AOKIGAHARA

19 0 0
                                        

Naglalakad
Di alam kung saan ang tungo ,
Nakakaadik na liwanag ng gabi .
Animoy akoy isang aktor nasilaw sa aking entablado.

Ako'y napapalibutan ng mga nagtatangkarang mga Puno na animoy bisita sa aking palabas ,
kasama ng mga
Nakaka engganyong palakpakan ng mga kuliglig .

Napapalibutan ako ng mumunting mga ilaw na hatid ng gamu-gamo.
Habang niyayakap ako ng malamig na simoy ng hangin ,
Saksi ang bituin sa bukod at natatangi kong palabas.

Nagsasayawan ang mga damo habang
Hinahawi eto ng aking mga paa ,
Lubos akong nagagayak sa pagdalo niyo sa aking teatro
Sana sa aking palabas ay mapasaya kayo

kay lamig ng hangin ngayong gabi.
Tinutuyo ang luha sa namumugto kong mata.
Nakatutok sa akin ang ilaw na lente dulot ng buwan.
Bawat hakbang ay parang kaaya ayang sayaw ng balse.
Isa .. dalawa , isa ... dalawa..
Isang malungkot na sayaw
Sapagkat ako'y nagiisa.

tahimik ang paligid subalit gumagawa ng ingay ang isip ko ,
Nakikipaglaban ang dilim sa liwanag ng mga mata ko,
Humakbang pasulong , huminga ng malalim.
Inaanod ng luha , niyapos ng hangin.

Binagsak ang lonta kasabay ng pagkalupig ng liwanag ko.
Madalim na ang teatro na kinatatayuan ko,
Wala na ang ang mga ilaw ,
Tumahimik ang palakpakan.
Tumalon , tumulo ang luha at pumikit.
Tuluyan ng makakalaya sa sakit.
Bangin na nagsilbing tulay,
Sa malamig na patag na kabaong ko.
Ngayon ko lang napagtanto,
Kailan man di ako naging bida sa
Estorya mo.

AokigaharaWhere stories live. Discover now