Ito yun eh

327 6 0
                                    

"Khoyeah"

"Khoyeah"

"Khoyeah"

Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang malakas ng tawa.

Ang landi ng bakla magtawag ng lalaki at imbis na 'kuya' ay naging 'khoyeah' ang bigkas nito! Kaya naman ang mga lalaki ay diring-diri kapag hinahawakan ng bakla.  Ang iba pa ay daig pa ang nakakita ng patay na daga sa takot! Mukha kasi ng bakla pinagsamang clown, horror at virus!

Ang pangit talaga ng timawa!

Napasimangot ang bakla dahil walang ni isa ang pumansin sa kanya. "Anong tinatawa-tawa mo diyan hah tomboy?!" masungit niyang baling sa akin.

"May kulang kasi. Dapat may 'segi na kuya pang kape lang'!" sabi ko saka ko pinakawalan ang malakas na tawa.

It's not really funny but the thought that those words are from them is  hilarious. Lage kasi akong tinutukso ng mga bakla at isa ang salitang yun ang paborito nilang panukso sa akin. At itong si Doven a.k.a Chantal ang nakatikim ng ganti ng api!

"Atleast hindi tomboy!" pang-aasar niya. Ewan ko ba sa mga bakla nabalitaan lang nilang NBSB ako ay lagi nilang sinasabing tomboy ako kahit wala naman sa itsura ko ang pagiging tibo.

"Maganda naman!" proud kong sabi kahit tagilid ang beauty ko.

Napatawa siya ng hilaw "Maganda ka?" patuyang niya. "Gwapo kamu, Ni wala kang boylalo ibig sabihin tomboy ka!"

Nakakainis talaga ang bunganga ng bakla kung hindi pa siguru ako sanay ay malamang sinabunutan ko na siya. "Yun na nga bakla masyadong makinang ang pagiging dalaga ko para hindi makaya ng kung sino-sino lang!"

"Segi nga sa apat na taon mo dito sa paaralang itech at may nanliligaw naman sayo, ni isa wala ka talagang pinatulan! Tomboy ka gid!"

"Bakit mo ba ginigiit yan?" chill sanay na ako sa ganito at di naman kami nag-aaway talagang tumataas lang ang boses namin. Isa pa di ko rin magets ang isip ng mga bakla bakit nila pinupush ang pagiging tomboy ko.

"Tomboy!" dagdag pa niya.

"Iba iba lang talaga tayo ng priorities bakla!" ganti ko.

Maybe for them having boys will overwhelmed their feelings of happiness but it isn't my thing. Gusto ko kung magkakaboyfriend man yung di ko pagsisihan.

Five of my boardmates are gays, sila ay sina Clevin, Edgar, Jojo, Joey and Chantal ang tanging bakla na tinawag namin sa kanyang alyas dahil walang bahid na pagkalalaki kung iyong titingnan, ang sagwa lang ng Doven!

"Priorities? Samantalang yung chaka mong bestfriend na si Mary Jean ay may jowaers na dahil sa pagboboy bawang hunting eklavosh niyo. Pero ikaw nada. Dahil siguro girlalu rin ang typeneses mo !"

"Eh trip namin ang ganun bakit ba?"

"Ang chika ay kinacover wrapper mo lang sa, pagboboy crawler niyo na ni isa ay wala kang pinatulan, ang pagiging tomboy mo!"

Napanganga ako sa narinig. Grabe ang logic ng bakla di ko kinaya!

Well yes, you heared it right kasama ko sa kalokohan ang bestfriend kong si Mary Jean sa pagboboy hunting. Kalat na nga sa Campus ang kagagawan namin. Lagi pa kaming pinapagalitan ng department head  dahil sa kawalan namin ng hiya. Yun nga lang ni isa sa pinagtripan namin ay di ko sinagot dahil ayaw ko ng ganun.

At kung bakit may konklusyon na ang mga bakla sa katauhan ko ay isang malaking kalokohan!

"Ewan ko sa inyo bakla at sino naman sa ang nagsabi nun?!"

Lumabi lang siya. "Oh ito kung hindi ka nga tomboy landiin mo yang si Joko!" napangiwi ako sa sinabi niya. "Total expert ka naman diyan!"

Si Joko ang taong walang sinasanto sa paaralan. Anak ng Gobernador na naexpelled sa mga sikat na Unibersidad at ngayon ay ang Surigao Northeastern University nalang ang tanging pag-asa dahil dito may kontrol ang tatay niya!

"Ayoko nga" oo nagboboy hunting ako pero yung mga lalaking malamya ang target namin hindi barumbado!

"Tomboy ka nga!"

"Ikaw bakla!" napipikong sigaw ko.

Palapit na si Joko ng magsalita ang bakla "Joko oh si Eleana, Kahit pangkape lang daw ok na sa kanya!" malandi niyang sabi at tinuro ako.

Namilog ang mata ko sa narinig. Leche! Sa lahat ng tao ito pa talagang lalaking walang ethical preference ang sinabihan niya! Animal na bakla!

Bumaling ito sa akin na may kunot noo.

Oh my Pechay!

Joko Pimentel: The Governor's SonWhere stories live. Discover now