B U L O N G ( A ONE SHOT STORY )
B Y : J E R I C H O D U R U I N .
Hindi masabi ang nararamdaman di makalapit sadyang nanginginig na lang..
Sa paglubog ng haring araw ay siya namang lamig ng simo'y ng hangin na dumadampi sa aking katawan tila ba ang aking saya ay di'mawari sapagkat ang aking mahal ay parating na .
Mga kama'y na sabik sa piling mo ang iyong matang walang mintis sa pag tigil ng ating mundo ..
Sa di kalayuan ay nakita ko ang isang magandang dilag na pumaparoon sa direksyon ko tila ba hindi mawala ang ngiti sa kaniyang mukha habang papalapit siya sa akin.Samantalang hindi magkamayaw ang aking puso sa muling pagsasalo namin ng aking mahal..
Ako'y alipin ng pag ibig mo ... handang ibigin ang 'sang tulad mo ...
Hindi ko sukat na akalain na sa paglabas niya ay bumalik siya na mas bibo at mas kwela namiss ko siya sobrang na miss ..
sa hindi malamang dahilan ay hinawakan ko ang kaniyang kamay habang nagkwekwento siya sa mga nangyari sa kaniya
nawala naman ang ngiti ko ngunit napatango na lamang ako dahil kahit ganiyan siya alam ko mahal niya ako kaya ipaglalaban ko siya magpakailanman.
Hanggang ang puso mo'y sa akin lang hindi kana malilinlang ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin...
"Masaya ako mahal, dahil sa sobrang busy natin ngayon lang tayo nagdate"
"Hindi lang ikaw mahal ako rin sobrang namiss kita hindi ko akalain na makakalabas pa tayo hehe..."
"hal, i love you "
" i love you too hal "
Para bang sumasabog na ang puso ko sa nararamdaman ko ngayon bigla ko siyang niyakap sa di malamang dahilan at dumampi ang napaka tamis niyang labi mula sa akin ..
ginantihan ko din siya ng mainit at puno ng pag mamahal na halik
Lingid sa kaalaman niya ay meron akong hinandang kwintas para sa kaniya ..
Sa pagbitiw niya sa aming halik ay bumungad sa kaniya ang isang kwintas na may infinity design
Tumalikod siya at isinuot ko sa kaniya ang kwintas na bigay ko, lubos ang galak niya sa aking binigay na regalo
Nanatili kaming nakatayo habang ninamnam namin ang simo'y ng hangin sa gabing puno ng bituin sa langit.Isang musika ang tumugtog habang hawak hawak namin ang isat-isa at sumasayaw sa ritmo ng kanta.
Hindi mapakali hanggang tingin nalang,Bumubulong sa iyong tabi sadyang walang makapantay s kagandahang inuukit mo sa isip ko ..
Isang gabing puno ng saya dahil nandyan siya sa tabi ko ngunit may kung anong bumabagabag sa aking isipan na tila ba anumang oras ay sasabog na ang puso ko
nangangamba man sa anumang mangyari ay tila ba wala lang sa akin
at hangga't na ang puso niya ay nasa akin na ay kailanman hindi ako magsasawa mahalin siya kahit anu pa siya ....
Ako'y alipin ng pag ibig mo ... handang ibigin ang 'sang tulad mo Hanggang ang puso mo'y sa akin lang hindi kana malilinlang ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin...
lubos ang galak ko dahil narito kami ngayon sa aming unang tagpuan kung saan una kong nasilayan ang napakaganda niyang mukha
"hal , tignan mo oh nakasulat pa rin sa puno yung pangalan na inukit natin " sabay turo niya sa isang malaking puno
napangiti ako sa nakita ko
A R B I E & J E R I C A
Ang nakasulat sa puno.
Agad namang nabawi ang aking ngiti ng makita kong umiiyak siya habang tinititigan ang aming nakaukit sa puno
" so- sorry mahal kung hindi lang tong sa -- "
"shhhhh mahal anu kaba okay kana diba at kahit anu kapa ay tatanggapin kita basta pakatatag ka lang aa mahal ko"
tumango siya aking sinabi at tila ba parang may kung anung mainit na likido ang namuo sa aking mata niyakap ko siya ng napakahigpit na tila wala ng bukas
ooh owooh oooh owooo....
Sa aming pagdating sa bahay ay parang balisa siya na nawawala sa sarili
ooh owooh oooh owooo....
sa hindi malamang dahilan ay tumitingin siya sa taas na para bang natatakot kasabay ng brasong kinakalmot niya
YOU ARE READING
B U L O N G ( One shot story )
FanfictionMahal ko siya kahit sino pa siya hangga't ang puso niya sa akin lang hindi na siya malilinlang.
