Chapter Six

1.1K 54 16
                                    

The Paid Boyfriend.

Chapter six.






VICE

Nagising ako nang maramdaman kong hindi na gumagalaw ang sasakyan ni Karylle. Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata at nadatnan kong nasa isang parking lot kami. Nilingon ko si Karylle na naturang natutulog at nakapatong ang ulo sa manibela. Ganda talaga ng babaeng ito. Mas maganda siya ngayon na halos wala na siyang make up. Paano ba naatim ng mga ex-closet boyfriends niya na gamitin at saktan siya? Hindi niya deserve!

Saan ba kami? Lumingon ako sa bandang likod, mukhang familiar 'to ah? Nasa parking lot pala kami ng ospital kung saan naka-admit si Nanay. Tiningnan ko ang relos ko, pasado ala una na pala. So two hours ako natulog? Itong si bruha kaya? Di ko na matandaan kung anong oras kami umalis kanina, na-stress kasi talaga ako sa presensya ni Jaki.

Pero ang lamig. Hala! Naka-on parin ang aircon ng sasakyan ni Karylle, paano na ang gasolina? Aksayado. Kailangan ko na siyang gisingin para makapagpaalam na ako sakanya at makauwi na siya.

"Uhm... K?" Mahina kong pagtawag sakanya habang dahan-dahan ko siya tinatapik sa pisngi.

"Hmm..."

"Sleeping beauty, gising na uy." Niyugyog ko na siya sa balikat.

"I'm still sleepy, Vicey. Stop it." Shux! Di ko ma-explain ang tono ng pananalita niya pero parang akong kinilig? Hoy, Jose Marie. First warning!!

"Hay, bahala ka na nga dyan, bruha!" Dabog ko, ready na sana ako sa pagbaba nang hinila ako ni Karylle at niyakap ako ng mahigpit. Mukhang napaparami na 'tong tsansing moments namin ah?

"You'll be alright." ANO DAW? "Don't cry for her again ha? If ma-witness or malaman kong iiyak ka ulit ng dahil sa kanya, di ako magdadalawang isip na halikan ka. Are we clear?" From smooth to authoritative voice... nadisturbo lang ang tulog, parang nasapian na. Kabokot talaga 'tong jinowa ko.

"Oo nalang, 'teh. Uwi ka na para makapagpahinga ka nang maayos. Ingat ha?" Sabi ko nalang at bumaba na.

"Wala bang goodbye kiss dyan?" Seryoso ang feslak ni girl!!! NAMUMURO NA TALAGA TO "Pfft. Just kidding!" Napairap nalang ako after niyang tumawa. May saltik talaga si Karylle! Huhu.



Bago pa man ako makapasok sa kwarto ni Nanay ay may natanggap akong text mula kay...

From: Fake Jowa

Hello, Vicey! You can take a break as my paid boyfriend kahit it's your first day pa. Hindi naman kita ino-obligang everyday mo 'ko i-visit sa office or mag give ng efforts for me. Sapat na 'yung kanina atleast they already know that I have you. For sure, aabot yun kay Daddy. =) And pls don't go to the parlor tom, I already texted Mamang. Focus ka muna dyan kay Nanay. I've got an update pa naman that she will have a sched for her dialysis tomorrow. Be with your mother for now, she needs you. I'll be fine. Okay? Good night!! Rest well, baby Pogi. x


Oo na, kinikilig ako! Ang sweet kaya ng message. Miss ko na makatanggap ng ganito galing kay Tom. Kumusta na kaya ang boyfriend ko? Ma-text nga...


To: Tommy Mylabs

Mishu. Pakita ka na. I love you :<

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Paid Boyfriend • VicerylleWhere stories live. Discover now