18

4.6K 75 0
                                    

exlxyxnx

Hindi papayagang ikay lumisan
O kung hindi man, itong sasabihin
Sasabin kung ano ang meron
Meron ako para sayo at para sa'tin

JHO

December 24, 20**

Marami akong text dms and pms na natatanggap mula sa mga fans friends and relatives but I got none from the person I expected to send me one. Malungkot tuloy ako.


"Hoy ate tulaley ka na diyan sabi ko pinapababa na tayo ni Mama dahil magsisimba na tayo! Wag mo isipin si ate Bea sa akin na daw siya sabi niya!" sabi ng kapatid kong hinayupak!

"Oo na Janel ingay ingay mo sapakin kita diyan eh!" mataray na sabi ko sa kanya

Tumayo naman ako at pinagpagan ang suot kong simpleng above the knee floral dress paired with white doll shoes

"Tsaka anong sayo si Bea? baka gusto mong bangasan kita at itakwil bilang kapatid ko ikaw din wala ka ng ateng mabait maganda maputi at maganda ulit." Seryoso kong sabi sa kanya

Bigla naman siyang tumawa -,-


"Maganda? kaya ba di na nagpaparamdam sayo yung girlfriend mong hottie na si Bea De Leon? ha-ha-ha ate you are so funny!" may pagka sarcastic niyang sagot


"Janel, Jhoana, kanina pa ako sumisigaw sa baba ano ba namang mga tenga meron kayo ha? hindi niyo man lang ako naririnig. Tara na't mag uumpisa na ang misa baka ma-late pa tayo tsk! Bumaba na kayo ha? kayo na lang hinihintay sa sasakyan nako nako nakakahiya kayo ang kukupad niyo kumilos." mahabang sabi ni Mama

Nang maisara na ni Mama ang pintuan ng kwarto ko ay agad kong sinapak ng bahagya si Janel

"Tigilan mo ako Janel ha? ayoko mabadtrip Christmas na Christmas eh! Tsaka sa akin lang si Bea noh!" sabi ko at saka nauna nang lumabas sa kwarto.

(Lingid sa kaalaman ni Jho ay tumatawa tawa na lang si Jaja na naiwan sa kwarto niya)

FF


Nakarating na kami sa simbahan at sa bandang gitna kami naupo. Kasama namin ang mga relatives namin both sides nina Mama't Papa.




Habang nagmimisa ang pari ay hindi ako mapakali kaya inilibot ko ang mga mata ko sa paligid.


Nang mapalingon ako sa kanang mga upuan ay parang nakita ko sina Bea. Oo, sina. Dahil mukhang kasama niya ang parents niya.


Napailing naman ako dahil baka namamalikmata lang ako sa sobrang pagka miss sa kanya.


Nang mag 11:30 na ay tapos na ang misa at umuwi na kami sa bahay.


Nagsipasukan naman na kami pero si Auds ay hinatak ako sa Garden

"Balita ko close kayo ni Bea De Leon ah! Pakilala mo naman ako oh. May girlfriend or boyfriend na ba siya?" tanong ni Auds sa akin

nooooo Bea is mine.

"Hey fuck off na cousin, taken na yun noh!" medyo naiirita kong sagot



"Eh ikaw ba cousin kailan ka magpapakilala ng boyfriend, ha?" tanong niyang muli.


Oo nga pala sina Mama at Janel lang nakaka alam sa side ko.

Sasabihin ko na lang sa kanila mamaya kapag nasa hapag na kami.



Stuck in Reverse (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon