XIII- REBELASYON

972 15 1
                                        

{Inuwe}

sino ba talaga si Kasandra?

hinid ako mapakali,

anong tunay na kaugnayan niya sa hari?

bakit parang kay tagal na siyang kilala ng hari?

napakaraming tanong na gumugulo sa isip ko sa mga sandaling ito

mula sa terasa ng palasyo ay tanaw ang buong nasasakupan nito,

tanaw na tanaw din ang lawak ng nasasakop ng itim na usok....

pati na ang karatig na kaharian ay tunay ngang nalalagay na ngayon sa panganib dulot

ng kapangahasan ng babaylang si Zapar...

" Inuwe " - Altea

" kamahalan "

" ano itong nakarating sa akin na kasama mo daw na dumating ang taga lupa, totoo ba? -Altea

tumango ako, at muling tumingin sa malayo

" kung gayon ay nasan siya? nais ko rin siyang makita " -Altea

" Mahal na prinsesa, ano ba talaga ang tunay na kaugnayan ni Kasandra sa mahal na hari ? "

walang ligoy kong taong sa prinsesa,

lumapit siya sa akin at tumingin din sa malayo,

" sa palagay ko Inuwe, ang amang hari lang ang may karapatang magsabi niyang sa yo " - Altea

" kasama ngayong ng hari ang taga lupa "

" kay tagal ding pinanabikan ni ama na muling makita ang sanggol na iyon " -Altea

" kamahalan, nais kong malaman ang buong katotohan tungkol sa sanggol na binabanggit nyo "

" halika Inuwe, samahan mo ako at ating puntahan si ama pati na ang taga lupa " -Altea

bakit hindi masagot ng prinsesa ang mga tanong ko..

dapat kong malaman ang lahat....

========================================================

{Kasandra}

" ito ang silid ng iyong ina " - Haring ATel

sino?!!

ano bang sinasabi ng hari?

panung magiging silid to ng mama ko eh nasa ibang bansa na nga ang mama ko

BOOK II : Ang Huling Sangre ng Alandia......Kasandra { completed }Where stories live. Discover now