Chapter 1

35 3 7
                                    

Yuny's POV

"Argh! Kainis! Late na ako!" Sigaw ko habang pababa ng hagdanan. "O? Ngayon? Sinong may kasalanan?" Tanong ni Mama habang natawa. "Sino kaya yung nagsabi sakin ng Ma naman, last 5 minutes. Bigyan mo lang ako ng 5 minutes babangon na ako." Sabi niya gamit ang nakakaasar niyang boses.

And, damn. Late na ako pero nagagawa pa akong asarin ng nanay ko.

"Ma naman. Anak mo ba talaga ako?"
Nag pout ako kaya tumawa siya. "Hindi. Ang panget mo eh." Tinarayan ko siya na mas lalo niyang ikinatawa.

"Ma! Nangaasar ka na naman!" Sigaw ko. "Kalimutan mo ng naging anak mo ako." Padabog akong tumayo at nag punta ng banyo. Gosh. Hanggang sa banyo ba naman rinig ko pa din yung tawa niya?

Pagkalabas ko ay ng banyo ay nakita at naamoy ko agad ang napakabangong chicken wings na niluto niya. Nanlaki ang mga mata ko at natawa pa lalo si mama sa akin. "Alam kong ayan ang gustong gusto mo, anak. At alam kong mas gaganahan kang pumasok ng school dahil diyan, o eto na ang baon mo." Nilagay niya yun sa loob ng bag ko at ngumiti naman ako ng pagkalapad lapad.

Grabe talaga si mama, alam na alam niya kung paano ako papasayahin kahit sa mga simpleng bagay lang.

Pero sheez, late na ako.

Pagkatapos kong kumain agad akong nag ayos at nagbihis at nagpaalam na kay Mama. "Bye anak, Ingat ha, I love you!" Sigaw niya at kumaway kaway pa bago ako tuluyang maka pasok sa loob ng kotse. Inopen ko muli ang pintuan ng kotse at nag flying kiss kay mama bago tuluyang paandarin ng bodyguard ko. 

Aligaga ako sa pag aayos ng gamit ko hanggang sa makababa ako ng kotse. Dumungaw ang personal na bodyguard ko at ngumiti sa akin. "Ma'am, sure ka po bang hindi na kita sasamahan sa loob?" I smiled at him and I nodded. I bid a goodbye bago pumasok sa entrance ng school.

Napatingin ako sa mga nagtatakbuhang estudyante at may iilan pang nakabangga sakin. What's happening? Naglakad lang ako nang deretso at tsaka ko lang napagtanto na ma la late na ako!

Inayos ko ang buhok ko at nagsimula ng tumakbo tulad ng mga estudyante na nakita ko. May nabangga akong babae at literal na napa 'oh' ang bunganga ko dahil sa nangyari. Oh please, not now. Ayaw ko ng kaaway. "Oh my god!" Sigaw niya ng muntik na siyang tumilapon pero agad na nasalo ng Boyfriend niya. Gulat na gulat siyang tumingin sakin at pinagtaasan pa ako ng kilay.

"Hindi ka man lang-"

"Sorry." Nag bow pa ako sakanya at ngumiti bago umalis. Nagmamadali ako so please, wag ngayon. "Hey! Bastos ka ha!" Sigaw niya pero hindi ko na siya binalikan. Mas mahalaga ang attendance ko ngayon kesa sa kanya.

Wala pa ako sa pangatlong palapag ay halos hindi na ako makadaan dahil sa dami ng mga estudyante na nagkalat. Argh! Hindi pa sila marunong tumabi man lang? Siksikan at halos pati ang braso ko ay hindi na makadaan. "Excuse me," ngiti ko sa babae na nagawa pang magsalamin at mag ayos ng lipstick sa kasagsagan ng siksikan.

Nagulat siya at agad na gumilid tsaka ngumiti sa akin. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at tumakbo na agad patungong taas. Sa 3rd floor pa kase ang classroom ko. Sobrang hassle, baka wala pa ako sa classroom sabog na agad ang buhok ko.

I felt relief ng matanaw ang classroom namin, salamat naman! Pagdungaw ko ay mag nagtuturo na, gosh! At siya yung babaeng mid twenties na nababalitaan kong parang araw araw daw meron at palaging galit.

Hingal na hingal akong pumasok sa Room namin at agad na nagulat dahil sa sigaw niya na umalingawngaw sa buong classroom. Walang iba kundi si Ma'am Verios. Bago pa siya makapagsalita ulit ay may biglaang bumukas ang pintuan. Napatingin ako at laking gulat ko ng makita kung sino yon. Siya yung babaeng nabangga ko kanina, kasama niya yung Boyfriend niya. Napayuko ako at ngumiti na lang kay Ma'am Verios. Oh great! Talagang naging mag kaklase pa kami!

Fake LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang