"Pasensya ka na ha, I'm not comfortable of leaving you alone here, lalo na't mukhang di pa natitinag yung mga nag-iinuman sa labas." sagot niya sa akin. Oh...ang sweet nya...sweet ka dyan? kakakilala lang, tulog na dito agad? sabi ng utak ko. "Ah...eh...kasi...one bedroom lang kasi itong unit ko eh...tsaka wag na, okay lang ako. Nakadouble lock naman yung room ko tsaka yung main door eh." sagot ko kay Jeric...teka...nag sad face sya?

Jeric:

Di talaga ako mapalagay na iwan si Aine dito mag-isa. Pero sabi nya, naka-double lock naman yung door ng room nya at sa main door kaya siguro okay na yun. "Ah. okay. sige, uuwi na ako. mag-ingat ka dito ha, mag-isa ka pa naman." I told her. Tumayo na ako at naglakad papunta sa main door when she spoke. "Ah...Jeric?"

"Yes?"

"Okay lang ba...na...dito sa sala ka matulog?" she asked me. Carpeted naman yung sala kaya siguro okay na ito. "O...okay lang." I answered her.

"I realized kasi na baka harangan ka nina Lester doon sa labas, mapaano ka pa..." sabi nya. Woah! sya naman concerned sa akin ngayon.

"Kaya ko naman sila eh..." I told her

"Kaya mo nga sila, eh kung mapuruhan ka? baka nakakalimutan mo, basketball player ka, paano mi i-e-explain ang tama mo sa mukha if ever?" she asked. Oo nga naman, di naman overnight mawawala ang pasa sa mukha at marami pa akong kailangang pagbigyan ng paliwanag if ever. "O...okay. salamat ha." sabi ko na lang sa kanya.

She went sa room nya at paglabas niya, may dala siyang pillows, banig, kumot at comforter. It's fine, kahit na first time ko ring matutulog sa floor. "Nandito rin pala sa upuan yung extra na clothes, i-check mo na lang kung kasya sa'yo ha." she said.

Nagulat ako doon ah...extra clothes? tumingin ako sa may sofa chair and saw it. Panlalaki? may kasama siyang guy dito? "Ah...eh...Aine, may kasama kang guy dito? I asked her habang tinitingan yung mga damit.

"Oo. Si Rye." she answered. Okay, so yung Rye pala...sasagot pa sana ako when she spoke again, "Joke lang!!! sa kanya talaga yan, pinaiwan nya dito sa bahay last time kasi di na kasya sa bag niyang dala for their out of town gig, di pa binabalikan so ikaw muna gumamit."

"Ah...okay." I said. Ayoko nang magtanong pa at baka kung saan pa umabot ang usapan. After ko ia-ayos yung tutulugan ko, agad na rin akong pumasok sa CR to change clothes. Kukunin ko na lang sa car bukas yung gym bag ko. Infairness, kasukat ko yung Rye na yun. Pagkalabas ko sa CR, nandun sya nakaupo sa may sofa chair, yung long one, tapos nanonood ng TV habang may yakap syang stuffed toy na Panda bear. Ang cute nya so I took out my phone mula sa pocket nung shorts na suot ko and took a stolen shot of her. Buti na lang, di nya napansin.

"Ah, tapos ka na pala." she said. "Teka, na-text mo na ba si Jeron na dito ka muna matutulog?" tanong niya sa akin.

"Ah...oo." sagot ko, tapos pumunta na ako sa tutulugan ko. "Ikaw? di ka pa ba matutulog?"

"Di pa ako inaantok eh." sagot ni Aine sa akin. "Ikaw, matulog ka na, may training ka pa bukas. Hihinaan ko na lang yung TV."

"Di pa din ako makatulog eh." sagot ko. Umiling lang siya sa akin at nagpatuloy lang siya sa panonood ng TV. Ilang minuto rin kaming di nag-iimikan, kaya nagtanong na lang ako sa kanya. "Ah...Aine?"

"Yes? May problema?" tanong niya

"Si...Si Rye...ahm..."

"Anong tungkol kay Rye?"

"Si Rye...boyfriend mo ba siya?" ayan no choice, nasabi ko na. Ilang segundo rin siyang nanahimik bago nagsalita. "Sa tingin mo?" tanong niya sa akin.

Only HumanWhere stories live. Discover now