Chapter 1

497 14 11
                                    

3RD PERSON'S POV

Pasado alas 12 na ng hating gabi na ng makalabas si Wenzey galing sa trabaho nyang pagiging Doctor. Madilim na at tanging ang buwan lang ang nagsisilbing ilaw nito. Habang naglalakad nakarinig sya ng mga yapak sa likod nya, nakahinga siya ng maluwag ng maisipan nyang hindi na siya nagiisa sa madilim na kalye, pero nung naka apak na siya sa liwanag ng post light ay biglang nawala ang mga yapak na naririnig nya, at naka amoy siya ng kung anong mabango, pero binaliwala nya lang yun.

Nung nakalabas na naman siya sa ilaw ng posteng yun ay narinig na naman siya ng mga yapak, bigla na siyang kinabahan dahil mas bumilis ang mga yapak na nadidinig nya sa likod nya, ayaw nya namang lumingon dahil kung ano pa ang makita nya. Malayo layo pa ang lalakarin nya para makauwi. Inabot nya ang cellphone nya at tinignan ang oras. Nanlaki ang mata nya ng makitang 3 na pala ng umaga.

'ilang oras na ba akong nag lalakad dito?' tanong nya sa sarili.

Nung inilibot nya ang mga mata nya sa paligid, napahinto siya napagtantong nasa post light na naman siya.

"teka, nadaanan ko na to kanina ah?" tinignan nya ulit ang phone nya tsaka sinubukang enopen ang maps, para tingnan kung nawawala na ba siya. Nung makita nya kung nasaan siya, nanlaki muli ang mga mata nito nung makitang nasa tapat na ito ng apartment kung saan siya nakatira. Pero nung inilibot nya ang paningin nya, wala siyang masyadong makita kundi kadiliman. Nakatalikod siya sa poste ng may maramdaman siyang matulis na bagay na tumama sa likod ng ulo nya dahilan para makaramdam siya ng antok. Pero bago pa man siya makatulog ay nakarinig ito ng malakas na pagtawa ng lalaki at naramdaman nyang may idinikit ito sa noo nya.

Lyrc's POV

"kunan mo ng litrato yung paa ng bangkay, pati yung kamay oh!" utos ni Superintendent Zeke Greiger sa kay Inspector Alecse.

Isinout ko ang gloves ko bago tumawid sa crime scene.

"Anong nangyari dito?" tanong ko kay Superintendent Zeke Greiger sabay turo sa babaeng nakabulagta sa daan habang naliligo sa sarili nyang dugo dito sa may apartment

"Murdered, Wenzey Frouz." sabay pakita sakin ng I.D "isang Resident Doctor sa RP Hospital" Lumapit ako sa bangkay at sinuri ito ng maigi, nakadilat pa ang mga mata nito pero nawawala ang kaliwang mata.

"Detective DK!" tawag sakin ni Inspector Zed Greiger. Lumingon ako sa direksyon nya, may iniwagayway itong plastic na may lamang duguang papel sa loob

"Ano yan?" tanong ko, tsaka kinuha ang papel.

"Nung matagpuan namin ang bangkay ay nakita namin iyan. May nakasulat kaso di namin maintindihan dahil napuno ng pulang likido ang papel" paliwanag nya sakin.

Kinuha ko iyon at itinago sa bulsa ng coat ko "Iimbistigahan ko ito kung ano ang nakasulat dito" sambit ko

'pangalawang Murder case na ito ng mga babaeng brutal na pagpatay' sabi ko sa likod ng utak ko.

.

.

.

Pagkatapus nilang kunan ng mga ibidensya ang paligid, sina Senior Inspector Iann Niche at Inspector Zed Greiger naman ay naghanap ng mga hidden cameras at mga witness sa krimen.

"Superintendent Greiger mauna na ako!" sambit ko sabay pasok sa loob ng Bugatti kong kulay silver.

Pinaharurot ko ito ng takbo patungong warehouse. Ipinark ko ito agad nung nakarating ako at dumeretso sa crypt kung saan, lahat ng krimen na under sakin ay nakapost doon. Inilatag ko sa lamesa ang mga ibedensyang nakuha ko sa crime scene kanina. Kinuha ko sa bulsa ko ang papel na ibinigay sakin ni inpector Zed kanina.

The Killer's C.O.D.E (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt