Prologue

148 8 0
                                        

One month,





Four weeks,






24 hours,







1 minute






and 60 seconds...




Binibilang ang natitirang oras na meron ako. Hindi ko aakalain na darating ang araw na susuko rin pala ako. Minsan may mga bagay talaga na kailangan mong bumitaw kung hindi mo na talaga kaya at kung alam mong wala ng pag-asa.

Ang importante, ginawa mo kung ano ang tama bago mahuli ang lahat.

I'm Aniko Delos Reyes, a 19 year of age.
Known as "Desperate Bitch" of IoHa.

Are you ready to hate me?














Lahat ng tao sa paligid ko, ayaw at galit sa'kin. Masama ang tingin sa'kin, ang alam nila malandi ako at ang pinakamalala napaka desperada. Kaya kilala ako bilang "Desperate Bitch" of our campus.

Ano bang mali sa nais mong makamit ang inaasam-asam mo? Mali bang maging desperada sa pag-ibig?

OO, inaamin ko na may mali ako. Pare-pareho tayong nagkakamali, hindi man tayo pantay-pantay sa isa't-isa. Parehas lang tayo na nakakaramdam. Tulad ko, marunong makiramdan at nasasaktan.

Nasasaktan ako sa kung ipamukha nila sa'kin kung gaano ako kasama sa mga paningin nila at kung sa tuwing babanggitin nila ang pangalan ko. At sobrang nasasaktan ako kapag lumalayo sila na para bang may nakakahawang sakit ako.

Nasanay ako na laging mag-isa, ni kahit isa walang nagbalak na makipagkaibigan sa'kin. Kung meron man, dati iyun. Dahil ito sa may kailangan sila, ginagamit nila ako at inaabuso pa nila ang kabaitan ko. Maganda ang pakikitungo nila pagkaharap mo sila pero kapag nakatalikod kana sa kanila sirang-sira ka.

Kaya ako nagbago, at kahit ganito man ako para sa kanila. Tuloy ako sa laban, hindi ako sumusuko. Wala ng bawian,laban!

At higit sa lahat—syempre makakalimutan ko pa ba ang pinakadahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban. Walang iba kundi siya,

"Jalin!" sigaw ko sa pangalan nito at kumaway-kaway sa kanya. Papunta ito sa kinaroroonan ko kasama ang mga tropa, ngumiti ako ng malapad sa kanila.

"Bro! Si Aniko na naman, ang creepy niya talaga. Wala ba siyang balak na tigilan ka? Mahiya rin naman siya minsan sa pinag-gagawa niya" rinig kong sabi ng tropa nito habang papalapit ng papalapit sila sa'kin.

Huminto ito sa harapan ko. Tiningnan ako nito ng seryoso, nginitian ko siya ng napakatamis "Tabi" malamig na sabi nito. Nawala naman ang ngiti ko at tumabi, "Paharang-harang kasi sa daanan" habol pang sabi nito.

Hinawakan ko siya sa braso "I'm sorry, sorry!" nakayuko kong sabi. Hindi ko kasi napansin na naka harang pala ako sa pintuan ng canteen.

Marahas na inialis nito ang kanyang kamay sa pagkakahawak ko at itinabig ng malakas ang kamay ko dahilan para matumba ako sa sahig, napadaing ako sa sakit ng kumirot ang puso ko. "Kuya Lin..." mahinang bulong ko.

31 Days of Desperate Bitch   [Completed]Stories to obsess over. Discover now