PAK...

Natumba ako ng may tumama sa mukha ko na bolang pang baseball, kaya napahawak ako sa sakit ng ilong ko dahil doon mismo tumama ang bola.

Takteeee!

Sobrang sakit non at halos mawindang ako nong subukan kong tumayo, nahihilo rin ako at medyo nasusuka.

"Omygosh! help! Si sandra" sigaw nong babae kaya kahit nanlalabo ang mata ay tinignan ko iyong pinagkakagulohan. Si sandra nahimatay, nakita ko nalang na binuhat siya ni master.

Ma-master...

Wala atang nakakita sakin. dahil sa init ng araw kanina ay napagpasiyahan kong sumilong muna sa isang gilid habang iyong iba ay nasa field at gumagawa ng activities.

Shit! Ang sakit ng ilong ko!

Parang gusto kong masuka. umupo ako at tumingen sa itaas para kahit papano ay maiwasan ang pagdudugo ng ilong ko

Bukod sa ilong ko, bakit may iba pang-masakit sa akin?

Ilang minuto pa at nawalan na ng mga studyante ang field, hindi korin alam kong nasaan iyong tatlo at si master. sobrang hilo ng nararamdaman ko at dahil doon ay naiiyak na ako.

Bakit ba kasi ako umiiyak?

Kong kanina ay tirik na tirik ang araw ngayon naman ay unti-unti ng bumubohos ang ulan kaya wala akong nagawa nong mabasa na ako

Nagselos ba ako?

Napailing ako, buong buhay ko hindi pa ako nagkagusto kaya hindi ko alam ang pakiramdam ng selos. Pumikit nalang ako at dinamdam ang ulan

Kahibangan kong magkakagusto ako sa kaniya, kaya ititigil ko ito hanggang maaga pa.

Roy POV

Nasa school clinic kaming apat habang tinitignan si Sandra ng Nurse, she's still unconscious.

"What happened to her Nurse?" Tanong ni Dre sa isang nurse na ang che-check kay sandra.

"She's fine. Wala namang senyalis kong bakit nahimatay siya, maya-maya baka magising narin siya" tumango si Dre at tinitigan si sandra, the way he looked at her.

I know he's still inlove with sandra.

Naging kaibigan namin si Sandra sobrang close nga na itinuring na namin siyang kapatid pero naglaho ang lahat ng iyon ng pinatulan niya yong bestfriend ni Dre, though bestfriend kami ni Dre pero mas matagal iyon kaysa sa amin.

Napatingen ako sa labas nitong clinic sobrang lakas ng ulan, i wonder what's with the weather this day's.

i'm just thinking, ilang unicorns kaya ang ikinakasal ngayon.

"Where's bebang?" I asked. Nagtinginan naman kaming tatlo at tumingen kay Dre, he's busy checking sandra.

"Dre, nasaan si bebang?" Tanong ni Liam kay Big-boss. Tinignan ko ang labas, ang lakas talaga ng buhos ng ulan na may halong kulog pa.

geez, scary.

"Baka nasa classroom. bumalik narin kayo, ako na bahala dito" hinayaan nalang namin si big-boss at sandra sa clinic at pumunta na sa classroom, madaming girls ang nag-alok ng payong samin kaya hindi kami nabasa ng ulan.

this is life. Girls, are crazy when i'm around.

Dwight POV

Nakita kong natumba si Sandra kaya agad akong nag-alala tsaka siya dinala sa clinic.

Forgod sake!

Alam kong mahal ko pa siya at ayaw na ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan. Nakatingen lang ako sa kaniya buong oras nag iisa nalang ako nagbabantay sa kaniya dahil pinauna kona iyong tatlo sa room

Nasan na kaya ang gagu mong boyfriend

Hindi ko alam pero naiinis ako, siguradong nabalitaan na niya ang nangyari kay sandra pero wala parin tsk

"Dwight" agad akong lumapit sa kaniya

"Are you ok? Sabihin mo may masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong ko.

"Salamat. All this time may pake kapala sakin" nagulat ako ng bigla niya akong yakapin pero wala akong maramdamang kahit ano kong hindi Awa para sa kalagayan niya.

"DRE BEBANG IS MISSING!" Agad akong napabitaw ng yakap kay Sandra at gulat na tumingen kay Roy na basang basa

"What do you mean?" My heart starting to bet faster.

"It's been 1 hour Dre, wala siya sa room pagdating namin. until now, tapos na ang klase" nakaramdam ako ng kaba sa sinabe ni Roy.

"Take care of sandra. i'll go and find her" tumango ito sakin kaya sumulong na ako sa napa-kalakas na ulan

Araw araw ka nalang ba mapapahamak ugly maid!

THANK YOU FOR READING AND PLEASE VOTE AND COMMENT FOR THE NEXT CHAPTER ❣

LOVELUTS-NOONA

MAID BECOME MY BABE [COMPLETED]Where stories live. Discover now