Chapter 52 & 53

Começar do início
                                    

Pumasok na ako sa kwarto ni Darryll at humiga na rin kaming dalwa. "Okay ka lang ba?" sabi niya.

"Okay lang ako, medyo naninibago lang ako sainyo ni Teylan." sabi ko.

"Wala namang nagbago sa'min ni Teylan." sabi niya at ngumiti.

"Para kasing may kakaiba." sabi ko.

"Pwede ba kitang yakapin?" sabi niya.

Tumango lang ako atsaka niya ako niyakap ng magaan sa pakiramdam. Iyong yakap na hindi mo na gugustuhin bumitaw dahil pakiramdam mo ito na ang pinakaligtas sa lahat, it's just you feel comfortable and safe.

"I will miss you." bulong niya bago unti-unting bumagsak ang mga mata ko at nakatulog.

-

Narrator's point of view

Hindi mapakali si Teylan sakaniyang kwarto, hind niya alam kung paano niya sasabihin kay Aubrey ang nangyayari. Ayaw niya itong masaktan pero mukhang ito na talaga ang tinadhanang mangyari, ayon na rin sa kaniyang nakita.

Mas lalong nagpagulo sakaniyang isipan ay kung bakit binigyan ng regalo ni Darryll si Aubrey. Napatingin si Teylan sa beart na binigay ni Darryll. "Anong meron?" sabi nito sa sarili at humiga nalang.

Pinikit niya ang mga mata niya at nakatulog.

9:42pm

Nakatitig si Darryll sa magandang mukha ni Aubrey. Mababakas mo ang lungkot sa mga mata nito, siguro dahil na rin sa mangyayari. Hindi niya alam kung mami-miss ba siya ni Aubrey o hindi pero alam niya sa sarili niya na magiging maayos ang buhay ng kaniyang gustong babae simula palang noong mga bata pa sila.

Hindi niya mai-alis ang kaniyang tingin kay Aubrey, binibigyan nito ng halaga ang bawat segundong pumapatak at ginagasta ito sa pagtitig lamang sa mukha ng dilag. Gusto niyang matitigan ng matagal ang mukha nito habang may oras pa.

11:38pm

Napangiti ng mapait si Darryll nang naramdaman niya na ang kakaibang enerhiya sa kaniyang katawan. Iniinda niya ang sakit dahil ayaw niya pang-umalis sa tabi ni Aubrey, niyakap ng binata ang dilag atsaka hinalikan ito sa noo.

"Mahal kita, Aubrey." sabi niya bago tuluyang nagpahigop sa enerhiya.

Iyon nalang ang huling salita na binitawan ni Darryll bago ito maglaho.

-


Aubrey's POV 

Nagising ako sa pag-alog sa'kin ni Teylan. "Asaan si Darryll?" sabi niya at hindi maipinta ang mukha.

Napakunot ang noo ko at dumilat ng maayos. "Katabi ko lang siya kagabi eh, baka nag-CR lang." sabi ko at napadpad ang tingin sa orasan ng kwarto ni Darryll.

It's 12:04am, bakit ako ginising ni Teylan nang ganitong oras para lang kay Darryll?

"Fvck!" he exclaimed at hinila ako.

"Close your eyes." sabi niya kaya pumikit ako, inaantok pa rin naman na ako. kaya pumikit na rin ako.

Pagdilat ko, nasa....Hogin?

Nakita ko si Darryll na nakasabit at nakatusok sa kaniyang likod at tumatagos papuntang lalamunan niya. 

"Darryll!" sigaw ni Teylan.

Tinutok ni Teylan ang kamay niya kay Darryll at tinanggal ito sa pagkakasukbit sa hook na malaki at dali-daling hinilom ang sugat nito.

Nagising si Darryll na nang galing sa pagkakalunod. Sobrang bilis ng paghinga nito.

Living With a Vampire | ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora