Kabanata 54: Epilogue

Start from the beginning
                                    

"B-bakit ako?" Nauutal kong tanong. Ilang beses kong pinag-isipan ang tanong na iyan bago ko isatinig. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero parang hindi ako komportableng itanong iyon sa kan'ya.

Narinig kong tumawa si Duri kaya ikinakunot iyon ng noo ko. Hindi talaga s'ya marunong magseryoso. Umirap na lang ako sa hangin habang hinihintay ang sagot n'ya. Gumalaw ang kamay n'yang nakahawak sa likuran ko pero hindi ko na iyon pinansin.

"You ask me why I choose you?" Usal n'ya kaya agad akong napatango. Sandali akong napa-iwas ng tingin nang magmulat s'ya ng mata. "Seriously?" He added.

Hindi na ako sumagot pang muli at hinayaan s'yang sagutin ang tanong ko. Hindi lang talaga ako sure sa nararamdaman n'ya sa'kin. Mapapatunayan ko lang siguro iyon kung sasagutin n'ya ng totoo ang mga tanong ko.

"Wala ka pa rin bang tiwala sa'kin?"

Agad akong napatunghay at nagtama naman agad ang paningin naming dalawa. Seryoso ang mukha nito at parang ilang sandali lang ay maiinis na s'ya sa'kin. Umismid ako para makapagsalita.

"Siguro..." Seryosong tugon ko sa kan'ya. Para namang hindi s'ya makapaniwala sa sinabi ko kaya kumalas s'ya sa pagkakayakap sa'kin.

Umupo s'ya at isinandal ang likod sa head board ng kama. Nang makaupo na s'ya sa kama ay napatingin ako sa suot n'yang puting t-shirt na nagusot na dahil sa malikot na pagkakahiga kanina. Magulo rin ang buhok n'ya pero hindi iyon naging dahilan para magmukha s'yang dugyot, sa halip ay naging angkop pa iyon para maging kaakit-akit ang itsura n'ya.

"Fuck, Dessy. Look at me." Usal n'ya na ikinalingon ko naman. Nagdadalawang isip pa ako kung uupo rin ba ako sa kama at damayan s'ya sa pagsandal sa head board. Pero iyon na rin ang ginawa ko para makapag-usap kami ng maayos. Gaya ng gusto n'ya, tumingin ako dito.

"Why the fuck is it hard to you to trust me? Ganon na ba ako kasama para hindi ka maniwala sa'kin or..." Napakunot ang noo ko nang panliitan n'ya ako ng tingin at parang nanunukso pa ang mga tingin. "Am I that too handsome to fall in love with you and you fuckin' can't rely?"

Muli na naman akong napairap ng wala sa oras dahil sa sama ng ugali n'ya. Sasagutin lang naman n'ya kung bakit ako ang nagustuhan n'ya sa dinami-rami ng babaeng naghahabol sa kan'ya. Sinamaan ko lang s'ya ng tingin at baka samain talaga ang lalaking ito mamaya sa'kin. Pasalamat s'ya at wala akong lakas para barahin ang mga sinasabi n'ya.

Imbis na makipag-usap pa ako sa kan'ya ay ibinalik ko na lang ang sarili ko sa pagkakahiga at naglagay ng kumot.

"Hey," Narinig ko ang nakakalokong pagtawag n'ya na parang nasisiyahan pa. Ipinikit ko na lang ang mata ko at tinalikuran s'ya ng higa.

Kahit kailan talaga, hindi s'ya matinong kausap.

Makakatulog na sana ako nang bigla kong maramdaman ang mabigat na kamay sa kabilang balikat ko at itihaya sa pagkakahiga. Nagulat na lang ako nang makita ko si Duri na nakapatong sa'kin at titig na titig ang tingin sa mata ko.

Napalunok ako bago ko itulak ang dibdib n'ya gamit ang isang kamay ko pero hinuli n'ya iyon para pigilan. Nagbalak pa akong magsalita pero agad rin n'ya rin s'yang sumabat.

Malikot ang tingin kong naglalakbay sa mukha n'ya at hindi ko alam ang gagawin ko habang pinupukulan n'ya ako ng tingin.

"Do you know why?" His husky voice are entering in my ears and I can't help but to gulp. Every time he speak, nanghihina ako.

Dahan dahan akong napailing bilang sagot, "H-hindi." Naipit ko ang pang-ibabang labi ko gamit ang itaas na labi at muli na namang napalunok.

"I like you because everyone else is boring..." Huminto ito sa pagsasalita at nakita kong bumaba ang tingin n'ya sa mga labi ko. "And because you're different. Your questions are fucking nonsense but here I am, answering your questions to make sense."

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedWhere stories live. Discover now