"O sige...Jeric Allen."

"Huh? Jeric Allen?"- ako

"Oo. Ang ganda kasing pakinggan for me eh. Kaya Jeric Allen na lang." sabi nya. Hay naku Aine, ibang klase ka talaga.

"Okay. Madelaine." I told her. "I have to go na ha..."

"Sige, ingat ka sa pagdadrive. Late na rin kasi..." she told me.

Binuksan na nya yung pintuan nung unit nya nang umalis ako pero napahinto ako sa may gate ng apartment nila nang maramdaman ko yung isang guy mula sa mga nag-iinuman na papalapit sa kanya, ilang saglit pa, para na niyang pinipilit si Aine kaya bumalik ako ulit sa unit nya ang kumag na ito...feeling..."

"Take your hand off my girl..." sabi ko dun sa lalaki. Napatingin silang dalawa sa akin and I saw confusement and shock on Aine's eyes.

"Teka, sino ka ba ha? Ang yabang mo ha?" sabi nung lalaki. Medyo lasing na ito, delikado.

"Jeric...a...akala ko ba umuwi ka na?" tanong ni Aine sa akin, mukhang natatakot siya.

"Girlfriend ko lang naman yang hinahawakan mo." seryosong sabi ko dun sa lalaki.

"Boyfriend ka ni Aine?" Maniwala ako..." sabi niya ulit.

"Honey...Isampal mo nga sa lalaking yan yung sinasabi ko." I told her, sana sakyan niya.

"Boyfriend ko nga sya Lester..." sabi ni Aine dun sa guy saka bumitaw sa pagkakahawak nung Lester at lumapit sa akin. "At ikaw naman hon, I thought you went home na..." sabi nya sa akin. Ang sweet...hahahaha!"

"O, ano? si Aine na nagsabi, di ka pa aalis?" naiinis nang tanong ko dun sa Lester. 

"Di pa rin ako naniniwala. At ikaw, may araw ka rin sa akin." sagot nung Lester saka umalis.

Nakayakap pa rin si Aine sa akin. Halatang takot pa rin siya "Wag kang mag-alala. I'm here." sabi ko sa kanya.

"Pasensya na Jeric ha..." Aine said to me, saka bumitaw sa akin at binuksan yung pintuan ng unit nya, nasa loob na sya nang magpaalam ulit sa akin. "Salamat ulit sa paghatid, Jeric..."

Lumapit ako papunta sa tapat ng unit niya. "Can I stay here muna? If that's okay with you." I asked her "Mukhang nakatingin pa dito yung Lester eh." tumingin din sya sa area nung mga nag-iinuman "Ah..eh..sige, tara pasok." aya niya sa akin. 

Aine:

And pinapasok ko nga si Jeric sa unit ko. Si lester kasi, pasaway! Anyways, sinakyan ko na lang din yung trip ni jeric, pero the fact na girlfriend "daw" nya ako, medyo napangiti nya ako doon...hay naku Aine, ano ba...

"May problema ba Aine?" he asked me. Nasa sala siya at nasa kitchen naman ako. "Gusto mo magkape? pasensya na ha, instant coffee lang maiaalok ko, di ko kaya ang starbucks eh." sabi ko sa kanya.

"Anu ka ba? umiinom naman ako ng instant coffee no!" he told me.

"Mayaman ka kasi eh." biro ko sa kanya.

"So porke mayaman, di na iinom ng instant coffee? Aine ha, medyo na hurt ako dun..." nakangiting sagot niya sa akin.

Hay naku Jeric Allen. Ibnag klase ka talaga. Yung ngingiti pa lang siya, parang matutunaw ka, hay Aine, sabi mo walang bf muna pero mukhang gagawan mo pa ng exception si Jeric Allen...hahahaha! Anyways, tapos na kaming mag coffee at hinayaan ko lang muna siyang manood ng TV. A minute more nang tanungin ko siya kung uuwi na.

"Di ka pa ba uuwi?" mag tu-twelve midnight na."

"Puwede bang makisleep-over dito for tonight?

"Ha?" gulat kong tanong sa kanya. Actually, nagulat talaga ako.

Only HumanWhere stories live. Discover now