PART VI : Neighbor-hood

Magsimula sa umpisa
                                    

"Aray naman.."

Noong natanggal ko na tiyaka lang ako bumaba sa kama at tiningnan ang sarili sa salamin.

Ilang beses ko nang pinatanggal ang super thin full size mirror na iyon sa kuwarto ko. Hindi naman kasi kasya ang katawan ko sa repleksyon ng salamin na iyon.

"Haay."

Nakakadepress naman. Pero hindi ko hahayaan ang sarili kong madepress. Dahil alam ko. Papayat din ako.

Nung napatingin ako sa bintana ko nakita ko ang isang trak mula doon. May bago na ata kaming lipat na kapitbahay. Halos 3 buwan lang ginawa ang bahay sa tabi namin. Siguro mayaman.

Nang walang mahita. Pinuntahan ko ang Cellphone ko at dali-dali kong iGiniEm para maganda at medyo sikat.

Pagkatapos ko masent to many. Bumaba na ako. Naabutan ko si Tatay na gumagawa ng TV.

"Oh, Anak. wala kang pasok?"

"Wala eh. May gagawin kasi mga Teacher ko." Inikot ko ang mata ko sa buong bahay. "Si Teofy?"

"Pumasok na iyon. Kumain ka na diyan at maglinis bago ka masermonan ng nanay mo."

"Opo Tay.."

Pero hindi pa ako kumain dahil.. hindi ko alam. Di ko pa Feel kumain. Kaya kumuha na muna ako ng basahan at nagpunas ng bintana. Hindi ko na inabala ang sarili kong magsuklay at magmumog man lang dahil nasa bahay lang naman ako.

Habang nagpupunas ako nakatingin pa din ako sa kapitbahay.

"Tay.."

"Oh?"

"Mukhang mayaman ang bagong lipat na kapit bahay natin ah.."

"Oo. Panglast na trak na iyan. Medyo nakita ko ang loob ng bahay maayos na. Ibig sabihin bago pa man lumipat yan dito. Alam na nila kung saan nakapwesto ang mga iyan."

"May ginto kaya sila diyan 'tay? Kitang kita sa kuwarto ko yung isang kuwarto na may terrace eh."

MATABA ako, Oh, Eh, Ano naman?! (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon