Pagkaupo namin dalawa ni Chloe, sakto pumasok si Ms. Lucy ang adviser namin. Nagulat kami na mag clear siya ng throat niya. Kaya tumahimik nalang kaming lahat ; " Eherrmmm... okay class 4 section B, may mahalaga akong announcement sa inyo, kaya sana naman eh makinig kayo. Dahil wala si Mr. Lao, kaya nagbilin siya sa akin na seat work kayo ngayon. And also, I've wanted to announce you na may bago kayong classmate. Galing siya sa isa sa mga university dito sa beijing, Sige na iho pumasok ka na. Class siya si Marco Wu, I hope guys sa maikling panahon niyo mag kaklase eh maging matalik ninyong kaibigan si Marco. Okay Marco, please introduced yourself!"

"Kamusta classmates, ako nga pala si Marco Wu, sana maging magkaibigan tayo lahat yun lamang."  - pagpapakilala ni Marco sa amin.

Pinaupo siya ni Ms. Lucy sa likod ko sa tabi ni Stephen at nakipag appear siya sa aming apat dahil kami ang unang kilala niya at unang kaibigan at bago niyang kaklase. Matapos nun ay nag announce si maam about sa darating na Gaokao exams by January at incoming intramurals na need ng representative.

Kilala nila ako nina Gio, Stephen at Chloe. Alam nilang sasali ako sa taekwondo for intrams. At dahil bago si Marco siya naman ang sasali sa swimming sa intrams. After nun ay pinagawa lang kami ng seat work hanggang sa mag break. Tinulungan nalang namin si Marco humabol sa mga lessons dahil malapit na ang prelims namin.

After nun nagkayayaan kami kumain sa canteen kasama si Gio. Wala na yun sama ng loob ko. Actually sama ng loob ay hindi pala selos pala. Kaya ayun okay naman kami. Nagpunta kami ng cafeteria at bumili ng makakain. Tabi tabi kaming lima sa iisang lamesa. Bali ganito yung arrangement

Marco|Chloe|Stephen
Ako|Gio

Tahimik nalang kami kumakain nung mga oras na yun. At walang nag uusap dahil pag usapang pagkain galit galitan muna.

Marco POV

Ang suwerte ko dahil nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. At nagkaroon agad ako ng parang paghanga kay Amry. Ewan ko ba, di ko maipaliwanag eh. Basta nalang talaga. Pero sa ngayon, gusto ko pa siya makilala.

Nagtataka kayo kung bat ako nag transfer, dahil sa gusto ko maalagaan si lola na may sakit. Wala na ako nanay. Pero ang tatay ko, di ko siya kasundo. Siya ang nag decide sa buhay ko na ituon ang atensyon ko sa pag swimming. Bata palang ako, pinipilit niya ako sa gusto niya. Itinulak pa niya ako sa pool nung mga oras na yun. Kaya wala rin ako magagawa kundi ang sundin ang gusto niya.

Sina Amry, Chloe at Stephen palang ang kaclose ko. Pero si Gio, since bago ko palang siya kilala. May napapansin ako sa kanya. Na parang gusto na niya si Amry. Pagkatapos namin kumain lima sa cafeteria. Agad kami bumalik sa classroom. Pero bago kami pumunta ng classroom eh nagpunta kami ng Cr ni Stephen. At nagtanong ako out of curiousity.

Marco: "Stephen!!"

Stephen:"Hmp. Bakit Marco"

Marco: "Nacucurious lang ako, magkaano ano si Gio at Amry?"

Stephen:"Ahh.. sila ba Gio at Amry ba? Mag childhood bestfriends sila. Pero may alam ako about kay Amry, wag ka lang maingay. Secret lang baka karatehin ako eh. May gusto siya kay Gio matagal na since first year highschool palang kami."

Nung nalaman ko yun, napaisip ako na baka wala ako pag asa kay Amry. Pero wala naman masama magka gusto sa kanya eh. Wala rin masama na subukan ko siya ligawan. Pero baka ireject niya ako.

Sa pag iisip ko ay tinap ako bigla ni Stephen at sabay nagsabi ng; "Wag mong sabihin Marco, na love at first sight ka ba kay Amry?"

Di na ako sumagot at niyaya nalang siya umalis doon sa CR ng boys. At bumalik nalang kami ni Stephen sa classroom. At umupo sa respective classroom namin. At di maiwasan na tignan siya.

Ang babaeng kakaiba, at astig na cute na kagaya niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang babaeng kakaiba, at astig na cute na kagaya niya.

- to be continue.

Author's note

Ayan na yun part na may third wheel na guys. Sorry actually mas maraming more suprises na twist itong story. Sana magustuhan niyo. Pwede din kayo mag comment at mag vote.

Xie xie

Dear My Childhood Crush Where stories live. Discover now