New Girl New Rival

Magsimula sa umpisa
                                    

Je Sub's POV

Eto na ako ngayon, naglalakad papunta dun sa ice cream stand na sinasabi ni Miyoung. Nag-aalala parin ako kay Ji jin, pero sasaya na siguro yun dahil pinapunta ko dun si Sehun. Oo tinext ko kay Sehun yung nangyari kina Baek at Ji jin, para naman sumaya sya. Ito namang si Rae Mun pupuntang Japan, wawa naman ang Changjo. Sana nga hiwalayan na ni Rae Mun yan. Sa muka ba nyang yun mapapagkakatiwalaan yun? psh! no way! Saktan nya lang si Rae Mun at papatayin ko yun. Palibhasa kasi player, nahawahan pa si Baek. Nakikipaglandian parin sya kapag may gagawin si Rae Mun, Tss patayin ko yun eh. Pero hindi ko lang masabi yun dahil wala naman akong karapatan para sabihin sa lahat yun eh, sayang nga eh di ko masumbong-sumbong. Kapag sinaktan nya ang favourite actress ko, baka hindi ako makapagpigil bugbugin yang Changjo na yan. So eto na nga ako na sa may ice cream stand na at nakita ko si Miyoung naghihintay na.

"Huy, miyoung-ah pinaghintay ba kita ng matagal?" Tanong ko

"Hindi naman, ok lang" Sabi nya naman at magkameron kami ng awkward moment.

Sa gitna ng katahimikan...pumasok sa isip ko bigla si Xiumin...ipagtapat ko na kaya kay Miyoung? Bestfriend ko naman sya since elementary. Sige, pagtatapat ko na....wag kang duwag Je sub, hindi pwedeng habang buhay ka nalang takot.....

"May aaminin ako" Sabay naming sabi ni Miyoung.

Paunahin ko kaya muna? tutal sya naman ang nag patawag sakin dito.

"Ikaw muna...." Sabi ko at hinintay ko syang magsalita.

Napabuntong hininga naman sya at nagsalita na...

"Je sub...."

P*ta naman! kinakabahan na ako! pabitin kasi tong babaeng to...daming alam.....

"Gusto......si.....Xiumin...."

OUCH.........

Mahal nya rin pla? so may kaagaw ako? Akala ko naman ako lang ang may gusto sa kanya.....pero bakit kaibigan ko pa?......Sakit.....sana sinabi nya nalang habang maaga pa......para naalis ko natong nararamdaman ko....kailangan ko nalang magsakripisyo.....ayaw ko nga kasing may nasasaktan na taong mahalaga sakin....so.....Sorry nalang sa puso ko.......ibabaon ko nalang tong pagmamahal ko kay Xiumin...ang tanga ko naman....hindi ko manlang napansin yun? TANGA MO JE SUB TANGA!

"Huy!" Tawag ni Miyoung, natauhan naman ako.

"Ah...mianhe..." Kabado kong sabi.

"So alam mo na yung sikreto ko, so ano ba yung sasabihin mo?" Tanong naman ni Miyoung.

Wala na....hindi ko na pwedeng sabihin....kasi parehas tayo ng minamahal, ayokong masaktan ka Miyoung.....

"Ah..wala..nalimutan ko na....sorry hah...hehe" Sabi ko, wala na akong magagawa kasi naunahan na nya ako...

"Ah...ok, wag mong pagsasabi hah? secret lang natin yun. Tara! bili tayong ice cream! libre ko!" Masayang sabi ni Miyoung. Nag 'nod' lang ako.

Ang sakit.....so ganito pala yung naramdaman ni Ji jin?....masakit pala...SOBRA.....

Chen's POV

Naglilinis ako ngayon ng bahay...wala kasing magawa eh...So naglinis nalang ako. Papasok sana ako sa kwarto nina Baek at Ji jin, pero lock yung pinto, bakit kaya? kumatok naman ako pero walang sumagot.

Kumatok ulit ako "Baek, nandyan ka ba? kailangan ko lang linisin yung kwarto nyo" Sabi ko habang naka tuun sa pintuan.

"Ahh..w-ag na..a-ako nalang m-mag lilinis..." Sabi ni Baek. Umiiyak ba yun? para kasing umiiyak eh.

My Handsome PilotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon