"Peppy, ikaw pala yan... Akala ko kung sinong maingay heheh.."

"Ay hindi hindi.. Imagination mo lang to.." sagot ko sa kanya sabay talikod..

"Ahahah, sorry na. Ano ba kasi yung sinasabi mo? Hindi ko nainitindiha naka headset kasi ako.."

"Kanina pa ako daldal ng daldal hindi mo pala ako naririnig?! I HATE YOU!!!" sigaw ko sa kanya. Nakakainis talagang Chad to, ewan ko ba kasi kung bakit dahil lang sa complete set ng twilight book na yun napapayag niya akong maging bestfriend niya >.

"Sorry na Peppy, bakit naman kasi asar na asar ka diyan?" tanong niya. Tiningnan ko siya ng masama. Haaaay dagdag asar naman ohh!

"Ehh pano ba naman yang Cross na yan!!! Binagsakan ba naman ako ng sako niya sa ulo. Ansakit-sakit.." sagot ko sabay kapa sa ulo ko.. "Ayan tuloy nagkabukol na ako huhuhu.." Hinawakan ni Chad yung ulo ko at tumawa..

"Hahaha oo nga no Peppy hahah anlaki-laki ng bukol mo ohh hahahaha.. Parang itlog hahaha.."

"Sige pagtawanan mo pa ako.. Napaka-alaga mo talagang kaibigan" (-_-)

"Ahahaha ehh kasi hahahaha anlaki-laki ng bukol mo hahaha. Uhmm hahaha okay ka lang Peppy?"

"Tingin mo okay lang ako?! Ikaw kayang bagsakan ko ng mabigat na bag diyan at magkabukol ka tska tanungin kung okay ka lang.." Kung minsan talaga hindi ko alam kung saan dinadala ni Chad yung utak niya ehh.

"Ahahah eto na ngang sneakers para hindi ka na magalit sa akin..."

Bigla akong humarap sa kanya pagkarinig ko ng sneakers.. Wow CHOCOLATE!!! Hinding-hindi ko matatanggihan to.. Agad kong kinuha yung chocalate at binuksan. Sinighot-singhot ko pa bago ko kinagat.

"Grabe!! Wala man lang thank you.." natatawang sabi ni Chad.

"toink yow!!!" sagot ko sa kanya. Bahala ng hindi niya naintindihan yung sinabi ko.. Basta CHOCOLATE!!! Na-tatlong kagat ko lang yung Sneakers bar, grabe nakakabitin naman. Tumingin ako nkay Chad at ngumiti.. "Chad meron ka pang chocolate?"

"Meron pa---"

"Pahingi naman..."

"Ayoko nga..."

"Sige na naman Chad pahingi ako kahit isa na lang. Please?"

"Ayoko pa rin...."

"Ang damot-damot mo naman!!! Mamimigay ka na lang kasi isa pa, alam mo namang bitin sa akin yun.."

"Ngayon ko lang napanisin na antakaw-takaw mo sa chocolate ngayon Peppy?"

Our Twisted Love StoryWhere stories live. Discover now