Dear Faye

48.9K 2K 516
                                    

Faye,

Hindi ko alam kung bakit ba kita sinulatan. Nangyari na ang mga nangyari. Nasaktan na kita. Kahit ilang beses akong humingi ng tawad sa 'yo, alam kong mananatili pa ring wasak ang puso mo dahil sa 'kin.

Alam ko. May ideya ako. Walang ibang taong nagtiyaga sa 'kin kundi ikaw. Alam ko kung hanggang saan ang boundaries ng isang pagkakaibigan at alam kong ilang beses mo rin iyong nilampasan dahil sa 'kin.

I am sorry again, Faye. It has always been Nadine.

Alam mo naman siguro kung gaano kahirap, hindi ba? Iyong sa isang tao lang umiikot ang mundo mo pero sa iba umiikot ang mundo nya. You were the moon and I was the Earth. I was gravitating towards Nadine while you were endlessly circling around me. Pinaikot mo sa akin ang buhay mo and I'm sorry for wasting your love.

I don't deserve you, Faye.

You deserve someone who will only look at you. You deserve someone who can offer you his whole life, yung mamahalin ka ng buo at hindi dahil isa kang spare na palaging nandyan kapag wala ang original.

I know I have no right to tell you this, but please Faye, move on.

Ilang beses ko na ring ipinaramdam sa 'yo na hindi ko kayang turuan ang puso ko. Kung may choice ba ako, bakit hindi ikaw ang pipiliin ko? You're more than enough. Ang swerte kong naging kaibigan kita. Ang swerte kong minahal mo ako.

But love doesn't work that way. Hindi porket mahal mo, mamahalin ka na rin pabalik. Isang malaking suntok sa buwan ang isuko ang buong mundo mo para sa isang tao sa pag-asang tatanggapin ka nila at mamahalin pabalik.

You have relentlessly showed how much you care, and I have repeatedly wounded you for not accepting your heart.

Sa dami ng sakripisyong ginawa mo para sa akin, alam kong hindi sasapat ang kahit anumang gawin ko para mabayaran kita.

And I know seeing me with her would deeply hurt you. So I would stay away. Hahayaan kitang makalimot. I will give you time to heal and space to breathe.

At sana sa mga panahong malayo ako sa 'yo, matagpuan mo na sya. Kapag masaya ka na, balitaan mo ako ha? We will celebrate. Libre ko.

Gusto kitang makitang masaya, Faye. At sana, kapag nakita kitang ngumiti, hindi na lang ako ang dahilan. Sana maging masaya ka kahit wala ako. Huwag mong idipende sa akin ang kasiyahan mo. Hindi ako karapat-dapat.

Nadine was looking for you, by the way. Alalang-alala sya dahil hindi ka nakarating sa kasal. Hindi ko masabi sa kanya ang dahilan. Hindi ko maipakita ang sulat mo. Kahit kasal na kami, hindi ko maibahagi sa kanya ang parte ng buhay ko na kasama kita.

Siguro dahil duwag ako. Natatakot na baka magalit sya sa akin dahil sa 'yo. Na baka iwanan nya ako ulit. Hindi ko kasi kaya, Faye. Para syang hangin. I couldn't live without her.

Umiiyak ka ba? Pasensya na ha. Alam kong maraming beses ka nang umiyak dahil sa 'kin. Pakiramdam ko nga, ang sama-sama kong tao. Pero lulubusin ko na. Ibubuhos ko na sa sulat na 'to ang lahat-lahat. At sana kung iiyakan mo man 'to o ako, sana for the last time na.

Sana pagkatapos nito, makahinga ka na ng maluwag.

There was a time that I considered the idea of us being together. Naalala mo noong pumunta ka sa bahay at naabutan akong umiiyak? That was the time when I asked God for a sign. Sabi ko, Lord, panahon na ba para tumigil? Susuko na ba ako?

That's when I heard you knock. At pagbukas ko ng pinto, nandoon ka. Sabi ko sa sarili ko, panahon na siguro para sukuan ko sya at ikaw naman ang subukan kong mahalin. Pero, hindi pala iyon ang sagot na hinihintay ko. You came when I was desperate for the answer... pero sa lahat ng tanong, hindi pwedeng isa lang ang sagot.

Ang sagot na gusto ko, dumating pagkatapos mo. Nadine came to me. Natauhan daw sya. Hindi nya raw kayang mawala ako sa kanya. Alam mo ba ang pakiramdam ko noon? I felt like a rocket being shot up to the sky. Lumilipad ako sa tuwa.

Noong oras na 'yon, panandalian kitang nakalimutan.

I was so wrapped up on my own happiness that I completely forgot about you. At nang kumatok ka ulit sa pintuan ng bahay ko, saka lang ako nagising sa masaya kong panaginip.

May Faye pa nga pala sa buhay ko. Yung Faye na pinagkakautangan ko ng malaki.

My heart sank when I saw pain flash by your eyes. Nakonsensya ako. Pero hanggang doon lang. Alam kong pinilit mo lang ngumiti at magkunwaring masaya para mapagtakpan ang sakit na nararamdaman mo.

Kita ko. Halata.

Pero hanggang doon lang.

Siguro nga, hindi tayo para sa isa't isa. Siguro kung naging tayo man, hindi rin tayo magtatagal. Minsan kasi, napapasok tayo sa kwento ng iba at hinahangad na sa atin 'yong happy ending.

It's not your fault, Faye. Hindi mo lang istorya ang napasukan mo. Naniniwala akong may sarili kang kwento at sa kwentong iyon, magiging masaya ka.

And when you look back on this particular chapter, mangingiti ka na lang. Dahil wala na ang sakit. Nakalipas na.

This will be the end of that chapter.

Thank you for the friendship and thank you for the love.

I hope you find your happiness.

J.

Dear FayeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon