Chapter 1

199 6 0
                                    


YURI's POV


"Bumangon ka na po, Miss."

Inis kong hinarap si Betty. Alam ko naman kung anong oras ako babangon. Hindi naman nila 'to ginagawa ha? Napairap ako. Sigurado, magulang ko may pakana nito. Alam naman nila na kaya ko ng gumising ng hindi na ginigising ng kahit na sino.

Ginagawa lang naman nila 'to. Para hindi sila mag mukhang masama sa mga kamag-anak namin sa oras na malaman nila na hindi talaga nila ko inaalagaan sa pamamahay na to. Pero kung noon na halos iyakan ko kapag nakikita ko kung paano nila alagaan si Yeri. Ngayon, wala na sakin lahat ng iyon.

Hindi ko na sila kailangan.

"Oo na. Hindi mo na kailangan gawin 'to, Betty. Nakakasira ka lang ng umaga." Inis na sagot ko. Napanguso sya sa sinabi ko saka lumabas na ng kwarto ko.

Dahil wala na 'din naman silbi ang katamaran ko ngayon araw. Pinilit ko ng mag handa para pumasok. Unang araw na naman pala. Sawang-sawa na ko sa pagmumukha ng mga kaklase ko dahil sila pa din talaga ang makaka sama ko sa dalawang taon. Mukhang forever ko na silang classmate.

"What the hell?! Uso kumatok!" Inis na sigaw ko ng bumukas ang pintuan at bumungad lang naman ang pinaka-kinaiinisan kong tao sa buong mundo. And fudgebar. Halos kalalabas ko lang ng cr. Alam mo na hindi pa ko fully naka uniform.

Hindi nya pinansin ang sinabi ko. Sa halip binato nya sa pag mumukha ko ang isang sobre. Allowance ko 'to for one week. Hindi one month. Every week binibigyan ako ng allowance. Di katulad nilang dalawa ni Yeri na may sariling banko at doon nalang sila kukuha ng pera kahit magkano. Ako lang talaga naiiba sakanila.

Minsan naitanong ko na sa sarili ko. Anak ba talaga nila ko? Kung anak nila ko hindi iba ang trato nila sakin. Di naman ako nagrerebelde. Kahit na wala akong pakeelam sa klase. Nakaka kuha pa 'rin naman ako ng matataas na marka. Kailanman hindi ko sila binigo pagdating sa pag-aaral.

Binuksan ko ang sobre na binigay nya at saka biniling ang pera na nasa loob nito. Kunot-noo ko umangat ang paningin ko sakanya. "Sabihin mo sa magulang natin na kulang ata ang binigay nila ngayon." Matabang kong sabi.


N

ginisian nya ko. "Sakto ang binigay ng magulang natin. Binawasan ko lang dahil sobra sobra naman ata ang binibigay na pera sayo." Aniya.



Bwiset


Wala akong nagawa ng sinarado na nya ang pinto. Sobra-sobra ba talaga 'tong five thousand na allowance ko sa isang linggo? Siguro sa iba, oo. Pero sakin hindi 'to sobra. Lalo na sobrang mahal ng pagkain sa Cafeteria ng Clinton. Napabuntong-hininga nalang ako sa inis.


"

Bwisit talaga kahit na kailan!" Mahinang singhal ko sa sarili.

Matapos kong mag ayos. Hindi na ko nag aksaya na kumain. Kung sila ba naman kasabay ko sa araw araw. Mas mawawalan talaga ko ng gana. Hindi rin naman maganda mga naririnig ko sakanila.


S

a araw-araw simula dito sa subdivison namin nilalakad ko lang talaga ang school ko. Biningyan ako ng sariling sasakyan ng magulang ko. Pero hindi ko naman magamit dahil matapos nilang umalis para sa isang business trip. Kinuha nya din 'iyon sakin.

*beeeeep*


"ANAK KA NI BINAY!"

Halos manlaki ang mata ko habang nakatingin sa sasakyan na tumigil sa harapan ko. Mini van, kulay puti. Eto pa naman lagi ang sinasabi sa internet na ginagamit ng mga kidnapper na sasakyan. Tch! Ano naman makukuha nila sakin? five thousand lang naman laman ng wallet ko. Mali sila ng tao na kukunin!

"Sabi ko na makikita uli kita." Mas nanlaki pa ata mata ko ngayon sa nakikita ko. Isama mo pa na hindi lang pala sya nag iisa. Bumungad sakin ang nag gu-gwapuhan nilang mukha.

Ayos na sana kaso kakaiba ngumiti itong lalaki na nasa harapan ko. I remember him. Siya yung lalaki na nakilala ko sa daan nung nag layas ako sa bahay. Pero teka? Tama ba ang narinig ko? "Marunong ka mag tagalog?!" Gulat na gulat kong tanong sakanya na ikinangisi nya lang.

Hindi nya ko sinagot. Baka namali lang ako ng rinig kanina? Pero hindi talaga, eh. Rinig na rinig ko talaga na nagtagalog sya. Imposible naman! Eh, kilala ko kaya 'tong mga to dahil sa bestfriend ko. Naalala ko tuwing pumapasok ako sa kwarto ni Serena, halos mga kung sinong koryano ang nakadikit sa pader ng kwarto nya. Iba pa 'don halos magkalat din sa tabi-tabi mga merchandise at album.

"Kailangan mo munang sumama sa'min. After this malalaman mo na kung sino talaga kami." Sabi ng isa sakanila na sobrang puti at medyo maliit.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Anong pinagsasabi nito? Baliw pala sya, eh. Kilala ko kaya sila! At saka ano bang ginagawa ng mga nilalang na 'to dito? Hindi ba nila alam na delikado na makita sila? Dahil halos kilala naman sila sa buong mundo.

"Pinagsasabi mo 'dyan— Hoy t-teka! Saan nyo ko dadalhin ha? D-don't touch me! You pervert!" Sinamaan ko ng tingin ang taong nakaharap ko nung isang araw. Matanong pala mamaya sa isang 'to kung paano nya ko nahatid sa bahay namin ng walang natatamo na kahit anong pasa sa mukha.

Pero hindi talaga nakaligtas sakin ang pagpisil nya sa pwetan ko. Manyakis!





Author note: this book contain profanities and explicit content. and this all just fanfiction. Fan fiction po ang genre nito. Halata nyo naman po dahil EXO at si Yuri ang main cast maliban nalang sa mga bff ni Yuri na papasok sa mga susunod na chapter. I repeat fanfiction at on going revising 'tong book na 'to.

Last. Expect the typos, grammatical errors and wrong spellings. Thanks!

EXOSHIDAE FF: When EXO meet this GIRLWhere stories live. Discover now