YOU CAN PLAY THE SONG WHILE READING
May mga pangyayaring nababasa mo sa libro pero hindi pwede sa totoong buhay. Meron din namang nababasa sa Libro at nangyayari sa totoong buhay, Katulad nalang ng masaktan habang nagmamahal. Hindi lang yon sa libro. Kasi halos lahat ng nabubuhay na tao nasasaktan kapag nagmamahal. Alien nalang ata hindi.
Para akong isang laruan kay tadhana. Dahil ba mahirap ako? Dahil ba hindi ako maganda? Dahil ba alam niya talagang walang magmamahal sakin kaya hinayaan niyang mabuhay akong martyr sa pagmamahal?
Kasalan ko rin ata to. masyado kasing tumaas ang pangarap ko. Pero kelan ba magsasawa si tadhanang paglaruan ako? Kelan ba ako makakawala sa mapaglarong palad ng tadhana?
Maraming tanong ang hindi mahanapan ng sagot.
Ako si Thea Lopez Boyfriend ko ang kabaligtaran ko. Gwapo? mayaman? matalino? sikat?
We've been together for 3 years. pero ni isang beses hindi niya ata naisip na pakasalan ako? Magkasama na kami sa Bahay. Hindi ako lumalabas Dahil ikinahihiya ko ang sarili ko para sakanya. Sabi ng mga kaibigan ko madami daw siyang babae sa opisina. Pero wala akong paki. kasi umuuwi parin siya. Hindi niya parin ako iniiwan.
Hindi niya man napaparamdam yung pagmamahal niya tulad noong unang taon naming magkasintahan. Okay lang, Kasi Busy siya. May trabaho siya. Wala akong karapatang magreklamo. Baka iwan niya ako? Pero hanggang kelan to?
Maraming kwento kwentong ang hirap Hindi paniwalaan. yung Relasyon niya sa Secretary niya daw? Kadate niyang mga cliyente? mga babaeng kasama niya sa bar? Mga Sexy? Maganda? Mayaman? Fabulous? Sikat? Matalino? Ano ang panama ko sakanila? hindi naman ako nakapgtapos? hindi naman ako maganda, lalong hindi mayaman. Hindi rin magaling magmake-up, di rin fabulous kung sinasabi nila.
Anong karapatan kong magreklamo? Anong karapatan kong magsawa kung mukhang mas sawang sawa na siya..
Tuwing kasama ko siya ayaw kong magsalita. Ayaw kong gumawa ng away. ayaw kong pilitin o tanongin siya. Kasi natatakot akong itigil niya na to? Itong relasyong sinasandalan ko. Relasyong mukhang ayaw niya na. Sobrang Takot ako!
End Of Prologue
On making "7/7/18"
-Please Support this kind of story of mine. sisiguraduhin kong di kayo mabibigo sa katatakbuhan ng storying ito<3 Thank you Salamat. Follow niyo na rin ako.oryang ito. Pwede rin po kayong magpashout out sa bawat chapters na magagawa ko sa storying ito~
I am new po sa world ng Writing Industry at lalong hindi po ako magaling. PERO SUSUSBUKAN KO PO GUMAWA NG MAGANDANG KWENTO
YOU ARE READING
Been Hide
RomanceMinsan Nasa Huli mo malalaman yung Value ng isang tao. Lalo na pagwala na siya sa piling mo....
