Medyo tumawa si ate atsaka bumaling sa'kin, "Pancake nalang sa'kin at gano'n na rin sakanila dahil hindi naman almusal ang water." I smiled tsaka siya umalis.

Dahan-dahan ako tumingin sakanila, Pinagpapawisan silang tatlo kahit naka-aircon naman. "Next time, na magkukulit kayong tatlo aalis na talaga ako." sabi ko at tinuro ang dalawang mata 'ko at tinuro ko rin ang kanilang mga mata isa-isa.

"I am watching you." sabi ko.

Dahan-dahan silang tumango na parang natakot sa yaya nila. Jusko hirap mag-alaga ng mga supling. 

Isang twenty-three, twenty at eighteen. Sobrang bata nila noh? Sarap pitasin ang mga buhok sa hita! 

Nang dumating na ang order ay tahimik lang silang kumain pero nakikita kong patingin-tingin silang tatlo sa'kin. Pero hindi ko na sila pinansin, kumain nalang ako kaysa pansinin sila. 

Nang matapos na kaming kumain, inaya kami ni Phoenix na uminom ng  shake dahil daw mainit kaya mas maganda kung kontrahin na namin agad ito.

"Anong flavor gusto mo?" sabi nilang tatlo sa'kin.

"Wala! Hindi ako iinom!" sabi ko at umirap.

Ayan nanaman sila, bakit ba sila ganiyan! Hindi ko na nga alam gagawin ko dahil nasaktan ko si Darryll kagabi, sabi ko mahal ko naman siya kaso hindi ko masabi na as a friend dahil ayaw kong masaktan siya lalo kaya napangiti ako pagkagising ko na maayos na ang expression niya, hindi dahil nakaramdam ako ng kung ano. Porket ba sinungitan ko si Teylan, malandi na agad? 

Nag-alala lang naman ako kay Darryll, gano'n na pala iyong malandi hindi ako nainform. Bakit ba ako sobrang naiinis ngayong umaga gosh! 

"Eto oh, Strawberry Shake." abot ni Teylan.

"Mango shake?" sabi ni Phoenix habang nakangiti kaya napatingin ako kay Darryll kung may ibibigay ba siya sa'kin.

Humihigop siya at nakatingin sa malayo. "Sorry wala akong pera, nilibre lang ako ni Phoenix." sabi niya at ngumiti, "Pero kung gusto mo share nalang tayo, may mamahaling laway ko pa." sabi niya at tumawa.

I chuckled, "Sige na nga, pasalamat kayong dalawa at natawa ako kay Darryll dahil kung hindi, hindi ko tatanggapin itong shake niyo." sabi ko at kinuha ang bigay ni Teylan at Phoenix.

Naglakad-lakad lang kami sa beach habang umiinom ng shake. Dalawa ang iniinom kong shake, masarap naman pagpinaghahalo mo. I found weird things more beautiful! 

"Bukas nalang tayo mag-asikaso Aubrey." sabi ni Phoenix kaya tumango ako.

"Okay sir." 

"For now, gusto ko muna mag-relax dito kahit isang araw lang." sabi niya habang nakatingin sa dinadaanan.

"Tapos ako naman inii-stress niyong tatlo?" sabi ko.

Nasamid si Teylan kaya na-ubo siya, "Oh okay ka lang?" sabi ko dahil parang iluluwa niya na buong respiratory system siya. 

"I'm okay." sabi niya at na luha pa.

"Bakit ka kasi nasamid sa tanong ko?" sabi ko.

"Hindi naman ako nasamid sa tanong mo, dahil kinindatan ako nung bakla." sabi niya kaya napatingin kami sa mga bading na nagsa-sun bathing. 

Tumawa si Darryll, "Pogi nga, bakla naman ang nagkakagusto." pang-aasar ni Darryll.

"Gusto mo sipain kita sa mga baklang iyan?" sabi niya at mukhang naiinis.

"Subukan mo, para lagot ka kay Aubrey." sabi ni Darryll at dumila.

Napatingin si Teylan sa'kin kaya bigla siyang nanahimik. Katabi ko kasi sa gilid si Darryll at pinaggigitnaan kami ni Phoenix at Darryll.

"Let's watch bonfire later?" sabi ni Phoenix.

"Wow! Meron? I want!" sabi ko at pumalakpak nang mahina.

"I want Teylan?" dugtong ni Teylan.

"Gusto mong masabi ko bigla ang tatlong kataga?" sabi ko at tina-asan siya ng kilay.

"I love you?" sabi niya at ngumiti.

"Mali, break na tayo." sabi ko at umirap.

"Uy joke lang naman babe." sabi niya at inakbayan ako at sumandal sa balikat ko na animo'y nilalambing ako.

Lumipas lang oras namin sa beach. Nagtampisaw kami at natuloy sa pagsisid sa dagat. Hanggang sa inabot na kami ng gabi kakalaro sa dagat. 

Mabuti nalang at may energy shield ako at hindi ako nangitim. Si Phoenix at Darryll medyo umitim pero bakit ang gwapo pa rin nila? I need justice please. Pagkatapos namin magbanlaw ay dumiretso na kami sa bonfire. 

"Nognog!" sigaw ko kay Darryll at tumawa.

"Gwapo naman." sabi niya at nag pogi sign.

Asar.

Umupo na kami sa log dahil magsisimula na ang bon fire, nang bigla kong naramdaman na parang basa iyong panty ko. Siguro tubig lang, nag-swimming kasi. 

Nagulat ako nang hinubad ni Teylan ang polo niya at binigay sa'kin. Lumapit siya  sa tainga ko, "You have menstruation." he smiled, "itali mo ang polo ko sa bewang mo." sabi niya pa.

Ngumiti ako, "Thank you." sabi ko.

Paano niya kaya nalaman na meron ako? Tiningnan niya kaya? Itinali ko nalang ang polo niya at nanuod na ng bonfire. 

Ito kasi ang gusto namin nila Papa mapanuod kaso iyon nga lang, kami lang nakapanuod wala si Mama kaya kinuhaan ko nalang ng video at pinlay ito noong bumisita ako sa puntod niya. 

Nang matapos na ay bumalik na kami sa room pero sumama si Phoenix sa room namin. "Uhmm, Aubrey." sabi ni Teylan at binigay sa'kin ang isang balot ng napkin.

"Thank you." sabi ko at niyakap siya.

"Papalit lang ako." sabi ko at pumasok na sa cr.

Kinilig tuloy ako medyo dahil binilhan ako ni Teylan ng napkin. Paglabas ko ay nakabihis na rin sila at nadatnan ko silang nagtatalo.


"Ako ang katabi ni Aubrey!" sabi ni Teylan.

"Ako kaya!" sabi ni Darryll.

"Ako nalang kaya para hindi na kayo mag-away." sabi ni Phoenix.


"For now si Darryll ang katabi ko." sabi ko kaya halos malukot si Teylan sa sobrang pagkadismaya at si Darryll naman ay sobrang saya na parang nanalo sa lotto.

"Kayong dalawa! Shoo! Do'n kayo sa kabilang kwarto!" pang-aasar ni Darryll.

"Good night, babe." sabi ni Teylan at hinalikan ako.

Bago sila lumabas ay binigyan ni Teylan si Darryll ng 'Touch her, I'll kill you' look. 

Oh ano malandi nanaman ako?

"Bakit ako pinili mo?" seryosong tanong ni Darryll.

"Gusto lang kita maka-usap." sabi ko at ngumiti.


_

Living With a Vampire | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon