. nakapag-bigti gamit ang kumot." sagot nito.
Siya namang bigla kong pag-tanggal ng kumot sa mukha ng katawan na nasa harapan ko. Oo, un nga, un nga si Ira Kazumi, ang kausap ko kanina. Nilingon ko ang kuwarto mula sa bintanang natatakpan laman ng salamin at nakita ko ang kausap ko duon.
At sa likod ng nag-tutulak ng stretcher, nag-lalakad papalapit sa amin ang isang babae. Si Ira Kazumi.
![array [0]](https://img.wattpad.com/cover/1720744-64-k751168.jpg)