Panaghoy

9 3 1
                                    

Oktubre taong dalawang libot apat sa isang sementeryo sa bayan ng Pampanga.
Napupuno ng iyak at paghihinagpis ang mga kaanak ng taong naka himlay sa kanyang kabaong.
Ang mga ka anak nito ay kung iyong pakikinggan ay tila pinipiga ang iyong puso dahil pagtangis na tila kay sakit.
ang iba ay pinipigilan ang paghikbi kabilang ang kabiyak ng nakahimlay.
Tila mamawalan naman ng ulirat ang panganay na anak ng nakahimlay dahil sa pag iyak nito.

Habang ang iba ay patuloy sa kanilang pagtangis may isang bata na nakatanaw sa di kalayuan.
Isang batang babae na ang edad ay nasa anim na taon.
Bakas sa mukha nito ang pagkalito habang pinagmamasdan ang mga taong nagluluksa sa taong laman ng kabaong iyon.
Wari ba ay hindi nya alam kung ano ang nagaganap.

At lalong lumakas ang iyakan noong ipasok na ang kabaong sa nitso.
Maririnig ang iyak ng sakit ng pagkawala ng kanilang minamahal.Ang isang ginang na biyenan ng nasa kabaong ay tuluyan na ngang nawalan ng ulirat.

Ang batang babae sa di kalayuan ay tahimik lamang na nakatayo sa di kalayuan at nagmamasid habang ipinapasok na ang kabaong sa nitso nito.
Hindi namamalayan ng bata na pumupatak na ang kanyang luha habang nakatanaw sa nitsong sinementuhan na.
Patuloy ang pag agos ng luha ng bata kasabay ng kanyang pag bigkas na "Mama"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Short TaleWhere stories live. Discover now