Bumubuhos ang malalaking patak ng ulan sa labas. Sumasayaw sa hangin ang mga sanga ng punong mangga at humampas sa aking bintana. Siguro'y isang bagyo na naman ang humuhudyat.
Kasabay nito ang nakakagukat na kidlat at nakakabinging tunog ng mga kulog. Lalo akong napakapit ng mahigpit sa kumot.
Ayoko talaga sa ulan. Pakiramdam ko ay laging may nakabadyang panganib sa tuwing ganito ang panahon. Nakakatakot.
Ang lamig na dulot ng hangin na pumapasok sa bintana ang syang lalong nagpapatindig ng aking mga balahibo.
Paniguradong hindi na naman ako makakatulog nito.
Tumayo ako upang kumuha ng gatas sa baba. Gatas ang kailangan ko ngayon. Kailangan ko ng pampakalma sa sistema kong hindi mapakali.
Nang ilang hakbang na lamang ang layo ko sa pintuan. Natigilan ako sa kakaibang tunog na aking narinig.
Tunog ng paghampas ng isang matigas na bagay.
Kahit maingay ang kulog at sumabay pa ang ingay ng ulan. Dinig na dinig ito sa buong kabuuan ng bahay kahit nasa ikatlong palapag ako.
Bigla akong nangilabot ng makarinig ng mga impit na hiyaw at sinundan muli ng mga malalakas na paghampas.
Alam kong may mali sa nangyayari.
Dahan dahan kong tinungo ang closet. Isang balisong ang inilabas ko mula rito.
Ang kauna unahan kong patalim na regalo ni Papa noong 7th birthday ko.
Ang sabi niya'y for emergency purposes lang daw.
Ito na nga ba ang tamang panahon upang gamitin ang patalim na ito?
Tinungo ko ang pintuan at dahan dahang inikot ang door knob.
Maingat ang aking mga galaw, natatakot akong makalikha ng ingay.
Sinasabi ng isipan ko na mas maligtas kung mananatili na lamang ako sa kwarto. Ngunit may isang parte rin na nagsasabing kailangan kong tignan ang nangyayari sa baba.
Binuksan ko ng kaunti ang pintuan. Sapat na upang masilip ko sa labas kung may tao ba o wala
Nang mapakiramdaman kong wala, saka ako lumabs ng tuluyan. Kadiliman agad ang sumalubong sa akin.
Nyeta, Brownout pa.
Humakbang ako ng isa. Tumingin sa mahaba at madilim na pasilyo. Kung minamalas ka nga naman, brownout pa
Mas lalo itong nagpalala sa sitwasyon sapagkat meron akong phobia sa dilim.
Nang humakbang pa ako ng isa. Naaninag ko na may ilaw sa unang palapag. Agad kong sinipat kung ano iyon.
Teka, isang sunog! Nagliliyab ang mga gamit namin sa sala.
Mas lalo akong dumungaw sa baba at saka ko napagtanto na naroon sila Mama at Papa. Parehas walang malay. Mali. Parehas silang wala nang buhay.
Si Mama ay nakatali sa upuan at laslas ang leeg. Nawawala rin ang kanang kamay nito! Mga demonyo sila! Hindi ito kayang gawin ng tao!
Si Papa ay nakahandusay sa sahig. Pugot ang ulo at nagkalat ang iba't ibang parte ng katawan nito.
Napuno ng dugo ang unang palapag. Napatakip na lamang ako sa aking bibig upang pigilan ang paghikbi. Hindi ako maaring magpatinag sa takot at lungkot!
Nakita ko ang tatlong lalaking nakapalibot sa kanila. Ang dalawa'y may maskarang itim at ang isa ay may maskara sa bandang bibig! Malalaki ang kanilang katawan! Nakakatakot ang mga tindig! Napatingin sa dako ko ang isa sa kanila! Mabilis akong yumuko agad at nagtago.
Akmamg sisilip akong muli ngunit paakyat na sila rito! Naririnig ko ang kanilang nakakapangilabot na tawanan. Tawanan ng mga demonyong tuwang tuwa sa ginawa nilang apoy sa pamilya ko.
YOU ARE READING
The International Crimson University
Mystery / ThrillerLahat ay gagawin ni Alexsandria Vanderbilt upang makuha lamang ang hustisya na nararapat para sa kanyang pamilya. Dahil nakita niya mismo ng kanyang mga mata,kung paano brutal na pinatay at sinunog ang kanyang mga magulang. Paano kung ang hustisya...
