Prologue

1.3K 54 86
                                    

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

Noon pa man ay ipinagbabawal na ang paggamit ng itim na mahika. Ang mga may kakayahang gamitin ito ay inililihim ang kanilang kapangyarihan. Dahil nga nakakagamit din sila ng puting mahika madali sa kanila ang ilihim ang totoong kapangyarihan nila. Ngunit lahat ng lihim ay nabubunyag...

Isang araw hindi sinasadyang nagamit ni Magnus ang kanyang itim na mahika.

“Magnus ano yon?” takang tanong ng kaibigan ng mapansing itim ang kulay ng mahika ni Magnus.

“Ha? Wala.” pagtanggi nya.

“Wala? Nakita ko din kulay itim! Itim na mahika!” sabi ng isa.

“H-hindi puti yon, puti.” kinakabahang sabi nya.

Nalaman ng iba ang tungkol sa natuklasan nila kaya tinugis sya at sinubukang patayin ng mga mamamayan ng Apros ipinagtanggol naman sya ng mga kapwa nyang may itim na mahika. Nabunyag ang kanilang lihim at namatay ang karamihan sa kanila bago sila makatakas at makalayo sa mga ito. Pagkatapos ng mga nangyari ay tinanggap parin sya ng mga kasama.

“Maraming salamat sa inyo, patawad, kasalanan ko kung bakit namatay ang mga magulang nyo.” umiiyak na sabi nya.

“Hindi mo kasalanan, walang may kasalanan Magnus, aksidente ang nangyari.” nakangiting sabi ng nasa kanan nya habang tinatapik ang kanyang ulo.

“Tama, isa pa sino pa ba ang magtutulungan diba? Tayo-tayo lang rin naman kaya wag ka nang umiyak, para kang babae eh pff.” pagsang-ayon at pangloloko ng isa.

“Humanap muna tayo ng pansamantalang matutuluyan bago tayo maghanap ng permanente.” sohistyon ni Magnus.

Sumang-ayon ang lahat, nagsilbi syang pinuno ng mga kapwa may kakayahang gumamit ng itim na mahika. Matagal din silang nagtago kung saan-saan bago nila mahanap ang Orgen, isang madilim at tahimik na lugar. Parte rin ito ng Apros na hindi sinisikatan ng araw. Walang sinuman ang nais manirahan dito kaya naman naisip nilang kahit nasa malapit lang sila ay hindi sila matutunton ng mga taga-Apros.

.

Doon sila nanatili ng ilang buwan, ang akala nila'y ligtas na sa Orgen ngunit sadyang malakas ang pang-amoy ng mga Aprosian at nahanap nila ang kinaroroonan nila Magnus.

“Anong bang gusto nyo samin?! Kami na nga ang lumalayo sa inyo!” galit na sigaw nya habang nakikidigma.

“Ang patayin kayo, yun lamang ang nais namin ang mabura kayong masasama sa mundong ito! Mga demonyo!” galit na sabi ng kanyang kalaban.

Lumaban sila hanggang sa tigilan sila ng mga Aprosian. Kahit payapa na ay naghanap parin sila ng ibang lugar na maari silang mamuhay ng tahimik at hindi sila magugulo ng mga ito.

Sa tagal ng kanilang paghahanap ay nasa Orgen din pala ang kanilang hinahanap. Nakakita sila ng isang lagusan pababa sa ilalim ng lupa, parang isang malawak na kweba.

Tinawag nila itong Marvus kasunod ng pangalan ni Magnus dahil sya ang nakahanap nito at sya rin ang namuno sa kanila. Nilagyan nila ng seal ang lagusan upang walang ibang makakita nito kundi sila lamang.

Simula noon ay natahimik na sila. Kung noon ay takot pa silang lumabas, ngayon ay nakikisalamuha na sila sa mga Aprosian ngunit patuloy at habang buhay nilang ililihim sa mga ito ang kanilang kapangyarihan dahil hinahanap parin sila ng mga ito at nais parin ng mga ito na mawala sila sa mundo.

.

Habang tumatagal ay dumarami ang nawawalang Marvasian, alam nilang kagagawan ito ng mga Aprosian pero pinipili nilang manahimik dahil sa oras na lumaban sila hindi na matatapos ang gulo hanggang hindi nauubos ang isa sa kanila.

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

The end *bow*

Tapos na po ito Prologue de Epilogue po ang tawag ko dito hahaha biro lang AYOKONG MABARIL! #CreditToOwner

Sensya na kung maiksi ngayon ko lang yan ginawa hehe yung dapat prologue eh ginawa kong chapter one paumanhin sa paghihintay xD

~Lysa

Sorcerers of Black MagicWhere stories live. Discover now