part 11

17 2 0
                                    

HELPING EACH OTHER

------->
adlib muna..
pasensiya na kung inabot ako halos nang ilang linggo bago nakapag update.. haiist medyo nawalan ng load at nahirapan talaga ako this past few days maghanap ng apartment.. hirap kasi ng walang sariling house..

😊😊anyway, wala ng paawa epek.. eto na poh ang ating part 11.. enjoy!!

--------------------------------------------
Nakatayo sila sa harap na kalsada sa mismong ukay-ukay ni Neneng. Kung saan nagtatrabaho si Allyna.

"Sigurado ba kayo na matutulungan niya tayo?" tanong ni Zero sa dalawa na nasa magkabilaan pa niya na gilid.

Tinatanaw si Allyna na noon ay may inaassist pa na dalawang customer. Na panay ang halukay sa paninda nito na nakalatag sa ibaba. Na tila pinasadyang tabla.

"Siya lang ang may kakayahan na makita ang isang grim reaper kapag nasa katawan na siya ng tao. Tayong mga grim reaper ay di makikita kung ang kapwa natin grim reaper ay pumasok sa mortal. Naalala mo ba noong nakita ka namin sa katawan na yan. Halos di ka namin nakilala." litanya ni Robert.

Tumango-tango pa si Francis.

"Papano kung makita din niya ako na nasa katawan na to?"

"Kapag nakasuot ka ng purong itim kagaya ngayon na nakaleather ka. Hindi niya makikita ang itim na anino."

"Kaya pala ng magkasalubong kami minsan. Hindi niya ako napansin."

"Ganu'n na nga Bossing. Nakalap din namin ang impormasyon na yan."

"Nakalap? At kelan ka pa naging pulis para i-adopt ang salitang nakalap?"

"Bossing naman. Tina-try ko lang naman kung bagay sa akin ang pagsasalita ng ganun." kakamot-kamot pa si Francis.

"Ang problema ko ngayon ay kung papano ko papápayagin na tulungan ako ng mortal na babaeng yan." namulsa pa ito.

"Problema muna yun." si Robert.

Napatitig silang tatlo sa di kalayuan. Na para bang nag iisip.

"Dapat mapapayag ko siya." Napahawak pa si Zero sa kaniyang baba.

Napatango-tango ang dalawa.

----------------------------------------------
"Miss tulungan na kita." Agad na hinawakan ni Zero ang sako-sakong paninda. Na kukunin sana ni Allyna para buhatin.

Gulat na napatingin si Allyna dito. "Naku, wag na Mister. Wala din naman akong ibabayad sayo."

"Kahit na isang basong tubig lang. Okay na ako dun." Nakangiting binuhat ni Zero ang sako.

Napangiwi pa ito ng matanto ang di birong bigat nun.

Natawa pa di Robert na nakatayo din sa tagiliran niya.

"Maginoo ang style mo diyan Bossing!" Pagche-cheer pa ni Francis.

Pinukol niya ng masamang tingin ang dalawa saka sumulyap kay Allyna.

"San ko pala dadalhin to?"

"Sa loob na lang." Saka ito nagpatiuna pa sa paglalakad.

Pakiramdam ni Zero. Mapapatid na siya sa bigat ng sako. Kaya halos madaliin niya ang paghakbang papasok sa loob.

"Oh, Allyna! Bat kumuha ka pa ng kargador? Alam mo naman na wala tayong pambayad diyan!" Bulyaw ng Tiya Neneng niya sa kanila.

Sabay pa na nagkatawanan ang dalawang Grim Reaper sa narinig. Isang masamang titig ang muling ipinukol ni Zero sa dalawa.

"Hindi po ako kumuha ng kargador Tiya. Nagprisinta po siya na tulungan ako." Pagtatama pa nito.

"Ah ganun ba. Kung ganu'n pala. Manliligaw mo ang lalaking yan?" Usisa nito muli.

Sasagot pa sana si Allyna. Pero dahil sa bigat ng sako. Pinutol ni Zero ang anumang sasabihin nito.

