Madaling araw ng marinig ni clark ang pagtunog ng kanyang cellphone na nakapatong
sa ibabaw ng desk. Malalim ang iniisip habang nakatingin sa kisame na unti-unti nang na napupuno ng agiw.Napabuntong hininga na lamang siya sa kanyang nasilayan sapagkat lalo lamang nananakit ang kaniyang ulo sa samut-saring isipin. Pati ang paglilinis ng bahay ay nawawala na sa kaniyang isip.
Hindi pa rin siya makapagbayad sa tuition niya at sa apartamentong tinutuluyan sapagkat delayed na naman ang padala ng kaniyang ama mula sa Saudi. Napabalikwas siya ng bangon ng bigla na namang tumunog ang kanyang cellphone sa pangalawang pagkakataon.
Napaisip siya na baka ito ay ang kaniyang ama na nagsasabing kuhanin niya na ang padalang pera. kung kaya naman kahit pupungay-pungay na ang mata ay marahan siyang tumayo at naglakad patungo sa kayang desk kung nasaan ang kaniyang cellphone na bigla na namang umilaw at tumunog senyales na may mensahe na naman.
Agad niyang binuksan ang kaniyang cellphone at tumambad ang mensaheng hindi nya inaasahan, ang mensaheng nakapagpakunot ng kaniyang noo. marahil hindi ito nagmula sa kaniyang ama o kahit na sinumang kakilala, isang numerong hindi nakarehistro sa kontaks ang nagsasabing
"Magandang araw! maraming salamat nga pala sa pagtulong mo ha? :))"
unang mensahe pa lamang ay lalo nang napakunot ang kaniyang noo. Napaisip si clark kung sino nga ba ang kaniyang tinulungan ngunit ang tanging naisip na tao ay siyang nakapagpatawa lamang sa kaniya. Isang matandang ale lang naman kanina ang kaniyang tinulungan sa pagbubuhat ng mga napamili nito. Imposible iyon sapagkat bakit naman nito malalaman ang kaniyang numero at itetext pa talaga sya ngayong madaling araw para pasalamatan.
binuksan na lamang niya ang pangalawang mensahe upang mapagtanto lamang na hindi ito ang matandang iyon.
"Alam mo kung kaya ko, kaya mo din kaya huwag kang susuko ah kahit anong problema man yan."
Napatanga si clark subalit nakapagpagaan naman ng kaniyang kalooban ang binanggit nito, iyon lamang ay hindi niya maintindihan kung ano nga ba ang tinutukoy ng misteryosong tao sa likod ng mga mensaheng ipinadala nito.
Napapailing na lamang siyang binasa muli ang pangatlong mensahe nito. Ang huling mensahe na mas lalong nakapagpakabog ng kanyang dibdib at nakapagpalamig ng kaniyang pakiramdam. Rinig na rinig ang marahan na tunog ng orasan habang ang mga mata'y nakatutuok sa mensahe
" Clarky, Sa maikling panahon nating pag-uusap ang dami kong natutunan at naibahagi sa'yo sana hindi mo pa ako nakakalimutan kase ako hinding-hindi kahit kailan."
Simpleng mensahe kung tutuusin subalit tila napakalaki ng naging epekto nito kay clark.pikit-matang inaalala ni clark kung sino ang kaniyang nakausap at tinulungan na sinasabi ng taong ito ay siya. Ang taong pumasok sa kaniyang isipan ay nakapagparamdam lamang ng matinding kalungkutan sa kaniya.
Panandaliang napatigil at nag-isip si clark kung magrereply nga ba siya rito. Sa hindi inaasahan ay nanaig ang kaniyang iniindang hinanakit at sama ng loob sa muling pagpaparamdam nito.
Mabagal at seryoso niyang tinipa sa keyboard ng kaniyang cellphone ang mga salitang nais sabihin ng kaniyang isipan na puno ng kalungkutan.
"sorry pero wrong number ka ata."
iyon lamang at bumalik na siya sa kaniyang higaan upang hanapin na naman ang hindi maibigay sa kanya, ang maayos na tulog.
Nagbabadya ang mga luha sa kaniyang mata pero nais niyang tatagan ang kaniyang sarili. Habol ang hininga na pilit pinipigilan ang impit na iyak mula sa kaniyang mumunting labi. Ilang saglit pa sa isang madilim na kwarto kung saan tanging siya lamang ang naroroon ay tuluyan nang lumabas ang totoong clark, ang totoong emosyon na kaniyang tinatago sa harap ng nakararami.
YOU ARE READING
Unexpected Text
ChickLitHindi inaasahang mensahe ang nakapag-pakabog muli ng puso ni clark. Ang taong pilit winawaglit sa isipan ay muli na namang naaalala, ang pinagsamahang wala namang nabuong salitang "tayo" ay pumapasok na naman sa kaniyang sistema. Ang mapait na kahap...
