Arabo kong Ex-boyfriend na Minahal ko nang Sobra-sobra
(True to life story wieee ❤)
It all started with an online game. Actually, online game siya na parang may social platform kasi trading game siya. So you really have to interact with the other players para makausad ka sa laro and maka-collect ng "items" na basehan kung gaano ka "kayaman" or "kagaling" sa game na iyon.
Teka, mamaya ko na replyan ang comments. Hahaha. 😂
So ayun, nung time na sobrang "yaman" ko na sa game, naisipan kong tulungan ang mga newbie sa game. Kaya pumunta akong FB grp ng game na iyon tas sinagot ko lahat ng posts na game related. Yung mga nagtatanong and stuff.
And then there was this guy named Ibrahim (not gonna tell his full name), nagpost siya about something na common sense lang ang kailangan. As in sobrang easy lang na parang hindi na kailangang itanong.
Lalagpasan ko sana kaso good mood talaga ako kaya niclick ko yung post niya para replyan. Tas pagtingin ko, andaming comments from other players, tina-trashtalk siya omg hahaha. Kasi ang "noob" niya raw and stuff. Nainis ako kaya pinagsabihan ko 'yun tapos nag-comment ako ng matino para masagot 'yung tanong niya.
Tapos super bait niya! Karamihan kasi sa players doon, nangttrashtalk pero siya super galang. Andami niyang tanong tapos nag-enjoy naman akong sagutan. Tapos super thankful siya kaya medyo natuwa ako roon kasi first time kong maka-encounter ng ganoong player.
Tapos biglang sabi niya, "Thank you, beautiful princess."
Sabi ko sa utak ko, "Shit fuckboy" HAHAAHAAHAHHAAH
So... Na-off ako roon kasi hindi ko bet ang malalanding lalaki HAHAHA hindi ko na nireplyan. Tas naalala ko RA ko pala nagamit ko roon so ... HAHAAH hindi ako nakapag change
Tapos continue ako sa game... Nakikipag-trade ako noon, malaking deal siya as in andaming items na involved.
Long story short, I got scammed. 😩 Naiiyak ako nun kasi pinaghirapan ko yun tas andami nung nawala sakin. Hahahahaha
Kaya nagpost ako sa group, sabi ko na-scam ako ganyan.
Tas nag-open ako ng game uli, andaming nakaalam na na-scam ako so since may special treatment ang girls doon HAHAHAH andaming tumulong sakin, nagbigay ng items. 😂 Mas marami pa nakuha kong tulong kesa sa nawala sakin. HAHAHAH
Tapos nagulat ako kasi, nilapitan ako nung Ibrahim sa game. Bigyan niya raw ako ng items. Eh ang alam ko newbie siya so malamang "poor" pa siya sa game.
Kaya sabi ko, huwag na. Okay na ang items ko. Pero nag-insist talaga siya. Sabi niya, "I will give you all of my items as a payment for your act of kindness." Ganyan HAHAHAH
So hindi na ako tumanggi kasi gusto ko rin ng items. 😂 Shems ang weird lang kasi parang ang makaluma niyang tao. HAHAHAH
Basta binigay niya sakin ang items niya.
Tapos... Dun na nag-start ang lahat. Wait, kain muna ko HAHAHAH
The next day, habang naglalaro ako, biglang may nag-chat sa'kin sa RA. Tapos tinignan ko, 'yung Ibrahim pala. 😂
Ayoko sanang replyan kasi nakakatamad pero since binigyan niya akong items, nagreply ako. HAHAHAH. Naisip ko nga, baka kinakaibigan lang ako kasi close ako sa mga sikat na "rich" sa game tas parang rich din ako ganun. Baka manghihingi lang ng items tulad ng 95% ng players doon.
Pero puro lang hi, hello, etc ang usapan. Walang about sa game. So naisip ko, baka pure friendship lang ang habol nito. Hindi naman siguro para sa items. Kaya parang medyo naging okay ako sa pakikipagchat sa kaniya.