"Mawalang galang na po. San ko po ba pupwede na ibaba ang sakong to."

"Ay oo nga pala. Dito na lang sa bandang gilid." Si allyna. Saka itinuro ang bakanteng semento.

Agad na ibinaba niya naman sa lugar kung saan tinuro nito.

"Aba hijo. Hindi ka naman mukhang kargador. Manliligaw ka ba nitong dalaga ko?" Di pa nasiyahan na lumapit si Tiya Neneng sa kanila.

"Tiya! Hindi po! Nakakahiya masyado sa tao. Hindi ko nga po siya kakilala."

"Ako po pala ai Zero. Ikinagagalak ko po kayong makilala." Saka niya itinaas ang kanang palad para kamayan si Tiya Neneng.

"Tiya Neneng na lang hijo." Nakangiting tugon nito.

Matapos ay inilipat niya ang kamay kay Allyna.

"Ako naman si Allyna. Nagkita na ba tayo?"

Matapos niya ito kamayan. "Oo nagkita na tayo ng nakaraang araw. Sa harap mismo nitong pwesto niyo. Dun sa may kalsada. Muntik pa nga kitang mabangga." Pagpapaalala niya rito.

Naituro ni Allyna ang kanang kamay. Pilit hinagilap sa utak ang sinasabi nito. Saka ito bahagyang natawa at napapalakpak pa ng magkabilaang palad.

"Ah oo nga pala. Nung sinusundan ko pala yung isang lalaki."

"Teka! Teka! Bago kayo magkwentuhan na dalawa. Kunin mo muna hijo ung iba pa na sako. Tutal may nakuha naman akong bagong saleslady. Pupwede mo ayain na lumabas tong dalaga ko." Putol ni Tiya sa kanila.

"Oo nga pala. Sige hakutin ko muna."

"Naks! Mukhang ang ganda ng palitan ng tingin nila ni Bossing. Kung di lang Grim Reaper si Bossing. Iisipin ko na nalove-at-first-sight siya diyan ky Allyna.

Bahagyang siniko ni Robert si Francis.

"Wag mo ipaparinig kay Zero at baka magalot sayo yun. Saka hindi pupwedeng mainlove ang isang Grim Reaper. Ginagawa niya lang ang bagay na yan para mapapayag niya ang Medium na magtrabaho sa kaniya."

"Talaga bang wala ng ibang paraan? Dapat ba talaga na magtrabaho ang Medium sa kaniya?"

Patuloy nila na sinusundan ng tingin ang hirap na hirap na si Zero sa pagbubuhat ng mga sako.

"Yun lang ang natatanging paraan para makasama niya ang medium. Mas mapapadali sa kaniya na hanapin si Negative."

Napahinto si Allyna sa tapat nila. Saka ito napatitig.

"Oh bat niya tayo tinitingnan? Nakikita ba niya tayo?" Pinaglipat ni Francis ang tingin kay Allyna at Robert.

Napatitig din si Robert sa maiitim nito na mga mata.

Napasulyap naman si Zero sa kanila.

"Nakikita niya rin yata tayo." Si Robert.

"Allyna! Halika ka muna at ibigay mo sa labas ang bayad." Tawag ni Tiya.

Panay pa din ang sulyap ni Allyna sa dalawa. Bago ito lumabas.

"Sa tingin ko Zero. Nakikita niya rin kami. Kanina ko pa nakikita na panay ang sulyap niya sa amin." Ani ni Robert.

"Talagang magaling siya. Wala pa akong nakita na mortal na nilalang na nakatingin sa atin ng ganun." Sambit ni Francis.

"Tiya, aalis muna kami at kakain lang sa kabila. Babalik din ako mamaya." Paalam ni Allyna.

"O siya sige."

"Halika na." Aya ni Allyna na nakatingin pa din sa likuran niya.

----------------------->
😅😅😅 nabitin ka ba?
O xa next na agad habang ganado pa ang writer mo..

GRIM REAPERWhere stories live. Discover now