ilaaaaaliit
Prologue
hayy.
Nandito na naman ako sa park. Iniisip kung bakit nya ako iniwan? Kung bakit ayaw nya sakin?
Kung ano ang mali sa akin? Nasa akin na ang lahat pero sya wala e. Siguro nga may mahal na syang iba na mas maganda sa akin, mas mamahalin nya .
May lalaking pa kayang magmamahal sa kin , magpapatibok muli ng puso ko. Sana, sana dumating sya .
[a/n: needed your support guys. And i wil continue this. loveyouall:***]
CHAPTER 1
''CHAAAAAAAAAAA. GISING NA . ABAY ANONG ORAS. TUMAYO KA NA NGA DYANG BATA KA'' Arghh ayan na naman po aking ina naging machine gun na naman :3
''Mama naman eh. Ang aga pa kaya'' sabay talukbong ng kumot
''Anung maaga eh. 6:30 na anak kong munti'' sabi ni mama
''6:30 lan--- ANO 6:30 NA . SHETTTT LATE NA AKO'' sabi ko este sigaw ko
''Ay oo anak kanina pa kita ginigising dyan.Aysa tumayo ka na dyan. Yung panis na laway mo punasan mo'' sabi ni mama sabay labas
''MAMA'' tss si mama talaga
Hay naman oh late na naman ako nito. Ayy oo nga pala di pa ako nagpapakilala. Charice Daviela Genesis. 17. Simple lang ang buhay at may kaya . Nerd tama kayo isa akong nerd di mahilig sa make up. Lapas tuhod ang palda at X-large na tshirt lagi ang suot ko na malaki sa akin at laging naka rubber shoes with nerdie glass.Di ako nakatulog dahil sa gagong lalaking yun.Oo nagboyfriend ako.Akalain nyo un. Kasalanan ko bang tanga ung ex kong yun. eto kasi yung kwento.
(FLASHBACK**)
Kagabi pinapunta nya ako sa park kung saan lagi kami nagkikita. Syempre excited ako minsan lang kasi kami magkita. Ayaw pa kasi ni mama at papa na mag-boyfriend ako. Wala eh matigas ang ulo ko eh. So nandito na ko sa park at nakita ko na ang boyfie.Sya si Lee Cruz. Teka wait bakit may syang girl.
''Oh dee.Musta ka na. Namiss kita'' sabi ko na nakangiti sa kanya. Peo di sya kumibo
''Dee. Sino sya?'' sabay tingin ko dun sa girl ''GirlFriend ko'' sabi nya
''What? Ako ang Girlfriend mo'' sabi ko na mangingiyak ngiyak .
''Di kita girlfriend.Ginagamit lang kita para may gagawa ng mga projectsk ko. Tsaka pwede sino naman ang magkakagusto sayo. E isang kang nerd. Di ka naman maganda. Kaya wag kang mag-assume dyan'' sabi nya na nakatingin na parang nandidiri
Tiningnan ko lang silang dalawa at ngumiti perro sa totooong lang masakit. '' sige. Magpakasaya kayong dal'wa . Tamaan sana kayo ng kulog'' sabi ko sabay tumakbo pauwi sa amin at nagkulong sa bahay
(FLASHBACK ENDS**)
See ang tanga ko kasi noh. Ah basta .
TEKA WAIT LATE NA LATE NA TALAGA AKO. Kaya ayun lumipad na ako papuntang sakayan ng jeep de joke tinakbo ko lang habang kagatkagat ung tinapay sa bibig ko alangan naman sa ilong (a/n:CORNY) hmpp epal talaga tong author na to.
*Saint Wattpad Academy*
Well nandito na ako kaya tumakbo na akong papuntang room
*boogssh
''Tae. Aray' ung pwitan ko ang sakit'' sabi ko. Sa sobang pagmamadali ko ayan nabunggo pa ako sa poste
''Anu ba yan miss. Bulag ka ba'' sabi ng nakabangga ko . Teka nagsasalita ung poste. Tiningala ko yung poste .
Shettt ang gwapong poste naman nito
[a/n: HAHA kilala nyo na ba kung sino ba ang gawapong poste na yun. Well wait for my update. Please vote and comment . Kung may nagbabasa pa nito. I need your support guys :**]
