Chapter 1

47 16 0
                                    

Marian Joy's POV

Umaga na pala, nagising ako at nagpunas ng mga mata ng mapansin kong may red thread na nakatali sa left hand ng pinky ko.

Napapikit ako ng tatlong beses, akala ko kanina namamalik mata lang ako pero nasa kamay ko pa din yung red thread.

Nagtataka ako kung bakit may nakakabit sa hinliliit ko. Tinignan ko kung saan patungo yung red thread at nakita ko na papalabas ito sa pintuan ng kwarto ko.

"Bwisit na Kyline to, pinagtripan na naman ako," sabi ko at hinila yung bow ng thread pero hindi ito natanggal.

Tumayo ako at kinuha yung gunting sa study table ko, triny kong gupitin pero hindi magupit.

"What the—anong klaseng thread 'to?" inis na sabi ko habang paulit-ulit na ginugupit yung thread. Sa sobrang inis ko, ibinalik ko yung gunting sa study table ko at bumaba ako.

"Ano 'to?" tanong ko kay Kyline while showing my left hand.

"Huh? Anong ano 'to?" tanong ni Kyline habang kumakain ng pancake.

"Itong thread na 'to," sabi ko habang tinuturo yung thread na nakakabit sa left pinky ko.

"Are you nuts?" sabi ni Kyline habang nakataas yung isang kilay niya. "There's nothing on your pinky ate" dagdag niya.

"What do you mean na wala? Wag mo nga akong pagtripan!" inis na sabi ko.

"Hindi kita pinagtitripan," sabi ni Kyline.

"Umagang-umaga nag-aaway kayo," sabi ni Mommy.

"Cut the crap out Kyline! You better remove this thread or else," pagbabanta ko.

"Sabi na ngang walang thread sa kamay mo eh! Anong puputulin ko diyan? Daliri mo?" inis na sabi ni Kyline.

"Mom! Dad! Itong anak nyo pinagtripan na naman ako!" pagsusumbong ko.

"Ano na naman ginawa mo sa ate mo?" tanong ni Daddy.

"Wala akong ginawa sa kanya no," sabi ni Kyline.

"Nakita nyo ba 'tong red thread na 'to? She tied it on my pinky!" sumbong ko kila Mommy at Daddy.

"Anong red thread?" tanong ni Mommy.

"Here oh," while showing my left hand.

"Wala namang red thread dyan ah," sabi ni Mommy.

"Meron talaga mommy," pag-iinsist ko.

"Joy, there's nothing on your pinky," sabi ni Daddy.

"But daddy, ito oh. Nakikita ko eh," sabi ko.

"Stop pretending ate," sabi ni Kyline.

"Kung nag-jojoke ka hindi nakakatawa promise," dagdag niya.

"I'm not trying to be funny!" frustrated kong sabi.

"Look, if you all trying to prank me. Telling me that you don't see anything in my pinky, I'm telling you it's not funny, not funny at all," sabi ko.

"We're not trying to pull a prank on you or anything," sabi ni Kyline.

"Eh kasi naman nung nakaraan, you played tricks on me! I got an ink in my face," sabi ko.

"Kayong dalawa, tumigil na kayo at kumain ng breakfast," sabi ni Mommy.

Umupo na lang ako sa pwesto ko sabay kumain.

"You didn't even greet dad and mom," sabi ni Kyline.

"Right. Good morning mommy and daddy," sabi ko.

Pag tapos naming kumain agad ako umakyat sa kwarto, naligo at nag bihis. Kinuha ko na din ang bag ko at bumaba.

"Dad, Mom, alis na po ako," sabi ko at kumiss sa cheeks nila.

"Hey ate, don't forget to start speaking in tagalog or else they won't talk to you," sabi ni Kylie.

"Arra.." Sabi ko.

I don't speak tagalog talaga kasi laking America kami. Umuwi kami dito sa Philippines because of mom's wish and it was hard to talk in tagalog but I know how to speak and I can understand.

We have been here for two months already. Last month around mid-April, I also took a test for an academic scholar in Mint University.

There are already people who recognized me in Mint University as I achieved the rank 1 in the whole second year test in Mint University.

In Mint University, students will take an exam to determine the list of students who will be granted a scholarship program per year and per term.

"Shocks. I'm gonna be late," sabi ko.

Dali dali akong sumakay sa tricycle, parang hindi na ko nasanay na lagi akong late sa classroom.

Nang makarating na ako sa Mint University, tsaka ko lang naalala yung red thread na naka attached sa pinky ko.

Ang daming tanong na nasa isip ko. Kung hindi si Kyline ang nag lagay ng red thread, eh sino? Bakit hindi 'to maputol? Bakit ako lang na kakakita? Bakit ngayon ko lang nakita 'to? Anong ibig sabihin nito? Hanggang saan ang aabutin ng thread na 'to?

Seriously, I don't know what to do. What if the red thread snaps? Magkakaroon kaya ng effect sa akin yun kapag naputol yung thread?

Tinignan ko kung saan naka patungo yung thread at nakita ko papunta ito sa loob ng Mint University.

The Red ThreadWhere stories live. Discover now