"Ayos Lang Ako"

345 9 2
                                    

His ex is back. Yung true love niya.
Pero eto ako, nagpakatanga, akala ko yung pagiging rebound ko ay magkakaroon ng magandang outcome, yung tipong makakalimutan na niya yung ex niya.
I was wrong.
Isang "Hi" lang pala ang makakapagbago sa pinagsamahan namin.

Nagrehearse na kami para sa aming darating na graduation, last day na at tapos na din yung general rehearsal. Asan na kaya si Vice? Sabay kami dapat uuwi ngayon ah? Hinanap ko muna yung mga tropa niya, iba kase yung exit ng boys at girls, malamang kasama niya yung mga yun paalis ng stage.

"Vhong! Asan si Vice?"

Nung narinig ng mga kaibigan ni Vice yung boses ko namuti silang lahat na ani mo'y nakakita ng multo. Anyare sa mga to?

"Uy Jaki... S-Si V-Vice?"

Sumingit si Jhong, na para bang may pinangdidilatan sa likod ko, yung iba pang mga boys sumesenyas ng mga kamay nila para ipakita na nandito ako. Umikot ako para makita ko kung anong meron.

"Si Vice-"

Bigla nalang nila cinoveran ang mukha ko. Nakakairita na! Pero dahil alam naman nila na sadista ako, pinalo palo ko sila at himapas hampas hanggang sa mawala yung nakacover sakin.

Ano ba naman to, ayaw naman nila mag salita eh. Sino kaya pwedeng mainterrogate sa magttropang to? Alam ko na!!! Si Billy!!! Alam kong di ako kaya matiis nun.

"Billy! Asan si Vice?"

Ayan na. Nag sstrutter na siya. Di talaga sanay mag sinungaling to. At ramdam ko na yung banta ng mga kaibigan niya pero wala na akong pakealam, gusto ko lang naman talaga malaman kung nasaan si Vice.

"Nandun oh!"

Sabay turo niya sa palabas na ng gate ng aming school. Alam ko namang pipigilan ako ng mga kaibigan niya pero tumakbo nalang ako kahit hindi pako medyo sigurado sa direksyon kung nasaan siya.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa maaninag ko na nga si Vice. Ayun siya!!! Nag open arms na ako para maback hug ko siya.

Hanggang sa bigla akong natigilan dahil sa nakita ko.

Si ate Jennie. Yung ex girlfriend ni Vice, na mas matanda sakanya ng one year. Pero bat sila magkaakbayan? Uhm.. Wala to. Binilisan ko nalang yung takbo hanggang sa mapansin din nila akong dalawa.

"Hi ate Jennie! Pwede ko po bang hiramin muna si Vice?"

Mabait naman ako kay ate Jennie eh. Kaya lang baka isipin niyang inagaw ko na si Vice sakanya, pero diretchuhan na, akin na kase si Vice ngayon at masaya na kami.

"Ah oo, sige ba- Vice hihintayin nalang kita dito."

Sabay ngiti niya kay Vice.

"Hindi naman po sa nangingialam ako ate Jennie pero sabay po kase kaming dalawa umuuwi."

Nginitian ko si ate Jennie.

Ngunit bigla nalang akong hinatak ni Vice papunta sa mini park ng school at tila bang sinesenyasan si ate Jennie na 'Hintayin mo ako. Babalik ako, tatapusin ko lang to :)'

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko dun, basta ang alam ko lang ay nangingilid na ang mga luha ko.

Nakadating na din kami sa mini park, umupo kami at kinuha niya yung panyo niya para sana punasan ang mga luha ko pero pinigilan ko siya.

"Vice mahal mo pa ba si ate Jennie?"

Nagulat siya sa tanong ko, iiling na dapat siya, pero binigyan ko siya ng isang makahulugan na tingin, para naman mahint niya kahit papaano na gusto ko mag sabi siya ng totoo. Tumango na siya. Dun ko na naramdaman ang tuluyan na pag bagsak ng mga luha ko, pinunasan ko nalang ang mga ito at nginitian siya.

"Eto ba ang dahilan kaya nitong mga nakalipas na linggo eh halos hindi ka na nag paparamdam saakin?"

Hindi padin siya nag sasalita, tumango lang siya ulit.

"Kung ganun... Sige. Malaya ka na :)"

Nginitian ko siya at tumayo nako. Mag lalakad na sana ako paalis ngunit bigla niya kong hinila at niyakap.

"Maraming salamat mahal ko."

Mahal ko. Huling beses na niya akong tatawaging ganyan. Ngayon, damang dama ko padin ang mahigpit na yakap niya saakin, pero gumalaw ako para maindicate na tama na yung yakap.

Kumalas na din siya sa yakap. Nakita ko yung bakas ng ngiti niya. Yung ngiti na kahit minsan, ako yung naging dahilan.

"Mahal ko, eto na yung huling pagkakataon na tatawagin kitang ganyan, kaya pag bigyan mo na ako. Gusto ko lang sabihin na sana alagaan mong mabuti at wag mong sasaktan si ate Jennie. Kung hindi, sige ka, lagot ka sakin! Hahaha! :)"

Kahit masakit ay pinilit kong ngumiti, para naman ireassure siya na tanggap ko.

Tumingin ako sa likod. Si ate Jennie. Sinundan niya pala kami. Muli akong tumingin kay Vice para signalan siyang puntahan niya na si ate Jennie. Nagets naman agad ni Vice yung signal ko and we bid our goodbyes. Tumakbo na si Vice papunta kay ate Jennie at umalis silang magkahawak ang mga kamay.

True love na nga ata nila ang isa't isa. Totoo pala talaga yung kasabihan na "You might be my forever, but I may not be your happy ever after."

May strike of hope padin na nagsasabi saakin na lilingon si Vice, pero pag dating nila sa covered court, bigla nalang bumuhos ang napakalakas na ulan. Eto na ata yung sign na I need to get rid of my hopes.

Pero... Jose Marie B. Viceral, sana tinanong mo manlang kung Ayos Lang Ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

one shot stories (ViceJack)Where stories live. Discover now