Nilapitan ko ang lahat ng mga gamit doon. Punyeta! Halos lahat yata ng kailangan ko sa buhay, nandito!
Biglang natuon ang atensyon ko sa isang portfolio. Kinuha ko iyon at tumingin muna kay Bart bago iyon binuksan.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ang isang titulo ng lupa roon at... at... nakapangalan sa akin?
Oo! Shit! Kanino ba galing ang mga ito? Nacu-curious na ako, ha!
Tapos may nakita pa akong isang pastel pink na envelope na may ribbon. Kinabahan na naman ako dahil baka kung anong pakulo na naman ito. May nalakagay na papel sa loob at binasa ko ang printed words na naroon.
''The Gentri Heights, Gov. Drive, Manggahan, General Trias, 4107 Cavite''
Iyon ang nakasulat. Ano namang gagawin ko roon? Pupuntahan ko? Tapos? Ano ang pupuntahan ko roon? Mamaya ay baka scam lang ito at kidnap-in pa ako kapag pumunta ako roon. Baka niloloko lang ako nito.
"My, Dy, kanino ba kasi 'to galing?!" naiirita na ako sa curiosity. Ipinakita ko sa kanila 'yung titulo ng lupa pero ibinalik ko sa envelope 'yung may address na nakasulat.
Kumunot ang noo ni Daddy at lumapit sa akin habang tinititigan niya ang titulo. Kinuha niya iyon sa akin.
Lumiwanag ang mukha niya saka nagsalita. "Oh! Nakapangalan pala 'to sa'yo, e. Cavite?" mukhang masaya pa siya dahil may natanggap akong titulo ng lupa mula sa kung sino man. Err.
"Ano, Dad? Ugh! Ayaw ko niyan! Mamaya, may kung ano sa lahat ng 'yan," itinuro ko ang mga nakakalat na gamit sa sala na para sa akin daw. Nakakainis. Imbes na sumaya ako ay naiinis ako dahil sa mystery person na nagbigay ng lahat ng ito.
"Chia?! Are you out of your mind? Ipina-check na namin 'yan kanina sa guard bago ipinasok dito. They're all safe," diniinan ni Mommy ang huli niyang sinabi.
Bumuntong-hininga na lang ako at tumingin sa kawalan.
"Manang, pakiakyat na 'tong lahat sa kwarto ni Chia," utos ni Daddy sa mga nakaabang na kasambahay.
"Dad? Hindi 'yan magkakasya lahat doon," hindi ko makapaniwalang sabi pero nagsimula na sa pagkilos sina Manang.
"Chia, anak, malaki ang kwarto mo," sambit ni Daddy at tumingin sa mga kasambahay. "Ayusin ninyo ang paglalagay roon. Occupy an enough space."
Inakbayan na naman ako ng pinsan kong mokong. Nakangisi siya.
"Ikaw? May alam ka ba?" pinagtaasan ko siya ng kilay.
Tumaas naman ang dalawang kamay niya upang depensahan ang sarili. "Hey! Haha! Wala akong alam! I'm just happy that maybe I have something for me there. Ang dami nun. Baka hindi 'yun para sa'yo lang," humagalpak siya sa tawa.
Inirapan ko na lang siya at pumunta na ako sa kwarto.
Pagkagising ko, amoy agad nung mga gamit na iyon ang unang pumasok sa aking ilong. Ang bango, ha? Hay! Parang gusto ko tuloy makilala kung sino ang nagbigay ng mga iyon. Sino nga ba kasi? Si Harry? Kevin? Hindi naman. Kung sila nga, edi sana alam nina Mommy at Daddy 'yon.
O kaya, kapag nakilala ko ang nagbigay, bayaran ko na lang? Nakakahiya rin kasi ang mamahal nito. 'Yung mga brand ay sobrang sikat. Ilang libo kaya ang nagastos niya para sa lahat ng 'to? Ibalik ko na lang kaya kapag nakilala ko siya?
