Chapter 34

613 71 15
                                    

Regina's Text Conversation with Sylvia

Regina: Hello po. Si Ms. Sylvia po ba ito? Si Regina po ito. Nakuha ko po yung number niyo kay Elsa. Hinahanap po kasi namin ang kapatid niyong si Simon. May sasabihin po kasi ako sa kanya tungkol kay Ysabelle Avena.
R: Hello po ulit Ms. Sylvia. Pwede niyo po ba akong tulungang mahanap si Simon? Kailangang-kailangan ko lang po talaga siyang makausap. Please po.
R: Ms. Sylvia, please po. Pa-text po sana ako pag nabasa niyo po itong mga messages ko. Salamat po.

REGINA

Kanina pa siya nakatitig sa cellphone niya dahil naghihintay siya ng reply ni Sylvia pero bigo siya. Tinatawagan din niya ang number na binigay ni Elsa pero walang sumasasagot sa kanya.

Bumuntong hininga siya saka inalis ang mata sa cellphone at nilipat sa kapaligiran niya. Nasa batis siya sa paanan ng Mt. Isarog, sa favorite place ni Ysabelle. Mag-isa siyang pumunta dito. Hindi rin siya nagpaalam kay Nathan dahil baka magpresenta ito na sumama sa kanya at hindi niya ito matatanggihan kahit alam niyang dapat niya pa rin itong iwasan dahil may girlfriend pa rin ito.

Inaamin ni Regina na masaya siya nang makita niya si Nathan, lalo na nang nakasama niya ito buong umaga kanina. Pero naroon pa rin ang lungkot dahil alam niyang walang nagbago sa sitwasyon nilang dalawa, dahil may kasintahan pa rin si Nathan at nanggaling pa mismo sa bibig nito na mahal na mahal nito si KC.

Hindi na napansin ni Regina na lumuluha na pala siya dahil sa mga iniisip niya.

"Are you okay?"

Nagulat si Regina nang marinig niya ang boses ni Nathan. Agad niyang pinunasan ang mga luha niya.

"Anong ginagawa mo rito?", tanong niya.

"I was looking for you kanina pero sabi ni Yaya Pacita ay umalis ka raw ng mansion," sagot ni Nathan.

"Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Easy. I know that you're still thinking about Ysabelle, and I just guessed that you would want to be somewhere that meant a lot to her," sagot ni Nathan. "And also, because I knew that you're not the kind of person who would roam around a place that you barely knew without purpose so alam kong hindi ka pumunta sa bayan para maglakwatsa."

Hindi na sumagot si Regina. Hindi man niya aminin, masaya ang puso niya dahil kasama na naman niya si Nathan kahit sandali lang.

Biglang may naalala si Regina.

"Yung huling entry ni Ysabelle sa diary niya, sinulat niya bago kayo pumunta dito kasama ang daddy niya at sina Yvonne at Yannah... Anong nangyari pagkatapos nun?"

Kitang-kita ni Regina sa mga mata ni Nathan ang lungkot nang tanungin niya ito.  "Kaya iyon ang huling entry ni Ysabelle ay dahil it was her last day.."

"I... I'm sorry..."

Ngumiti si Nathan sa kanya pero may halong lungkot.

"Here, in this very spot... She died in Tito Ben's arms..."

Tumulo ulit ang luha mula sa mga mata ni Regina, lalo na nang makita niyang lumuluha rin si Nathan. Hindi niya napigilan na idampi ang mga kamay sa braso ni Nathan para i-comfort ang binata.

Ngumiti ulit si Nathan saka pinunasan ang luha. "Pero alam mo, I think, she was somehow happy when she died. This was her favorite place, and I guess she wanted to be with everyone she loved, her family, me, and Simon.."

"Si Simon?"

"Yes. I guess she felt like she was with him somehow dahil lagi silang pumupunta dito. This was the place na naging witness sa pagmamahalan nila," paliwanag ni Nathan.

Ngumiti naman si Regina.

"Reg... Why is this so important to you?", biglang tanong ni Nathan.

"Hindi ko alam. Basta, pakiramdam ko, ito yung dapat kong gawin. Gusto ko lang tulungan si Ysabelle na maparating kay Simon na minahal siya nito kahit hindi niya ito naipaglaban. Hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganoong opportunity. Hindi lahat ng tao nasasabi sa mga minamahal nila ang nararamdaman nila. Kaya gusto ko tong gawin para kay Ysabelle...", sabi ni Regina.

"Reg..", sabi ni Nathan sabay hawak sa kamay ni Regina.

Agad namang binawi ni Regina ang kamay niya. "Nathan, please huwag.."

"Why not?", tanong ni Nathan.

"Why not? Dahil hindi tama. Dahil may mahal kang iba... Dahil may girlfriend ka."

"Reg--"

Naputol ang sasabihin ni Nathan nang biglang may matanggap na text si Regina.

Regina's Text Conversation with Sylvia

Sylvia: Ano bang kailangan mo kay Kuya Simon?
Regina: May sasabihin lang ako tungkol kay Ysabelle.
S: Si Ysabelle?
S: Wag niyo nang guluhin ang kuya ko. Naka-move on na siya kay Ysabelle.
R: Hindi namin guguluhin si Simon. Gusto ko lang sabihin sa kanya na minahal siya ni Ysabelle.
S: Minahal? Iniwan ng babaeng yun ang kuya. Sinaktan niya ng lubos ang kuya ko. Pagmamahal ba tawag mo dun?
R: I'm sorry kung yun ang tingin mo. Pero hindi sinasadyang iwan ni Ysabelle ang kuya mo.
R: Please sagutin mo ang tawag ko para mas maexplain ko ito ng maayos.
S: Ayokong makipag-usap sa inyo. Kung ako lang ang masusunod, ayaw ko nang maugnay ulit ang kuya ko sa inyo o kay Ysabelle. Masaya na siya ngayon kaya huwag niyo na siyang guluhin.
R: Please Sylvia. Gusto lang ni Ysabelle na maparating kay Simon na minahal niya ito ng buo.
S: Eh bakit ikaw ang nagtetext? Bakit ikaw ang kakausap sa kuya ko? Bakit hindi yung Ysabelle na yun?
R: Ha? Hindi niyo pa ba alam? Hindi niya makakausap ang kuya mo dahil wala na si Ysabelle. 5 years na siyang wala.
R: Sylvia?
R: Please.

REGINA

"Anong sabi?", tanong ni Nathan.

"Hindi na ulit siya nag-reply. Ang weird, hindi nila alam na wala na si Ysabelle. So all this time, akala ni Simon na iniwan siya ni Ysabelle?", tanong ni Regina.

"I guess, yes," nakakunot-noong sagot ni Nathan.

"Bakit kaya?", takang tanong ni Regina.

"Hindi ko rin alam, Reg. It got me more curious, though. Now, I want to find Simon, too, as much as you do," pahayag ni Nathan.

Regina's Text Conversation with Sylvia

Sylvia: Makikipagkita daw ang kuya ko sa inyo. Bukas, 10 am. Sa Villa Margarita's Diner daw sa Caramoan
Regina: Talaga? Maraming salamat, Sylvia.
S: Ayoko na sanang balikan muli ng kuya ko ang alaala ni Ysabelle pero choice naman niya yun kung makikipagkita siya sa inyo.
R: Salamat talaga, Sylvia. Sa tingin ko, kailangan talagang malaman ni Simon ang totoong nangyari sa kanila ni Ysabelle.
S: Sana nga makabuti sa kuya ko kung ano man ang sasabihin niyo.

If OnlyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin