We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

1. Home

1.1K 17 1
                                        

Hailey POV

"Miss gising na nasa terminal na tayo",
nagising ako sa malakas na sigaw ni manong konduktor. Grabe si kuya kala mo wala ng bukas sumigaw. Dahil sa medyo inaantok pa ako napairap na lang ako sa kanya.
"Ayan ako na nga nagmamalasakit, ikaw pa galit Neng, mga kabataan talaga ngayon".
Napakamot pa ng ulo si kuya ng sabihin niya sa akin yun.
"Pasensya na kuya, napasarap ata tulog ko e", nahihiyang sagot ko sa kanya.


Binitbit ko na lahat ng mga dala ko.
Bumaba na ko ng bus at nag-iisip kung magbobook sa uber o magpapasundo na lang sa bestfriend ko

Baka nasa trabaho pa ang isang yun so I decided na magbook na lang ng uber.
After 5 min. Dumating na din si kuyang uber driver.

Mabilis lang ang byahe kaya nakarating din ako agad.

"Hays! It's been 3 years mula ng umalis ako dito"

Actually this house is owned by my
Bestfriend.
Ang dami ng pinagbago ng bahay, yung dating 2 storey lang naging 4th floor na.

Napangiti ako, ang tagal ko na pa lang namalagi sa Prague. Ang successful na pala ni Taz. Ang dami nang nabago, parang kelan lang kalaro ko pa siya. Natawa na lang ako sa muling pagbabalik-tanaw ko.

Sarado ang gate ng bahay kaya medyo napangiwi ako.

"HAYS!!wala nga pala ako susi nito, ayan uwi pa ng walang nakakaalam. Tanga pano makakapasok!

Sa sobrang frustrate nasipa ko yung pasong nakaharang malapit sa pinto.
And then I saw it.
Nasa ilalim ng paso ay isang susi na for sure susi ng gate." Mabilis kong binuksan ang gate at hinila ang mga maleta ko.

Yung front door di ko naman na problema, I have my spare key, sana nga lang di pa nababago ang mga lock sa pinto sa bahay. Thanks G! Dahil hindi pa.

Yung front door ganun pa rin..parang ako pa ata ang last na nagpintura nito.

Masaya kong binuksan ang pinto pero nagulat ako sa nadatnan ko.

Napaubo ako sa sobrang baho ng bahay, umaalingasaw ang amoy, pinagsama samang amoy ng mga alak at sigarilyo.

Mga boteng nakakalat, mga plastic at karton ng mga pinamiling pagkain sa fastfood,mga pinagbalatan,tira tirang pagkain sa lamesa, tambak na hugasin sa lababo, kalat kalat na sapatos at damit.

"WHAT THE HELL!!"anong nangyari sa bahay.
Ganito ba ako iWelcome ni Taz.

Tanga, hindi nga pala niya alam na na umuwi ka, sabi ko sa sarili ko.

Dumiretso muna ko sa second floor kung nasan kwarto ko, thank goodness at maayos naman ang kwarto ko.

I check my wristwatch, maaga pa pala 10 am pa lang, malabo ngang umuwi ng gantong oras si Taz.

Living With My 7 Ex In 1 Roof.Stories to obsess over. Discover now