Gwen's POV
Pilit kong iniwasan si brent wala akong mukhang maiharap sa kanya pagkatapos ng nangyari sa amin. Ang balita ko matagal mawawala ang buong team nila sa basketball dahil may game sila sa cebu for national competition.
Wala akong ibang sinabihan maliban kay lizzie sa nangyari sa amin nahihiya ako sa magiging reaksyon ng mga kaibigan ko. Ang hirap ng nararamdaman ko di ko maintindihan ang sarili ko, may time na gusto ko makita si brent pero natatakot ako. Ayoko muna ng commitment at isa pa wala naman linaw ang relasyon namin, it just a one night stand thats all!.
"ehem!."
Narinig kong may nagpapapansin sa may likuran ko nakaupo kasi ako sa isang bench sa school. Nilingon ko kung sino yun, si kyle pala at kasama si jack.
"mukhang malayo na ang narating ng isip natin dyan ah!." biro sa'ken ni kyle. Pumwesto sila sa harapan ko pero si jack tahimik lang na nakatingin sa akin.
"wala naman, iniisip ko lang yung report ko bukas." pagsisinungaling ko sa kanila.
"si jack nga pala may sasabihin daw sayo." sabi ni kyle. "iwan ko muna kayo." tumayo na si kyle sa pagkakaupo at tinapik sa balikat si jack bago umalis.
"ano yun jack?." tanong ko sa kanya.
"gwen, gusto ko sanang ayusin ang relasyon natin sana bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon." panimula niyang sabi sa akin.
Nagulat ako sa narinig ko, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Parang wala akong naramdamang tuwa at kilig sa sinabi niya.
"alam ko nasaktan kita, pinagsisisihan ko ang nagawa ko." pagpapatuloy ni jack.
Napayuko na lang ako, naramdaman kong tumayo siya sa kinauupuan at lumipat sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng mesa.
"mahal parin kita gwen!."
Napapikit na ako, parang di ko na kaya pang marinig ang mga susunod pa na sasabihin niya. Tumayo ako pero pinigilan niya ako.
"please gwen listen to me first." may pagsusumamo sa mga tinig niya kaya umupo ako ulet. "nahihirapan na ako, habang tumatagal kami ni sarah lalo kitang namimiss. Ikaw ang hinahanap ng puso ko gwen nahihirapan na ako kay sarah ang layo ng ugali mo sa kanya."
Di ko na napigilan hinila ko ang kamay ko na hawak niya. "ok ka lang jack." medyo mataas ang boses na sagot ko sa kanya. "anong akala mo sa akin isang bagay na pwede mo iwan sa isang tabi at pupulutin ulet pag kailangan mo." naiinis na talaga ako sa kanya.
"hindi naman sa ganun." depensa nya sa sinabi ko.
"when you choose sarah over me nawalan ka na ng karapatan sa akin, kinausap kita jack pero binalewala mo ang pagmamakaawa ko noon sayo." nakita kong yumuko sya. "and one more thing jack, wag mo akong hanapin sa iba dahil nagiisa lang ako. Tanggapin mo kung ano si sarah dahil isa yun sa dapat mong mahalin sa kanya at pakiusap tigilan mo na ako naka move on na ako at hindi na kita mahal!." pagkatapos kung sabihin yun kay jack tumalikod na ako at naglakad palayo, hindi na ako lumingon ayaw kong makita ang reaksyon niya baka maawa lang ako.
***
Di ako makatulog apat na oras na akong nakahiga. Hindi ko alam kung ano ba ang bumabagabag sa isip ko, tiningan ko kung anong oras na mag aalas dos na pala ng madaling araw pero gising na gising parin ang diwa ko.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko, nagtaka ako kung sino ang tatawag sa akin ng ganitong oras.
"hello?." sinagot ko ang tawag, unknown number kaya nacurious ako.
YOU ARE READING
Pretty Boy ng buhay ko
General FictionAkala ni gwen katapusan na ng mundo nya ng maghiwalay sila ni jack, sobrang minahal nya ang lalake dito umikot ang mundo nya sa loob ng limang taon. Until one day, nagising na lang sya na iba na ang nilalaman ng puso nya. Ang nag-iisang pretty boy...
