PART VI : Neighbor-hood

3.4K 111 13
                                    

Thank you po sa pagshupport! salamat po ng MARAMI.. :))

__________________________________________________________________________

PART VI: Neighbor-HOOD

<Yurika's POV>

TIKTILAOOOOK!

"Umm.." Tinakpan ko ang tenga ko ng marinig ko ang alarm clock ko.

Oo, sa maniwala kayo at sa hindi ALARM CLOCK po iyan. Wag nang kontra.

TIKTILAOOOOK!

Muli akong bumaling sa kabilang panig ng KAMA ko. Istorbo parang si Eunice.

TIKTILAOOOO-KOK!

Napatayo ako ng hindi oras . Hindi pamilyar ang tunog ng manok na iyon. Paaos ba ito? Nabilaukan? o may Sinok?

Pero hindi ko na kailangan pang intindihin pa ang manok dahil gusto ko pang matulog..

" *tok* *tok* Yurika! Anak! Aba bumangon ka na diyan at maglinis ng bahay! Hindi yung pinagpapala mo nanaman yang mga bilbil mo sa katawan! Baba na!"

Napaangat ako ng ulo. Hindi ito makatarungan! Estudyante din kami. Marunong mapagod. Sila kaya magaral ng Symbol sa Chemistry sa School! Argh. Akala nila madali?

"YURIKAAAA!!"

"Bababa na Nay!" Sigaw ko na lang bago ako umupo sa kama ko at nangamot yung pangahas na kamot.

Narinig ko na lang awmg pagbaba ng nanay ko sa hagdanan.

"Istorbo talaga si Nanay! Istorbo! *kamot* Hindi ito makatarungan! Napapagod din kaming mga estudyante! *kamot*."

Hanggang sa tatangalin ko na lang yung kamay ko. Nagsalasalabit pa ito.

MATABA ako, Oh, Eh, Ano naman?! (Slow Update)Where stories live. Discover now