New Girl New Rival

67 4 0
                                    

"LANGYA YANG BAEKHYUN NAYUN AH! LINTEK ASAN YUNG LALKING YUN?! ASAN! RERESBAKAN NATIN DALI!!" Sigaw ni Je sub na galit dahil alam nyang minahal ni Ji jin  ng todo si Baekhyun kaya't nagalit rin ito.

"W-wag na *sob* baka l-lalo p-pang *sob* lumaki a-ang g-gulo" Pag pigil ni Ji jin sa kaibigan nya.

"Pero Ji jin-" Naputol naman ang sasabihin ni Je sub dahil nagsalita si Ji jin. Tumigil narin sya sa kanyang pag-iyak.

"Hayaan mo na sya. Kung san sya masaya, dun ko sya hahayaan dahil mahal ko sya. Mag-momove on nalang ako at maghahanap ng iba na mamahalin ako at tatanggapin kung sino talaga ako. Pero masakit parin dahil mahal ko pa sya, hindi ko naman pwedeng ituloy yung relasyon namin kasi masasaktan lang ako, dahil may mahal din syang iba. Kaya wag nyo nalang syang pakealaman dahil dun sya masaya. Balibhasa kasi, tinuruan lang ni Changjo na maging playboy." Sabi naman ni Ji jin at nagulat naman si Je sub sa sinabi nya.

"ANO?! POTA YANG CHANGJO NAYAN AH! EH NAGING TEACHER PA! PAPATAYIN KO NAYUN KAPAG NILOKO PA NYA SI RAE MUN TALAGA! HINDI AKO NAGBIBIRO DAHIL KAYA KONG PATAYIN YANG LALAKING YAN!" Inis na sigaw ni Je sub at napatayo pa sa upuan nya at nagsisisigaw ng kung ano-ano.....minumura si Changjo kumbaga....

"Yah! unnie chill! wag highblood! daming nakatingin oh, buti tinagalog mo kundi mapapahiya ka na." Suway naman ni Ji jin

"Eh kasi naman mahalaga na kayo sakin, hindi ko kayo kayang nasasaktan pa dahilan lang sa isang walang kwentang lalaki. Mahirap sakin na nakikita mo yung mga taong mahal mo na nasasaktan. Concern lang naman ako eh, sorry kung nasobrahan ang galit dahil ganun talaga ako sa taong mahahahalaga sakin, mianhe" Guilty na sabi ni Je sub at napayuko ito.

"Wow! haba ng speech! salamat sa concern hah! salamat talaga! lagi kang nandyan kapag malungkot ako...gomawo unnie!" Sabi naman ni Ji jin at niyakap si Je sub. Napatawa naman ito sa cuteness ni Ji jin.

Maya-maya, nag vibrate ang cellphone ni Je sub at may nag text.

From: Miyounggie

Je sub asan ka na? nandito na ako sa Han River malapit sa may ice cream stand.

Napa pout naman si Je sub at nireplyan nya na ito.

To: Miyounggie

Nakita ko lang kasi si Ji jin eh, kaya nag-usap muna kami. Punta na ako jan may gagawin lang akong madali tapos agad akong pupunta jan arrasseo?

Sabay pindot send. Nag reply naman si Miyoung ng "ok"

"Sino yun?" Curious na tanong ni Ji jin.

"Nagtext na kasi si Miyoung eh, kaya kasi ako nandito dahil may ipagtatapat daw sya sakin, eh nagka traffic naman bigla so nag-uli muna ako tapos nakita na kitang nag-iiyak dito." Pagpapaliwanag naman ni Je sub.

"Sayang, gusto ko pa namang mag-kwentuhan pa tayo." Sabi ni Ji jin at nag pout.

"Don't worry, may pinapunta ako dito kaya hindi ka na magiging lonely. Actually, baka sya panga ang taong tutulungan kang mag move-on" Sabi ni Je sub at tumaas-taas ang kilay.

"Huh? sino?" Tanong naman ni Ji jin.

"Basta,kaya mauna na ako hah? baka magalit si Miyoung, alam mo namang ayaw nun nang naghihintay." Sabi ni Je sub.

"Bye unnie, salamat sa time mo!" Sabi ni Ji jin at niyakap ang kaibigan nya.

"Sige bye rin, pakasaya ka hah? wag mong nang magain yang maganda mong mata" Sabi ni Je sub at umalis na.

My Handsome PilotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon