Chapter U N O

29.9K 76 0
                                    


"Rona, gusto na namin ng papa mo na sumama ka na kina Lennix, dahil ikaw na lang magisa rito paano na kapag Wala na kami rito? Baka May mangyare pang masama sayo." Sabi sakin ni mama, habang patingin tingin sa Amin dalawa ni papa. Wala naman problema sakin yun. Dahil Wala akong kasama rito nakakabored na lalo na puro kalokohan lang Ginagawa ko.

"Kailan pa Ma?" Tanong ko.

"Ngayon na, nasimulan ko ng ipaligpit yung gamit mo sa bag mo." Sagot niya sakin.

"Paano na Kayo Ma? Dadalaw naman Kayo dun diba?" Tanong ko ulit. Mukha ngang nag-aalala sila sakin kasi Wala rin naman akong mapapala rito kung lagi silang Umaalis sa bahay tapos ako na naman ang maiwan magisa sa bahay na ito.

"Oo naman anak no," sagot naman niya.

"Paano na yung pag-aaral ko? Malayo kaya bahay ni Kuya sa school ko." Sabi ko naman, Matagal ko ng kilala si Kuya simula nung nagbakasyon kami noon sa kanila, mababait sila saamin.

"Ayun nga Rona, sinabi ko na Kay Lennix na don kana mag-aaral ng kolehiyo. Alam naman ni Lennix na pupunta ka don, ipapasundo ka na lang namin tas aalis na kaagd kami."

"Hindi muna Kayo magtatagal don? Hay ma, bahala na Kayo." Nasabi ko na Lang.

"Basta wag kang magpapasaway don Rona, mag-aral ka ng mabuti,"

"Yes Ma, magiingat Kayo rito ha? Ma? Wag muna Kayo loving loving. Hinga rin. Ngisi kong sabi, natawa naman si mama, nalaman ko kasi na May nangyare sa kanila dahil pag uwi ko galing school nagkakalat na yung mga damit nila sa sala, sinundan ko pa yung Iba hanggang sa saradong kwarto ang naabutan ko.

Edi alam na.

"Wag ka lang maingay, Tara na.. Hinihintay ka na nila don." Sabi niya sa 'kin, inakbyan niya ako papalabas ng bahay.

"Hoy Rona, wag kang papalandi don ha? Nako.. Nabalitaan ko yung kaibigan ni Papa? Ang anak nun nabuntis na, 14 pa lang naman yun, bumigay na. Kaya ikaw Kahit nasa legal age kana wag ka munang magpa-ano, Gawin mo muna yung pag-aaral tsaka pangarap mo." Paliwanag niya sakin, hinalikan niya ako sa noo. Hinalikan ko din siya sa pisnge.

"Yes Ma, Hindi pa naman Kayo mag-kakaapo. Si Kuya Joven palang naman." May Asawa na kasi si Kuya sa pagkakatanda ko, ilang taon na rin sila magkasama kaya gusto na nilang magkaanak ng mas maaga pa dahil kapag magpakasal na sila May isusunod pa. Ganyan talaga ang mga lalaki ngayon. 

"Hayaan mo na Kuya mo, Ge na. Sakay na sa loob." Pumasok na ako sa backseat at nagseatbelt. Si papa naman maiiwan na raw dahil May tatapusin pa siyang trabaho Kaya si mama na Lang ang maghahatid sakin papunta ron.

Pinaandar na Nya ang kotse at nagsimula ng magmaneho.

"Alam mo nak, Sobrang saya ng mga pinsan mo nung nalaman nilang doon kana titira." Kwento niya sakin, nakikinig naman ako pero hindi ko siya tinignan kasi alam Kung nasa daan lang ang atensyon niya.

"Pinsan lang ba kasama ko don Ma?" Tanong ko, pero hindi pa rin ako tumingin sa kanya dahil nakatingin ako sa bintana.

"Oo Rona, madami naman Kayo don, kaya Wala akong problema sa kanila." Umikot siya ng pakanan, at nakikita ko na ang bayan ni Kuya Lennix.

"Saan pala magulang ni Kuya Lennix Ma? Bakit mga pinsan lang kasama ko don?" Tanong ko bigla, naiisip ko kasi na Baka Masungit yung magulang nila kaya mga pinsan ko lang ang nandon.

"Nasa abroad," sagot niya.

"Silang dalawa? Yung mama at papa niya?"

"Oo nak, okay lang naman daw Kay Lennix na umalis yung magulang niya, kasi Kayang kaya na naman niya sarili niya." Sagot niya sakin.

"Ah, bumibisita din naman magulang niya Ma?"

"Syempre nak, sa susunod na buwan na nga birthday ni Lennix, talagang pupunta yun mga yun." Hindi ko na pinansin pa, dahil  naantok na ako sa byahe Kahit alam ko na medyo malapit na ang bahay ni Kuya lennix.






"Rona, hoy.. Gising na." Napamulat ako ng niyogyog yung balikat ko kaya Mabilis akong nagising.

"Andito na ba tayo Ma?" Tanong ko habang kinukusot-kusot yung mata ko kasi bagong gising lang.

"Yes nak." Ngiting sagot niya. Tumayo na ako dahil nasa labas na si mama inaantay ako. Naglakad na ako at talagang presko yung hangin na dumadaloy sa katawan ko, lumapit si mama para Samahan akong pumasok sa bahay ni Kuya Lennix.

Kumatok si mama at naghintay ng minuto. Narinig ko pang May paparating at nagsalita. "Hala, andyan na ata sila pre! Teka lang puntahan ko!" Kilala ko na boses nito, si Kuya Lennix Lang naman, napangiti kami ni mama, narinig din siguro niya kaya sabay kaming naghintay sa pag bukas ng pinto. 

"Hi Lennix," sabi ni mama. Nagulat naman siya tsaka napanganga pa siya Sabay bumaling sakin.

"Rona? Ikaw na bayan?! Mga pre! Nandito na nga sila!" Sigaw niya sa loob at parang tangang bumabaling yun tingin niya sakin.

"Lennix, yung sinabi ko sayo ha? Ingatan mo tong anak ko. Wag mong hayaan na magkaboyfriend to, mapapatay ko talaga to." Nakangising sabi ni mama, ngumiti lang din naman ako dahil alam Kung Nagbibiro lang si mama. May tumutunog na namang mga paa, mga kasama ata ni Kuya mga pinsan.

"Oo Tita, ako na bububog sa lalaking papatulan ni rona, hahaha pasok muna kayo." Binuksan niya ng malaki kunti yung pinto kaya nakapasok kami. Hindi pa rin nagbabago yung itsura ng bahay ni Kuya maayos siyang Tignan at magaganda yung pininturang puti. Mga pictures niya Dati nung bata pa siya. Nandun din yung mga kasama Kung pinsan at ako. Nakakamiss naman balikan.

"Ronaaaa?! Rona! Whahaha lalo kang gumaganda ha?" Napalingon ako sa nagsalita, Si Roxan! Parehas kaming maganda kaya hindi na ako magsasabi Kung Sino pang mas maganda samin, kasama niya Si Cyrine pababa ng hagdan kasunod ang mga lalaki kong pinsan. Si mama kausap niya si Kuya Lennix sa Kusina Private ata kaya ako na Lang magisa rito tinitignan yung mga pictures namin Dati nung bata pa kami.

"Hi guys!" Bati ko sa kanila.

"Wow, gumaganda ka na nga Rona! May bf kana siguro no?" Nakangiting sabi ni Kieth kasama si Carl, ngumiti din ako pabalik sa kanila.

"Strict ang parents e, kaya Wala pa. Thanks sa papuri." Lumapit ako sakanya bilang pagyakap sa kanilang lahat. Yung Iba May binulong, natatawa ako. Si Kuya Lennix na lang ang kulang.

"Bakit ngayon ka Lang kasi dumating Rona? Ikaw talaga ang Tagal na natin Hindi nagkita ano!" Natatawang sabi ni Cyrine na Hindi mapalagay sa buhok ko kasi lagi niyang hibahawakan, hinayaan ko na lang. Magkaakbay sina Kuya Kieth at Kuya Carl, si Dave naman ay May Ginagawa sa cp May katextmate ata. Si Roxan nakangiting tumingin sakin.

"Oo nga! Isang taon na Lang gagradaute na tayo! Nalaman ko kasi na dito kana mag-aaral." Sabi ni Cyrine sakin na Hindi pa rin tinatapos yung paghahawak Nya sa buhok ko. 

"Saktong sakto Rona lahat kami don nag-aaral Maliban na lang sa tatlo na trabaho na Lang inaatupag." Nginusuan niya sina Kuya Kieth, Kuya Carl at Kuya Lennix.

"Musta naman Kayo dito? Kailan pa Kayo nagpunta rito? Akala ko ba kasama niyo magulang niyo? Hindi ba nagagalit sina Tita at tito?" Nagkatinignan silang lahat na parang alam na nila yung sagot. Sabay nagtawanan sila. Nagtataka ako.

"Hahahaha ano kaba! Isang taon na lang kasi kaya pinayagan na kaming magaaral dito! Lalo na pareho lang tayo ng taon." Sagot ni Roxan. Ngumiti naman ako.

"Nagugutom ako, nagluto na ba kayo?" Tumango sila.

"Nandon sa kusina pinaghandaan talaga namin to dahil alam namin na dadating ka." Sagot ni Kuya Kieth na siya na ang unang umalis at sumunod kami sa kanya patungong kusina.

—•—•—•—•—•


A/N: Unang pagkikita nila!

His Possessive TendencyWhere stories live. Discover now