Baliw na si Crush(One Shot Story)

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi pwede 'yon lagi akong present ehh. Inalis ko sa isip ko 'yon at itinuon ang pansin ko sa paglalakad. Na ikinagulat ko dahil sa biglang pagtakbo ni Blue na asa tabi ko pumunta sa harap ko at biglang NAG-PLANKING.

Nanlaki ang mata ko as in PLANKING sa sahig. Literal na nakahiga sa sahig! at bakit sa harap ko pa. Hindi ko alam karapat dapat kong ang react!  Parte pa ba nang role play 'yan? ang maghandusay o mag-planking sa sahig? Grabe baka nga O myy. Baka may .. baka may kalahating saltik ang crush ko. Hindi pwede to. Mahal na mahal ko 'yan. 

Ngunit baka nga nag-papractice lang kaya napag-desisyonan ko nalang na wag nang pansinin pa 'yon. Kaya dumiretso nalang ako sa school at sa kabutihang palad nagkasakit pala si Sir Felix kaya hindi nakapasok.

_____________________________________________

Araw-araw parin akong nale-late, wala paring pagbabago sa pagpasok ko. Nakakaasar nga ehh. Sampung beses na ata akong napatawag sa Principal's Office sa kadahilanang late ako. Paulit-ulit na lang nang sinasabi yung PRICE-EPAL nang school na kesyo pumasok ako ng maaga kesyo ganyan. Kasalanan ko bang, kasi naman ehh, Kaiisip kay Blue my labs tuwing gabi at malayo ang bahay namin no! siya kaya ang sa sitwasyon ko! walanghiyang PRINCE-EPAL porke tapat lang ng school ang bahay niya makapagsalita na nang ganyan. 

Speaking of Blue my labs! sobrang weird na niya. Umpisa nung araw na ang mag-kasabay kaming maglakad nung araw na nag-planking siya sa harap ko. Umpisa rin nang araw na 'yon ang palagi naming pagkakasabay sa school, nabalitaan ko ring walang role playing at laking taka ko kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na 'yon araw-araw.

Ang tumambling sa harap ko!

Ang gumapang sa sahig sa harap ko!

Ang Tumalon ng parang kangaroo sa harap ko!

Ang tumawa ng parang baliw sa tabi ko!

Ang sumayaw ng BOOM PANES sa harap ko!

Ang pagtawa uli ng parang baliw sa tabi ko!

Ang paggaya sa mga sounds ng animals!

At isa lang ang asa isip ko ngayon...  BALIW NA ATA SI CRUSH. Grabe para na siyang may saltik talaga at parang nawalan o natanggalan na ng turnilyo. Minsan pa nga may mga nagsasabi sakin na classmate niya na 

'Oyyy si Blue baliw na!' 

'Hoy! Pink si Blue sobrang baliw na!' 

'Pink grabe na ang pagkabaliw ni Blue' 

Ang pinagtataka kulang ay bakit sakin nila sinasabi? Seriously? Pero ng dahil sa sinasabi nila mukang tama nga talaga ako. Kawawa naman ang Crush ko. He's not mentally Healthy. BALIW ANG CRUSH KO. 

Pero ngayong araw naninibago ako. Late ako pero ngayong araw walang Blue akong nakita na kasabay kong maglakad na bigla nalang naghahandusay sa sahig, tumatawa na parang luko-luko at iba pang gawaing pangbaliw. 

Nabigla ako ng biglang may humawak sa braso ko. 

"Pink bilisan mo inatake na talaga si Blue ng pagkabaliw niya andiyan na yung Psychiatrist" Sigaw ng kabarkada o classmate ni Blue. Dali-dali kong sinundan yung classmate niya at bigla nalamang may pumatak na luha mula sa mata ko. 

Bakit nangyari pa'to sa katulad ni Blue. Inspirasyon s'ya para sa'kin ngunit bakit gan'to. Nakakainis malalaman mo nalang na isang araw yung crush mo na dahilan madalas ng pagkalate mo dahil sa kaiiisip mo sakanya tuwing gabi ay susunduin na ng mga Psychiatrist dahil sa may sakit pala siya sa pagiisip. 

Habang tumatakbo ako napansin kung hindi sa classroom nila Blue kami papunta kundi sa graden nitong school at nakita ko ruon ang nakatalikod saaking si Blue. 

"Bro! andito na yung Psychiatrist mo" sabi nung kabarkada niyang humila saakin. Inilibot ko ang tingin ko. Wala namang Psychiatrist. Ako lang naman ang dumating rito. 

"Mabuti naman at pinansin mo na 'ko" ani Blue, ako ba ang kinakausap nito?. "Pwede ka nang umalis Bro!" pagpapaalis niya ruon sa humila sakin.  "Mabuti naman at pinansin mo na ako kako" Ani nito. 

Ako ba ang kinakausap nito?

"A-ako ba-ba?" utal kong tanong.

"Ikaw nga."

"Ku-kumusta na ang-ang lagay mo?" utal ko paring tanong. 

"Terminal na raw ang kaso ko at kaylangan ko na nang Psychiatrist" sagot nito. 

"Ba-bakit ako ang pinatawag mo?" 

"Nakakaasar kasi!" Sigaw nito. "Ang hirap mag-papansin sa'yo alam mo ba 'yon? napakahirap! Alam mo yung hihintayin pa kita sa gate kahit na ma-late narin ako tapos sasabayan kitang maglakad at magpapapansin sa'yo. At hindi mo parin ako pinapansin. Yung tipong kahit maglumpasay na 'ko sa sahig hindi mo parin ako pinapansin lahat na ginawa 'ko para na nga akong baliw eh. Yung tipong sasabihan na nang barkada ko na baliw na ko at kaylangan na kong mapunta sa mental!" Napanga-nga ako sa mga sinasabi niya! hindi ko ma-absorb. "Alam mo ba kung bakit nila ako sinasabihan ng baliw bukod sa nale-late rin ako kahihintay sa'yo? Bukang bibig kita eh. Baliw na nga ata ako" 

"A-anong sina-sinasabi m-mo?" utal kong tanong.

"Napaka Slow mo talaga!" 

Naiintindihan ko pero hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ayaw pumasok sa sistema ko ang nangyayari. 

"A-anong ibig mong sabihin?" Gusto kong linawan ang lahat. Naguguluhan ako. 

"Akala ko ba pangarap mong maging Psychiatrist." Bakit niya alam ang impormasyon na 'yan.

"Oo" Tipid kong sagot. 

"Ehhh bakit simpleng kaso kulang hindi mo pa masagot at mabigyan ng konklusyon." 

"Hin-hindi ko maintindihan"

"Ang slow mo. Ngayon pwede na bang ikaw nalang ang Psychiatrist nang buong buhay ko." Napatigil siya at napakamot nang buhok. "BALIW NA BALIW NA KASI AKO EH. BALIW NA BALIW SA'YO"

________________________________________________

Like it? plss. Vote or Drop a comment thanks po. First Oneshot ko siya dito kaya panget 'to hahaha at hindi maganda ang pagkakasulat LOL.

Naisip ko lang ang plot nito since nag-rereview ako ng health hahaha. Mental Health. Kaya ayon. Sige na sige Bye na bye. Salamat na salamat talaga sa pagbabasa. 'Yon lang Thanks.

Baliw na si Crush(One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon