Napakurap-kurap nalang siya lalo pa ng lagpasan na naman siya nito at lumabas na naman ito ng bahay. But this time, hindi nalang ito sa tayler nito huminto. Nakita niyang sumakay ito sa isang single motor cycle at umalis ng walang paalam sa kanya.

Nagtatabog, napagpapa-padyak siya sa sobrang inis niya sa lalaking iyon.

"Naku, pagpasyensyahan mo nalang ang asawa. Madami lang kasi trabaho talaga ngayon, bukod kasi dito sa tayler may bukid pa siyang inaasikaso"paliwanag ng isa sa mga tauhan ni Claude na may edad na.

Tinignan lang niya ito, hindi nagsasalita na iniwanan niya ang mga ito at pumasok na siya sa loob ng bahay ng lalaking sinasabi nga na asawa niya.

Doon tinawagan niya ang kaibigan niya, sinabi niya dito na mukhang kailangan niyang magstay doon ngayon dahil hindi pa sila nakakapag-usap ng maayos ng lalaking asawa 'daw' niya.

HABANG naghihintay siya, nakaramdam siya ng pagkainip. Pinagmasdan niya ang buong paligid niya at naaasiwa siyang tignan ang mga nakakalat na mga gamit sa loob ng bahay.

Naalala niya ang sabi ni Claude sa kanya na feel at home siya, kaya naman iyon ang gagawin niya.

Sinimulan niyang linisin ang buong bahay ni Claude, maging ang kwarto nito pinangahasan na niyang pasukin at linisin. At habang ginagawa niya ang bagay na iyon may naramdaman siyang parang pamilyar na bagay sa kanyang ginagawa na hindi niya alam kung ano.

"Anong ginawa mo?"galit na tanong ni Claude mula sa likuran niya.

Sa paglingon niya nakita niya ang galit na mukha ni Claude habang nakatitig ito sa kanya. inirapan niya lang ito at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. hindi pa magpasalamat ang lalaking ito at inilinis niya ang lungga nito.

"Whoa! Mali ba ako ng napasukan na bahay"narinig niyang iba ang boses na sunod na nagsalita.

Paglingon niyang muli nakita niyang may kinakaladkad ng isang lalaki si Claude palabas ng bahay nito. Kaya alam niyang iba ang nagsalita kanina, nagkibit balikat nalang siya.

Sinunod niyang gawin ay ang magtungo sa kusina para magluto na ng hapunan nila, halos maggagabi na din at sobrang pagod siya kaya nagugutom na din siya.

"Tangina!"narinig niya mura mula na naman sa likod niya.

"Kanina ka pa ha!"sita niya dito.

"Sinong nagsabi sayo na pakialaman mo ang mga gamit ko dito?"sigaw nitong pagalit sa kanya.

Pinamaywangan niya ito, pero bago siya makapagsalita napansin niyang hindi sa mukha niya nakatingin ang lalaki kundi sa katawan niya. naalala niya na kumuha nga pala siya kanina ng malinis na tshirt nito at nagpalit siya. Wala naman siyang makitang kasya niyang short ni Claude kaya nakapanty lang siya ngayon.

Pero wala siyang paki kahit na ganoon ang itsura niya. proud pa nga siya, sabi nga ni Daniel kapag nakikita nito na nakasexy outfit siya kapag magkachat sila ang sexy niya nga daw. Sabi pa nga ni Daniel 'You should always wear something like that when I'm there' na hindi niya maintindihan kaya yes nalang ang sagot niya kasi nakangiti naman ito.

"Hindi ka nalang magpasalamat at nilinis ko ang bodega mo"ganting angil niya dito.

"Tsk!"ibinaling nito sa iba ang tingin nito.

Sinimangutan niya ito ng iwanan na naman siya nito pero sa pagkakataon na ito hindi sa kwarto dumeretso si Claude kundi sa banyo. Isa lang kasi ang banyo dito sa bahay na ito sa may kusina din ito makikita.

Naiinis na naman siya na ipinagpatuloy ang pagluluto niya, nakatapos na siyang magluto nakahain na siya hindi pa din lumalabas sa banyo si Claude. Napataas pa ang kilay niya sa isiping mas maarte pa yata sa kanya ang lalaki pagdating sa pagligo.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Where stories live. Discover now