Biglang nakaramdam ng Matinding Kaba at pangamba si Gobernador Mariano hindi niya maintindihan kung bakit pero isa lamang ang kanyang natitirang paraan para ma solusyunan ang kinakaharap na Suliranin ang hanapin ang pumatay sa mga taong iyon at patayin.

"Tugisin n'yo ang mga taong may kagagawan nu'n at ipadala dito sa bayan ng Delavega!"

"Masusunod po! Gobernador ngunit hindi pa namin na si siguro kung ilan sila.

"Hindi na iyon importante ang mahalaga ay mahuli n'yo ang may kagagawan ng pagpatay."

Nagdadalawang isip pa si Heneral  Eltimor kung sasabihin ba nito ang tungkol sa pinatay na sundalo ng anak ni Gobernador.

Sa huli ay napagpasyahan na lang niya na huwag nalang ipaalam rito
Pagkatapos ng usapan nila ay tumayo na ito at nagbigay galang. "Aalis na po ako Gobernador Mariano kapag may nakalap na kaming impormasyon ay kaagad kong ipapaalam sa'yo."

Sumenyas lang ito bilang sagot pagkatapos ay umalis na ito sa opisina n'ya.

Ikinagagalit n'ya kung sino man ang may kagagawan nu'n dahil nasira ang plano n'ya kapag nalaman nya kung sinong nangahas na taong kumalaban sa kanya ay sisiguraduhin nyang pagdudusahan nito ang ginawa pagpigil rito.

******

KARAMIHAN sa mga taong naninirahan rito sa bayan ng Buencamino ay nagtataka kung bakit maraming mga kasundaluhan na naririto ngayon sa syudad sanay naman sila na may nakikitang mga kasundaluhan ngunit Marami ito kaya labis ang kanilang pagtataka.

May isang grupo ng mga kalalakihan
ang nagbubulong bulungan.

"Ano ba ang nangyayari?

"Hindi ko alam!"

"May hindi ba sila sinasabi sa atin?"

"Alam naman natin na ipinagbabawal ang pagpapakalap ng impormasyon pagdating sa mga opisyal ng iba't ibang bayan kaya nagiging mangmang tayong lahat walang kaalam-alam sa bawat pangyayari sa ating bayan. Nagiging sunod sunuran tayo sa mga kastilang namumuno sa ating bansa."

"Tama ka riyan ngunit ang mga kapwa nating kababayan na mga opisyal ay nakikianib narin sa mga dayuhan na iyan hindi manlang nila iniisip ang mangyayari sa kapwa nila kababayan mga sarili lamang nila ang kanilang iniisip at iniintindi mga duwag sila!"

She is the Boss in 1889Where stories live. Discover now