Nanunood lang naman ito porn videos.

"Tangina, Claude kadiri ka"sigaw niya sa lalaki.

Nakangisi naman itong nilingon siya, ngising-ngisi ang ugok. Nakahead set pa pala ito kaya alam niyang hindi siya masyadong naintindihan nito.

"Walang basagan ng trip, pwede ba"saway nito sa kanya bago bumalik sa panonood.

Nanggigigil na tumayo siya at tuluyan ng umalis sa computer shop sa inis niya kay Claude. Nana-nandya nalang ang lalaking iyon sa ginagawa nito sa kanya.

"Ang bilis mo namang nanawa"

Napaigtad naman siya sa pagkakagulat niya ng marinig ang bulong na iyon ni Claude. Nakahabol na pala ito sa kanya sa paglalakad. Inirapan niya lang ito at hindi na pinansin.

"Hi girls"bati naman ni Claude sa nasalubong nilang mga kabataan.

"Hi kuya Claude!"chorus pa na ganting bata din ng mga ito sa lalaki.

Hindi naman makapaniwala na napatingin siya sa lalaki na kasabay niyang naglalakad.

"Kilala mo sila?"hindi makapaniwalang tanong sa lalaki.

"Friendly eh"sagot nito bago siya lagpasan.

Napailing nalang siya habang nagpatuloy nalang sa paglalakad pauwi sa bahay nila.

NANLALAKI ang mata niya habang nakatitig sa grupo ng mga kababaihan sa tabi ng bahay nila. Wala naman sanang kaso sa kanya iyon kaso lang nasa gitna ng mga ito si Claude.

Naiinis siya sa lalaking ito parang feel na feel ang pagpapacute sa mga babae sa tabi nito.

"Hoy lalaki, pumasok ka nga dito!"pasigaw niyang utos dito.

Napatingin naman sa kanya si Claude na may ngisi sa mga labi nito.

"Sandali lang MAHAL, nakikisuyo sila na gawin koi tong bike ni totoy"pasigaw din na sagot nito sa kanya.

Muling nanlaki ang mata niya sa itinawag sa kanya nito.

"Tigilan mo ako Claude!"sigaw na naman niya dito.

Tumawa lang ito sa kanya, kasabay naman ng chorus 'hay' ng mga katabi nitong mga kababaihan.

"At kayo naman, magsiuwi na nga kayo. Katirikan ng araw, naglulumandi kayo kay Claude. Kasal na iyan!"sigaw niya sa mga babae.

Inirapan siya ng mga ito bago nagsilayuan sa lalaki.

"Ang sungit mo naman, naglilihi ka na ba?"biro sa kanya ng lalaki.

Sa bigla niya alam niyang namula ang mukha niya sa sinabi nito. napalingun pa siya sa paligid nila kung may nakarinig sa sinabi nito sa kanya. nakahinga naman siya ng maluwag ng wala ng tao sa paligid nila na maaaring nakarinig sa sinabi nito.

"Bwisit!"sigaw niya bago siya pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok naman niya sa loob ng bahay nasalubong naman niya ang kanyang nanay na palabas na ng bahay nila at nakagayak na para umalis. Sa tingin niya pupunta na naman ito sa sugalan.

"Nakita mo ba si Claude anak?"tanong sa kanya ina.

Napasimangot naman siya sa tanong nito sa kanya.

"Nay, ung totoo? Ako ang anak niyo diba? Bakit mas close ka din sa lalaking iyon?"inis niyang tanong sa ina.

Napailing lang ito sa kanya bago siya lagpasan nito, ni hindi na ito nagsalita talaga bago siya iwanan. Nang sundan niya ng tingin ang ina niya at si Claude nag-uusap na ang dalawa sa labas.

Dahil medyo malayo siya hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng mga ito. pero sa itsura ng mga ito mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. napalingon pa nga ng sabay sa kanya ang mga ito na para bang siya ang pinag-uusapan ng mga ito.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon